***"Ano ba? Oo na nga 'di ba? Pumunta ka na dito sa bahay. Ang kulit mo, eh." Asar na sabi ko kay Lacy. Kausap ko siya sa phone. Gusto niyang pumunta dito sa bahay. Kakawi lang niya galing sa probinsya nila. She wants to see Luhan.
"Really? Ipapakita mo na siya sa akin? Kasama ba niya yung --"
"No. Siya lang. Alam kong inaasahan mo si Tao. Akala ko ba moved on ka na?"
"Gusto ko lang malaman! Tse! O sige na. Susulpot na lang ako diyan. Excited to see him! Bye!" And she ended the call.
Napasulyap ako sa verandah. Nandun si Luhan. Hapon na kasi, eh. Nakatayo lang siya dun habang nakatitig sa kawalan. Inihagis ko yung cellphone ko sa kama ko.
Last week, palagi siyang nandito. Ayaw na nga niyang bumalik sa condo nila e. Baka daw kasi lumabas ako ng hindi nagpa-paalam. So ayun, dito siya natutulog. Hep! Sa guest room ha? Napunta lang siya dito sa kuwarto ko kapag gising na ako.
This week na ang prescon. Kung kinakabahan si Luhan, mas kinakabahan ako. Paano na lang kung hindi matanggap ng buong mundo? Lalo na ang mga fangirls niya. Nakakatakot din. Siguro, ako na din ang magsa-sacrifice kapag lahat sila ay hindi matanggap. Ayokong mahirapan si Luhan. Ayokong mag-quit siya sa career niya nang dahil sa akin. Sobrang di ko matatanggap yun. Mas pipiliin kong mag-break kami just to continue his career, his dream.
Nagtungo ako sa veranda.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Inakbayan niya ako. "Of course. Why?"
"Don't think too much, Luhan. Don't stress yourself. Like what you told me, everything will be okay." I smiled at him.
Nakakaginhawa ang lakas ng hangin. Nakaka-relax. Sana mapalad ng hangin na ito ang bigat na dinadala namin ni Luhan. Ako talaga ang nahihirapan sa kanya.
Hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "I am okay as long as you're okay, Annika."
Tumingin ako sa kanya. "Luhan, stop worrying about me. I'm fine."
He smiled then tumitig na naman siya sa kawalan. "Annika, whatever happens, you'll be strong, okay? After this mess, I'll proudly show to the world how amazing and beautiful you are."
Omg. Kahit kailan talaga to! Luhan never fails to make me blushed. Napayuko ako saka ngumiti. Pushet kasi e.
"Luhan, promise me ---"
"I won't quit."
"No, that's not what I'm talking about." He looked at me, puzzled. "Promise me that you'll be okay."
"I will be okay, Annika." Kinabig niya ako palapit sa kanya. "Don't worry, okay?" Nakaakbay siya sa akin habang nakatitig kami sa kawalan. Mga katapat bahay kasi ang nakikita namin, eh. Asul na asul ang langit. Tumingin ako sa relo ko. 2pm in the afternoon pa lang.
Naipikit ko na lang ang mata ko nang maramdaman ko ang labi ni Luhan sa noo ko. I really love my bias, my baby, my peter pan, my Luhan. Tumingala ako sa kanya saka ngumiti. Ang sweet niya kasi. Napakunot-noo ako nang tanggalin niya yung snapback niya at isuot sa akin yun.
Napanguso ako. "What?"
He leaned forward para pantay ang mukha niya sa mukha ko. Hawak-hawak niya parehas ang balikat ko. Nakatitig siya sa akin habang aliw na aliw na nakangiti.
"You're so beautiful," he said that while staring into my eyes.
Napakurap ako. "E-eh?" Pinisil ko ang pisngi niya. "Stop it, Luhan."