*
"HEY LUHAN! What are you doing there?" Tanong ko kay Luhan nang makalabas ako ng restaurant. Nasa tuktok kasi siya ng isang mataas at malaking bato tapos may tinitingnan siya na kung ano dun.
Nilingon niya ako at nginitian ako. "Wait,"
Napangiti na lang din ako. Iba talaga si Lulubaby ko. Nakita na niya ang mga posters niya sa kuwarto ko. Alam na kaya niya na gusto ko siya? Hindi siguro. Ang alam lang niya talaga, fan niya ako. Napayuko na lang ako. Nakakalungkot din pala kapag naisip mo na mawawala din sayo yung taong nagpapasaya sayo ngayon.
Tsss. Ano ka ba, Annika? Nasisiraan ka na ba? Kpop star yang pinapangarap mo. Hanggang diyan ka lang, sa pagiging fan. Binigyan ka lang ng chance na makasama mo siya para gabayan siya habang narito siya sa Pilipinas. Yun lang yun! Sabi ko sa sarili ko.
"You okay?"
Napa-angat ako ng tingin. Ngumiti ako nang makita ko sa harap ko si Luhan. "Yes. I'm fine. Why?"
"I think you're not fine,"
"H-ha? I'm fine."
Umiling siya. Shit. Luhan please! Huwag kang gumanyan sa harap ko baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita ng wala sa oras! Bakit ba kasi ang cute cute mo? Ang tanda mo na pero mukha ka pa ding bata. Yung totoo? Anghel ka ba? Huhu. Ang guwapo-guwapo mo!
"Do you want to swim?"
"S-swim? I don't know how ----"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Sumakay na lang tayo ng bangka,"
"B-bangka?" Umiling ako. "Ayoko," Nakakatakot kaya! Baka bumaliktad pa yun, e. Di ako marunong maglangoy.
"Why? Don't tell me you're scared?" Napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Don't worry. Kasama mo naman ako,"
Nang dahil sa sinabi niya, napapayag niya ako. Sino ba naman ang makakatanggi sa kpop star na katulad niya diba? Taga-bantay lang naman niya ako at isang fan. Yun nga lang, I'm secretly in love with him. Paano kaya kung malaman niya yun? Kalilimutan niya kaya ako? Ugh, nababaliw na ako.
Kinausap ni Luhan yung isa sa mga staffs para dun sa bangka. Hinihintay lang namin na ayusin nila. Nasa seashore kami ni Luhan. Nang matapos na nilang ayusin, sumakay na kami. Siyempre, kinakabahan ako kasi hindi naman ako sanay. Idagdag pang, kasama ko pa din ang pinakamamahal kong si Luhan.
Siya ang nag-sagwan nung bangka. Nakatingin lang ako sa kanya. Bagay na bagay talaga kay Luhan yung bonet niya. Naka-shades din siya. Simpleng white tshirt lang ang suot niya at summer shorts. Naka-tsinelas lang siya. Pero ang guwapo-guwapo pa din niya.
"Why are you staring at me?"
Napakurap ako. Ano daw? "H-ha? Are you saying something?" Napakunot-noo ako nang biglang may sumilay na ngiti sa kanyang labi. "Why?"
"Sabi ko, nakatitig ka na naman sa akin."
"Ay, g-ganon ba?" Ngumiti na lang ako sa kanya. "S-sorry,"
"Are you always like that?"
"What do you mean?"
"Lagi ka ba talagang nagba-blush?"
Napaturo ako sa sarili ko. "A-ako? Nagba-blush?" Mabilis na nag-iwas ako ng tingin kay Luhan. Shit. Ganon ba kahalata? Ano ba yan! Bakit hindi ko napapansin na nagba-blush ako? Pag-iinit lang ng mukha ang nararamdaman ko.
Tumango siya.
"E-eh? I'm not."
Ngumiti lang siya sa akin. Napairap naman ako. Sus! Parang hindi siya naniniwala. Nagba-blush ba talaga ako? Lintek talaga to si Luhan. Wala ng ginawa kundi pakiligin ako! Tumahimik na lang ako habang nilalaro ko yung tubig sa dagat habang nagsasagwan naman si Luhan.