“HAAAAAAAAAAAY!” Malakas kong sabi atsaka ako naupo sa couch sa loob ng dorm namin.
Lumabas naman sa kwarto si CL. “O, unnie, ba’t ganyan itsura mo? Parang pagod na pagod ka ah?”
“Yup, unnie.” Si Minzy na galing naman sa kitchen ang nagsalita na kasama si Bom. “May nangyari ba?”
“Uy Darong, ‘di ba sinabi mo sa akin kakausapin ka ni Papa YG? Ano na nga palang nangyari doon?” Usisa ni Bommie.
Tumingin ako sa kanila ng isa-isa, atsaka ako nagwala. “UWAAAAAAAAAAAH!!!”
Agad naman nila akong nilapitan para alugin. “Unnie?! Bakit?! Anong nangyari? Pinagalitan ka ba ni Papa YG?! Tatanggalin ka sa 2NE1?! ANONG GINAWA MO UNNIE?!”
“DARA BAKIT DAW?! SIGURO KUMAKAIN KA NG MGA BAWAL NA PAGKAIN DOON SA CANTEEN TUWING HATINGGABI ANO, TAPOS NAHULI KA NI PAPA YG?!”
“Bom unnie! ‘Di ba kung ganoon dapat mabigyan na lang si Dara unnie ng punishment?! Bakit tatanggalin agad siya sa YG?! ‘Di ba… ‘Di ba YG Family tayo?! Bakit, uwaaaaah, unnie!!!”
Matapos nilang sabihin iyon ay parang mga loka-lokang nag-iyak-iyakan na rin silang tatlo habang pinipipi ako sa mga yakap nila. Naaasar na itinulak ko sila palayo. “Huy ano ba kayong tatlo!”
Agad naman silang natigil sa pagda-drama. “Unnie?”
“Dara?”
“ANO BANG NANGYARI?!” Sabay-sabay na sigaw nila sa akin, dahilan para takpan ko na lang ang tenga ko sa ingay ng tatlong ‘to. Hay buhaaaaaaay!!!
“Kinausap nga ako ni Papa YG–” Malumanay na simula ko.
“Omo omo, Bom unnie, CL unnie, mami-miss ko si Dara unnie!!!” React agad ni maknae nang hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko.
Teary-eyed na silang tatlo. Sa totoo lang, kung hindi lang ako naiirita pa rin sa harabeoji na ‘yun, baka matawa ako sa drama ng tatlong ‘to. Pero nata-touch naman ako. Ganito na rin pala ka-attach sa akin ang dalawang dongsaeng ko. Siyempre, iba naman ‘yung kay Bom, since birth yata ay magkasama na kami ng babaeng amazona na ‘yan. Ate na nga rin siya ni Sang Hyun eh! Kahit ayaw aminin ng lokong ‘yun, alam ko naman na tunay na kapatid din ang turing niya kay Bommie.
“Kayong tatlo talaga nakuuuuu! Hindi ako aalis ng YG!” ‘Di ko na napigilan ang sarili kong ibulalas. Baka kasi kung patatagalin ko pa ng isang minuto ang “pagkatanggal” ko sa YG ay bumaha na ng luha sa buong dorm room naming apat.
Napatigil naman agad sila. “Talaga?! ‘Di ka aalis?!”
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanficNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!