24.

4.2K 134 38
                                    

24.

Para akong tanga na nakatulala sa loob ng music room. Ang dami-daming bagay ang lumilipad sa isip ko, pero isa lang ang sigurado ko: Gusto ko si Kwon Jiyong.

Nakakainis. Paano ko nga ba nagustuhan ‘yun? Wala naman siyang ginawa kundi inisin at paglaruan ako… pati ang feelings ko. Hinding-hindi ko makalimutan ang mga salitang binitiwan niya nang gabing iyon na nasa Namsan Tower kami.

“See that brightest start over there? That’s Sirius. Its name came from a Greek word meaning ‘scorching.’ You’re that star for me.”

 

Hindi ko na namalayan na may isang patak na pala ng luha na tumulo mula sa mga mata ko. UGH! Ang malas-malas ko siguro kaya nangyari ‘to sa’kin eh! Sa dinami-rami ng tao sa mundo na pwedeng magustuhan ni Sandara Park, talagang kay G-Dragon pa siya na-in love!

Naiinis na nag-martsa ako palabas ng music room. Kailangan ko ng hangin. All the thinking about Jiyong’s killing me.

Paliko na sana ako sa isang pasilyo nang makarinig ako ng dalawang tinig na nag-uusap. “What’s your next move then?” Tanong ng isa. Napakunot ang noo ko. Huh? Youngbae?

 

Bumuntong-hininga ang kausap ni Youngbae atsaka sumagot. “I don’t know, Bae. I don’t even know if my plan was working.” WHAT THE. KWON JIYONG?!

 

Alam kong unethical talaga ‘tong ginagawa ko but damn. Screw etiquette. Kailangan kong malaman kung ano bang pinag-uusapan nila. Baka mabigyan nila ako ng ideya kung sino ba talaga ang babae sa buhay ni Kwon Jiyong. Aishi dayuuuum! I sound like a crappy tabloid na naghahanap ng scandal!

 

I leaned my ear closer, just enough for me to hear them. Sumagot ulit si Youngbae. “Hope for the best, Ji. Besides, why did you even retract your proposal?” Naroon ang obvious na pagtataka sa boses ni Youngbae. “Hindi talaga kita naintindihan.”

Bumuntong-hininga lang uli si Grandpa bago sumagot. “You weren’t there, Bae. I knew from one look that she doesn’t feel that way. Ayokong i-rattle out siya.”

“Pero sabi ni B–”

 

“Maybe she has a crush on me. But that doesn’t mean na gusto niya talaga ako. I don’t know. It just didn’t seem like the right time. It was too sudden.”

 

AISH! Sino ba ‘yung pinag-uusapan nila?! C’MON, NAME NAMES, PEOPLE!!! Nang may sasabihin ng pangalan si Bae, bigla namang pinutol siya ni Grandpa. Tss. Nice timing ha!

Other than that though, I’m really dying of curiosity. Just who exactly is this girl who’s messing with the Grandpa’s head? And from the direction their conversation was heading, mukhang totoo nga ang sinabi ni Grandpa sa akin noong unang araw (or more like madaling-araw) na inaaral ko ang Hello.

-Flashback-

“Yah, are you hitting on a girl who doesn’t like you?!” Komento ko atsaka tumawa habang binabasa ko ‘yung lyrics. Tss. Sino bang aayaw kay Kwon?!

 

DARA! Seriously, stop it already! UGH! Epekto na yata ‘to ng bagong gising.

 

Hindi siya tumawa at sa halip ay tinignan lang ako. “Yeah, she doesn’t like me.” Seryosong sagot niya sa tanong ko.

 

Natahimik naman ako sa kaseryosohan na nasa mukha at boses niya.

-End of Flashback-

Sobrang naiinis ako na naiiyak na nalulungkot na ewan ko na. May ginawang event si Grandpa para sa isang babae pero mukhang na-reject siya kaya ngayon ay namomoroblema siya. Ayaw raw niyang biglain ‘yung babae.

I clutched my shirt as I slid down the wall. Bakit ganito? Bago lang naman ‘tong feelings ko ‘di ba? Therefore, it should be easier to extinguish. But why? Why the fuck does it hurt this much?

“Halmeoni?” Tawag ng isang boses sa akin. Lumuhod siya sa harap ko para maging magkalebel kami. “Hey, what’s wrong?” Tanong niya atsaka hinawakan ang mukha ko. Mukha siyang nag-aalala, but for all I know, baka naiisip lang niya ‘yung butterfly niya. “Are you sick?”

 

Tinabig ko lang ang kamay niya. “Tapusin na natin ang recording ngayon.” Matigas na sabi ko.

His face hardened at my statement. “Did you hear anything?” He suspiciously asked.

“Bakit?” Tanong ko atsaka itinaas ang mukha para titigan siya sa mata. “May dapat ba akong malaman?”

 

“Wala,” he quickly answered. Of course, wala akong dapat malaman dahil wala naman talaga dapat akong pakialam. Hah. Dara. Ang tanga mo. Bakit mo ba ‘to ginagawa sa sarili mo?

Nagpatiuna na ako pabalik sa music room. Compose yourself, Dara. You’ll be fine. Kaunti na lang naman ang titiisin mo. Kaya mo ‘yan, okay?

 

Wala pa man siya ay nasa loob na ako ng booth. Ikinondisyon ko na ang boses ko. Hinding-hindi ko na tatanggapin kahit na pabalikin niya ako ulit. Ano naman kung makarating kami hanggang kay Yang Sajangnim? Tatanggapin ko kahit na parusahan pa ako at sabihan ng iresponsable.

Nagulat pa siya nang makita niya ako sa loob ng booth, pero hindi siya nag-komento. Nagsimula ako sa pagkanta pero hindi pa man ako nakakakanta ng pangalawang linya ay inihinto niya na agad ang kanta. Naiinis na tinanggal ko ang headphone at tumingin sa kanya. “Ano bang problema mo sa’kin, Kwon?” Seryosong tanong ko.

“Wala akong problema sayo dahil ikaw ang problema ko.” He answered in an equally serious voice.

Nagulat man ako ay sinubukan kong huwag ipahalata iyon. “Bakit? Sabihin mo na lang sa akin ngayon. Let’s settle this right now.” Malakas ang loob na sagot ko, the anger and frustration fueling me.

“Settle this? Okay.” He answered, then he made his way towards the booth. Pumasok siya doon at lumapit sa akin. I felt like the booth’s walls are starting to close in and we were trapped inside a very small space.

Hinawakan niya ang braso ko. “I love you, Sandara Park. That’s my problem. Can you fix it?”

 

Hindi ako nakahuma.

____________________________________________________

UH-OH. Kwon Leadah flipped! Ano na ang mangyayari?

Comments juseyo? :)

-X

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon