38.
“Dara, hwaiting!” Pagchi-cheer sa akin ni Jjangmae oppa paglabas ko ng van. Today’s the first day of filming. Kinakabahan nga ako eh, lalo na ‘pag naiisip ko ‘yung Bad Love Kiss na ‘yun pati si Lee Minho. UGHHHHHH!!! Hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya! Tch. Nakakainis siya.
Pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong ng staffs. Pinaliwanag sa’kin ‘yung scene na isho-shoot namin for today. I’ll play as a bartender habang si Minho naman ay isa sa mga guests. His friend will engage him in a bet if he can make me fall for him. Aish. Nagba-blush pa rin ako ‘pag naaalala ko ‘yung ginawa ng mokong na ‘yun noong huli kaming nagkita!
“Andyan na si Minho-ssi, sa kabilang tent.” One staff said. Ngumiti na lang ako kahit na wala naman akong pakialam kung nasaan ‘yung Minho’ng unggoy na ‘yun. Tch. Bahala siya sa buhay niya. Basta, gagawin ko ang trabaho ko!
The make-up artist was talking to me habang inaayusan niya ako. Mas bata siya sa akin kaya sinabi ko na unnie na lang ang itawag niya sa akin. Besides, it won’t hurt to make friends, right? Lalo na’t mukhang isang linggo rin naming isho-shoot ‘tong CF. Paputol-putol kasi dahil nga busy rin kami. Ako, sa promotions ng 2NE1 habang si Minho naman ay sa mga fanmeets niya sa iba’t-ibang bansa.
“Grabe unnie, bagay na bagay kayo ni Minho-ssi!” Nana, my make-up artist dongsaeng, giddily said.
Umingos lang ako. “Hindi ah.”
“Nakuuu, oo kaya! Grabe talaga. Kinikilig kaya ako sa inyo! Magkatabi pa lang kayo may chemistry na eh.” Kontra naman ni Nana sa sinabi ko.
Hindi na lang ako sumagot. Alam ko naman na ipipilit pa rin nila na bagay nga kami ng unggoy na ‘yun. Well, fine! Marami na ring nagsasabi. Simula kasi nang maglabas ng official statement ang company ng Cass Beer na kaming dalawa ni Minho ang magiging bagong stars para sa CF, maraming fans ang kinilig agad.
Nagulat nga ako eh. Ganoon pala kapag actors? Hindi sila kasing-possessive ng fans ng idols. They’re open for the actor to be in a relationship. Well, siguro dahil sanay na silang nakikita ito sa TV na may iba’t-ibang ka-partner?
Karamihan kasi sa mga fans ng “love team” (eeeeeew) namin ay mga fans niya, though marami-rami rin namang Blackjack na sumusuporta. Although mas marami pa rin talaga ang Applers… DARA! Umayos ka nga. ‘Wag mo ng isipin ‘yun.
“Pero bagay din sila ni G-Dragon!” Biglang bulalas ng isang staff.
Nabuksan ko tuloy ang mata ko habang nilalagyan ako ng eyeliner ni Nana. “Ay unnie ba’t mo binuksan! Ayan, kumalat tuloy,” sabi niya atsaka ako pinapikit ulit para maayos niya ito. She turned to the other staff who mentioned Jiyong. “Ahhh, ‘yung Daragon?!”
NANA!!! MAAWA KA SA’KIN. DON’T MENTION IT!! I wanted to shout, pero alam kong magiging kahina-hinala lang kung iiwasan ko ‘yung issue, so I stayed quiet. “I admit, bagay nga sila. Pero bagay din naman sina unnie at Minho-ssi ah!” Nana defended.
Nagsimula silang magpagalingan kung sino ang mas bagay sa’kin. Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko doon sa isang staff. Palagay ko nga, fan siya ng Dar– basta ‘yun na ‘yun! Paano ba naman kasi, ang dami niyang alam na evidences. Pati ‘yung mga dating-dati pa!
“Err, guys? I’m still here.” Awkward na singit ko sa usapan nila. Ayoko na talagang makarinig ng kahit anong tungkol kay Jiyong. Not now, at least. It’s just weird hearing other people say that they like us together… when he doesn’t even like me himself.
“Mianhae Dara-ssi.” “Mianhae, unnie.” Sabay na sabi ni Nana at noong staff. Pilit na nginitian ko na lang sila kahit na sumasama ang pakiramdam ko.
Maya-maya lang ay natapos na si Nana at nagpalit na ako ng damit. They led me to a DJ platform at pinagsuot ako ng headphones. It was all nice, at sa tingin ko ay madali ko lang namang magagawa ‘to. Marami ring tao. Sila ‘yung mga extra.
Soon enough, nakita ko na si Minho. OKAY. Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi naman ako sinungaling. He looks hot. Marami nga sa mga babae ‘yung talagang tumitig sa kanya, and okay fine, kasama na ako roon.
To my surprise though, hindi siya tumingin doon sa ibang girls kahit na naka-bikini pa sila. His stare was directed to me. Nang makita niya na nakatitig din ako sa kanya ay ngumisi siya. Agad ko siyang inirapan at tumingin ako sa iba. Ano ba ‘to? Bakit…
Bakit may mga nagpa-party sa tiyan ko?
No. No way. Hindi pwede. MALDO ANDWAE!
Hindi ko na lang iyon pinansin at nakinig sa ipinapaliwanag sa akin ng direktor. “Dara-ssi, sa una, you’ll just look like you’re enjoying the party. Hindi mo mapapansin si Minho-ssi.” Tumango ako at lumipat ang tingin niya kay Minho. “Minho-ssi, ikaw naman, dapat cool ‘yung dating mo. Didiretso ka sa table ng mga kaibigan mo at doon nila ituturo si Dara sayo. After that, you’ll kiss her on the lips, arasso?”
WHAAAAAAAAAAT?! Nanlaki agad ang mga mata ko habang si Minho naman ay ngumiti ng malaki. “Okay po.” Sagot niya sa direktor. When the director laughed, Minho looked at me and winked. “This is gonna be fun, noona.” He told me bago siya naglakad papunta sa pwesto niya.
Nilapitan naman agad ako ni Jjangmae oppa. “Dara, okay ka lang?!” Tanong niya dahil nakatulala na naman ako.
Wala akong isinagot habang sinusundan ko pa rin ng tingin si Minho. He looked back and winked at me.
FML!!!!!!!!!!!!!!!
________________________________________________________
OOPSSSSSSS! Bibitinin ko muna kayo guyth XDD And about doon sa nag-kiss sila sa lips, kung papanoorin ninyo 'yung official MV ng Kiss, di ba sa cheeks lang sa una?
BUUUUUUUUUUUUUUT~~!
I found the picture on the side!!! IT'S NOT MANIP. I checked it muna, and I was like, "OMG I'M DYING." Grabe lang. HAHAHA.
Naaliw ako sa comments ninyo noong huling chapter. XD Lahat kayo gusto ng ipatapon sa Mars si Ji. Lol ;PP
Thoughts? :)
-X
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanficNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!