01.
“Yah, Dara, ppal li!” [Faster!] Tawag ni Bom sa’kin. “Anong oras na o!”
Natawa na lang ako imbis na mairita. Halata naman kasi sa itsura ni Bom na kabadong-kabado siya. She narrowed her eyes at me. “Wae?” [Why?] Magkasalubong ang kilay at naka-pout na tanong niya.
Napailing ako. “Eh bakit ka ba nagmamadali dyan?”
Napatungo ang ulo niya. “Kinakabahan ako eh.”
I held her hand. “Bommie-yah, ‘wag kang kabahan dyan! Ang galing-galing mo kayang kumanta!”
Napangiti siya sa sinabi ko. “Gomawo!” [Thanks!]
I grinned at her. “Gaja?” [Let’s go?]
“Gaja! Hwaiting!” [Let’s go! Fighting!~]
--
Dumating kami ni Bom sa tapat ng YG Entertainment. Papasok na sana kami nang bigla niyang higitin ang braso ko. “Dara-yah, are you sure about this?” Kabadong sabi niya.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. “C’mon Bommie, ‘di ba ito ‘yung dream mo? Itatapon mo ba lahat ng pangarap mo sa hangin dahil lang kinakabahan ka?!”
Napabuntong-hininga si Bom, pero unti-unti siyang ngumiti. “Ne. Mianhae, Dara-yah.” [Yes. I’m sorry, Dara.] Pagkatapos ay bumulong siya sa sarili niya. “I can do this!”
Ngumiti ako sa kanya. “Motayo! Gwaenchaneolgoya.” [That’s right! It’s gonna be okay.]
Kumapit siya sa braso ko at sabay kaming pumasok sa loob ng YG Entertainment building. Pagpasok namin ay dumiretso kami ni Bom sa front desk. “Annyeonghasaeyo.” [Hello.] Sabay naming bati ni Bom dun sa babae at nag-bow. “Saan po ako pupunta for auditions?” Tanong ni Bom.
Ngumiti ‘yung babae. “Ah, just proceed to the third floor. Andun na ‘yung ibang sasali sa audition. Haeng un, yeppeun aggasi.” [Good luck, pretty lady.]
Nag-bow uli kami ni Bom. “Kamsahamnida, agassi!” [Thank you, miss!] Pagkatapos nun ay tumuloy na kami sa elevator paakyat sa third floor.
Hawak-hawak na ni Bom ang kamay ko at ramdam kong nanlalamig na siya. “Dara…”
“Wae?”
“Parang ‘di ko ata kaya…”
Binatukan ko nga! Aba, galing siyang Amerika, iniwan niya ang Berklee College of Music, [A/N: Fact! Nag-aaral si Bommie nun pero iniwan niya para sa pagiging singer ^^] tapos ngayong andito na siya, magba-back out siya?! ‘Di pwede no!
“Aray naman, Darong!” Sagot niya habang hinihimas ang ulo niya.
“Ikaw naman kasi, Bom! Nagsakripisyo ka para dito tapos hindi mo itutuloy?!”
“Kasi naman–”
“O tama na ang hirit mo! Andito na tayo sa third floor!” Putol ko sa sasabihin niya atsaka hinila siya palabas ng elevator. Namamawis na ‘yung kamay niya sa kaba!
Paglabas namin, ang daming nakapila para sa audition. Grabe, kahit siguro ako si Bom kakabahan din ako! ‘Yung iba, ready’ng-ready masyado, may mga props pang dala eh!
“Dara…”
“Geokjongma. Andito lang naman ako eh.” [Don’t worry.] Nakangiti kong sagot. “Atsaka ikaw pa! Eh ikaw nga ang Korean Mariah Carey noh!” Dagdag ko at tumawa para mabawasan ang kaba niya.
Nakitawa naman siya sa’kin. “Sira.” Sagot niya at sumeryoso ang mukha niya. “Pero Dara, thank you talaga ha? Kasi kung hindi mo ‘ko sinamahan ngayon, feeling ko ni hindi ako nakapasok dito sa loob ng YG!”
“Wushoo. Tama na ang drama at makipila ka na run noh!”
Ngumiti siya uli sa’kin. “Him nae!” [Good luck!] Sigaw ko.
Tumango lang siya at tumalikod na sa akin.
Tsk. Ano ba ‘to. Ano kayang gagawin ko habang hinihintay ko si Bommie? Eh wala naman akong masyadong kilala rito. ><” ‘Di kasi ako masyadong mahilig sa idol groups eh, paano ba naman, araw-araw atang nagpe-perform sina Sang Hyun na little bro ko at si Bom sa harap ko! Tss. Ginagawa nila ako laging audience nila!
Naglakad-lakad muna ako sa paligid. Wala naman kasing magawa rito! Ayun, nakatambay lang naman sa pader nila ‘yung mga picture ng mga talents nila. Sana makasama talaga si Bommie rito, magiging sobrang saya ako para sa kanya! ^^
Kyaaaaaaah. >////////< Mukhang eng-eng na siguro ako rito, kanina pa ‘ko nakatitig sa mga picture na ‘to! Aishi. Lalabas na nga muna ako. Alam ko namang mamaya pa si Bom eh.
To: Bommie
Bommie-yah, text me after your audition. Mamamasyal muna ako. Good luck! Aja!
Maya-maya ay nag-reply siya sa akin.
From: Bommie
Arasseo. ^^ [I understand.]
Lumabas na ako ng YG building. Naglalakad-lakad lang ako nang may makita akong limang lalaki na nagkakantahan at naka-porma na may mga kabuntot pang camera na akala mo eh gumagawa ng music video. Nyareh sa mga ‘to? Weirdos.
Hindi ko sila pinapansin pero nagulat ako nang may isang cute na lalaki ang biglang nag-guide sa’kin papasok sa isang tour bus. Hindi ko alam kung anong meron, pero may mga ibang tao pa sa loob nung bus na mukhang wala ring idea (pero parang thrilled sila) na sumakay. Hmm, sige na nga. Mukhang mga bored na nilalang lang ang mga ‘to, sakyan ko na lang trip nila dahil bored din naman ako.
Atsaka ang pogi kasi nung lalaking nag-guide sa’kin eh. ^^ Eeeeeeew Dara, landi! XD
____________________________________________________________
Annyeong Applers!~ Jiyongie is on the side. Panahon ng Sunset Glow 'yan ^^ Pati panoorin niyo 'yung video sa gilid to watch Sunset Glow para ma-gets niyo 'yung sinasabi ni Dara. =)) Sinulat ko 'to pagtapos na namang manuod ng DaraGon evidences. Kekekeke~
-Xel
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanfictionNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!