07.

8.6K 134 8
                                    

07.

 

Hay. Ang boring ng araw. Wala sina CL, Bom at Minzy. May kanya-kanya silang ginagawa kaya eto, forever alone ako. Tss. 11 PM na pero wala pa rin si Bom at ang dalawang dongsaeng ko!

Pumasok ako sa loob ng practice room. Magpa-practice na lang akong mag-isa, tutal busy ang sangkatauhan sa YGE.

Pagpasok ko sa practice room, obviously, walang tao. Kyaaaaaaah! ‘Di ako sanay. Madalas kasi maraming kakwentuhan dito, lalo na ‘pag kasama ko ‘yung tatlong babaeng maiingay. *O* Nakakapanibago tuloy.

<A/N: Watch the Haru Haru dance on the side ^^)

Ni-connect ko ‘yung iPod ko sa speakers at nagsimula akong magsayaw. Kahit ano lang, tutal wala naman akong magawa. Then biglang nag-play ‘yung kanta ng BIGBANG na Haru Haru. Actually, isa ‘to sa mga kanta nila na favorite ko. (Okay, mula nung natanggap akong trainee sa YGE, nag-research na ‘ko tungkol sa BIGBANG! Nakakahiya naman kung wala akong alam sa labelmates ko!)

Tuloy-tuloy lang ako sa pagsasayaw nang bigla akong may na-sense na presence sa practice room. Pagtingin ko sa pinto, andun pala si Grandpa Ji. >/////////<

Ewan ko kung bakit, pero bigla akong napahinto sa pagsasayaw. Para bang nahihiya ako? EEEEEW DARA! Ba’t ka ba nahihiya dyan sa Grandpa na ‘yan?! Tss.

“Ba’t huminto ka?” Tanong niya sa akin atsaka naupo sa isa sa mga upuan dun.

‘Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ugh! First time kasi akong kinausap ng matino ni Grandpa ever since dumating ako rito sa YGE!

“Hoy Sandara Park!” Sigaw niya sa akin. “Natulala ka naman dyan.”

 

Grabe lang. Si Grandpa Jiyong ba talaga ‘to?! Ba’t niya ako kinakausap?!

“SANDARA!”

 

“May sakit ka ba?” Bigla kong naitanong. Tapos napahinto ako nung naisip ko ‘yung tinanong ko sa kanya. Aigoo, Sandara! Ano bang kalokohan naisip mo?!

“Huh?” Nagtatakang tanong niya. “Ano bang pinagsasabi mo dyan?” Dagdag niya. “Tinatanong ko kung ba’t ka nahintong magsayaw tapos tatanungin mo ‘ko kung may sakit ako?”

 

“Aishi. Wala! Wala, ‘wag mo ng pansinin.” Sagot ko. AMP. Mas matanda ako sa kanya ah! Noona niya dapat ako, pero grabe kung makasigaw siya sa akin! Samantalang kay Bommie, ang galang-galang niya! Tss.

“Paano ba naman kita tatawaging Noona, hindi naman bagay sayo.” He answered lazily.

Nanlaki ang mga mata ko. Anlaaaaaaaaaaaa. Dara, jeongmal pabo-yah! [Dara, you’re so stupid!] Why did I say that out loud to him?! NAKAKAINIS! Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Tinanggal ko na ‘yung iPod ko sa pagka-connect sa speaker at akmang lalabas na nang magsalita si Grandpa. “Ang sungit mo naman, Grandma! Parang tinatanong ka lang eh.” Sabi niya.

Napahinto ako. Para akong na-electrocute na ewan! Hindi ako affected sa sinabi niya, affected ako dun sa tinawag niya sa’kin! Grandma! GRANDMA DAW!!! Eh Grandpa nga tawag ko sa kanya eh! SO ANO, COUPLE KAMI GANUN?! GRANDPA AND GRANDMA?! NAKAKAINISSSSSSSSSSSS!!!

Nilingon ko siya. “Hoy ‘wag mo nga ‘kong tatawaging Grandma!!!”

 

To my surprise, tumawa siya. Ang gwapo talaga niya… AISHI DARA! Get a hold of yourself!!!

“Ayaw ko.” He said stubbornly. “I’ll call you Grandma. Grandma grandma grandma grandma grandma. MEHRONG!~~” He added and stuck his tongue out.

AMP! NAPAKA-ISIP BATA NG GRANDPA NA ‘TO! TSS. Bahala siya sa buhay niya noh. Dumiretso na ako sa pintuan ng practice room para lumabas pero sa gulat ko, ayaw bumukas ng pintuan.

“O, bakit?” Tanong niya.

Napalingon ako sa kanya. “Ayaw… bumukas…”

 

Bigla siyang napatayo sa upuan niya at napalapit sa akin. Hinawakan niya rin ang doorknob HABANG, I repeat, HABANG HAWAK ko pa. Bale nakapatong ‘yung kamay niya sa kamay ko. Ewan ko, pero umiinit ‘yung mukha ko! Pakiramdam ko ang pula-pula ko naaaaaaaaaaa!!!

“Damn. Anong nangyari rito?! Hindi naman ‘to nagsasara ah!” Tanong niya sa sarili niya.

Sinubukan niya pang ikot-ikutin ‘yung doorknob (TAKE NOTE: ANDUN PA RIN ‘YUNG KAMAY KO SA ILALIM NG KAMAY NIYA!!!!!! *spazz* SHET, ANONG SPAZZ?! SAAN NANGGALING ‘YUN?!) pero ayaw talagang bumukas!!! Waaaaaaaaah.

“I guess we’re stuck here.” Sabi niya atsaka bumalik sa upuan niya kanina.

Napatingin ako sa kanya. “Ano, ganun na lang ‘yun? Wala ka ng gagawin?!” Nanghihilakbot na tanong ko sa kanya.

He looked at me. “Wala akong cellphone. From the looks of it, wala ka rin. Kahit magsisigaw tayo, wala tayong magagawa. Soundproof ‘tong practice room. What’s the point of wasting my energy?”

 

Tss. Sabi ko nga.

PERO… KASAMA KO SI GRANDPA BUONG GABI?!

KYAAAAAAAAAAAAAAH!~~

_____________________________________________________________

Sabi ng mga Applers, "DaraK" means "Dara Kwon." Kekeke~ I hope so! XD

-Xel

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon