*
"ANNIKA! May naghahanap sa'yo sa ibaba. Gumising ka na diyan," sabi sa akin ng Mama ko habang hinahampas-hampas ako ng unan.
"S-sino daw po?" Sabi ko. Antok pa kasi ako.
"Lee Seunghwan daw."
Kaagad na napabalikwas ako ng bangon. Inayos ko yung buhok ko. "S-sino? Lee Seunghwan ba kamo, 'Ma?"
Kunot-noong tumango si Mama sa akin. "Sino ba ba yun, 'Nak? Yun ba yung koreanong ---"
"Hindi po! Siya po yung manager ng koreanong makakasama ko. Pero, koreano din po yun. Nasaan po ba?" Tanong ko. Tumayo na ako mula sa kama. Inipit ko yung buhok ko.
"Nasa ibaba. Bilisan mo na! Wag mong paghintayin yun," tumango na lang ako sa kanya.
Nang makalabas si Mama sa kuwarto ko. Kaagad na naligo ako at mabilis na nagbihis. Nag-dress na lang ako at nag-sandals. Inayos ko na din ang buhok ko at ang mukha ko. Paganda ako siyempre!
Kyaaaa! I wasn't dreaming. Totoo ang nangyari kagabi. Thank God! Makakasama ko si Luhan ngayon! Lumabas na ako ng kuwarto ko. Habang pababa ako ng hagdan, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan kasi ako, eh.
Naabutan ko si Lee Seunghwan sa sofa at nakaupo. Nang makita niya ako tumayo na siya. Kung titingnan parang ang sungit-sungit niya. Pero... hindi naman siguro diba?
"Let's go. Luhan is waiting for you. I forgot to tell you something, aalis na din ako dito sa Pilipinas dahil sa ibang members. Anyway, they already know you because of your pictures. Hindi nga lang sila sumama kay Luhan papunta dito."
"P-pictures ko?" Sabi ko, sabay turo sa sarili ko.
He nodded. "Yes. Hindi ba nasabi sayo ni Mary? Siya ang kumuha sayo ng pictures. Sa school niyo yata yun, eh. Nasa canteen ka." Sabi niya pero seryoso pa din ang mukha niya.
"Ibig sabihin po, n-nakita na ako ni L-Luhan? Kahit nasa Seoul pa siya?"
Tumango siya. "Let's go now."
Nauna na siyang lumabas ng bahay. Sandali akong tumakbo sa kusina at nagpaalam ako kay mama. Mag-ingat na lang daw ako.
Pinagbuksan ako ni Lee Seunghwan ng kotse. Napatulala na naman ako nang makita ko si Luhan. Sa tabi na naman niya ako uupo! Shocks! Nang ngumiti siya, parang nagliwanag ang paligid ko. Nakatulala pa din ako sa kanya hanggang sa maupo ako. Tapos siya naman, nakatitig lang din sa akin.
Bakit ang suwerte ko? Bakit ako ang napili na makasama ka? Alam mo bang ang saya-saya ko, Luhan? Paano na lang kapag nalaman mong isa ako sa mga fans niyo? Tapos, nalaman mo din na ikaw ang bias ko? Matutuwa ka kaya?
"Are you okay?"
Napakurap ako sabay iwas ng tingin sa kanya. "Yes, I'm sorry. I just can't believe that you're here,"