22.
“Kajima…” Bulong ni Grandpa habang nakasubsob pa rin ang ulo ko sa dibdib niya at nakayakap ang dalawang braso ko sa bewang niya.
Nahihirapan na akong intindihin ang ibang mga nasa paligid ko dahil parang nilulunod na ng mabilis na tibok ng puso ko ang kung anupaman. Para akong na-paralyze habang nasa loob ako ng yakap niya.
“Ji…” Mahinang usal ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari. I feel the world spinning and spinning and I’m on top of it. His name sounds foreign to me, but it didn’t stop me from thinking how good it was rolling out of my tongue.
Sa pagkagulat ko ay biglang bumukas ang pintuan. “Noona nahi– OMONA WALA AKONG NAKITA!!!” Sigaw ni Seungri atsaka agad-agad na sinara ang pintuan. Para namang nagising ako mula sa isang magic spell at inilayo ko ang sarili ko kay Grandpa.
Dahil siguro sa sigaw ni Seungri o sa biglaang paglayo ko sa kanya, he finally cracked his eyes open. “Halmeoni.” Bati niya sa akin, his voice flat.
Alam ko na namumula na ang pisngi ko sa ngayon, kaya naman ginawa ko ang tanging defense na naiisip ko ngayon: ang ratratin siya ng bibig ko. “HOY KWON! SINABI-SABI MO NA PUMUNTA AKO SA MUSIC ROOM NG ALAS-KWATRO TAPOS NATUTULOG KA PA PALA RITO?! TAPOS ANO?! GRABE KA RIN HA! IKAW NA NGA LANG GIGISINGIN TAPOS NANGYAYAKAP KA PA! SIGURO PERVERTED ‘YANG PANAGIN–”
Bigla siyang tumayo mula sa kama. “Halmeoni, nag-oversleep ako. Pasensya na. Pangalawa, hindi perverted ang panaginip ko. Pangatlo, niyakap pala kita?” He smirked before darting a look at my chest and looking back at my flushed face. “No worries, grandma, I know I didn’t gain anything.” Matapos niyang sabihin iyon ay dumiretso siya sa bathroom.
Sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya ay parang tangang natuod na lang ako doon sa gitna ng kwarto niya. It took me another minute to fully register his words bago ko malakas na kinatok ang pintuan. “YAH KWON JIYONGGGGGGGGG!!!”
Just then, the bathroom’s door opened. THE FRIGGING BATHROOM’S DOOR OPENED!!! BATHROOM!!! Sumilip ang nakalolokong mukha ni Kwon. “Grandma naman, I know you have the hots for me but don’t you think we’re moving a tad too fast?” He winked at me before he stealthily closed it again.
Nag-iinit na talaga ang ulo ko at palakas ng palakas ang pwersa na bumubulong sa akin na itulak ko si Kwon Jiyong sa Banpo Bridge.
--
Sinundo ako ni Taeyang sa kwarto ni Grandpa– but not before knocking. Sa totoo lang, hindi nga halata na may nalalaman siya kung hindi lang sa naging itsura ni Daesung paglabas ko ng kwarto ng dragon na ‘yun. Of course, my flushed face didn’t help my case at all. Gusto ko pa sanang i-defend ang sarili ko pero truthfully, sa paggising pa lang sa lolo na ‘yun ay na-drain na yata ang energy ko.
Pagdating ko sa dining room ng dorm nila ay may nakahanda nang pagkain sa mesa. Nakaupo na doon sina Daesung at Seungri, maging si TOP. Ngumiti ako ng maliit bago ko sila binate, “Good morning. Uhm… Ako ba ang dahilan kung bakit napagising kayo ng maaga?” Nag-aalangang tanong ko. Kung busy ang 2NE1 sa pagpa-practice, alam ko naman na mas busy talaga sila sa amin dahil pinaghahandaan nila ang pangalawang Japanese na studio album nila. From what I heard, ire-release nila ‘yun kasabay ng solo album ni Gramps.
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanfictionNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!