45.
Isang linggo na rin mula nang mag-usap kami ni Minho sa may Banpo Bridge. Isang linggo na rin nang magsimula si Jiyong na guluhin ulit ang buhay ko.
Kung nasaan ako, nandoon din siya. Pakiramdam ko nga ay sinuhulan niya pa ang isa sa mga managers ng 2NE1 para makakuha ng kopya ng schedule namin. Palagi niya akong sinusundan at gusto niya akong kausapin, pero palaging nasa paligid ang mga members ko para masiguro na hindi makalapit sa akin si Jiyong.
You want the truth? I’m happy, but I’m freaking pissed off with him. Sobra. Masaya ako dahil hindi ba ito naman ‘yung gusto ko? Na sana maging kami ulit ni Jiyong? Pero mayroon pa ring nagging feeling sa loob ko.
Kailangan niya pa bang ma-threaten para lang ma-realize niya na gusto niya akong bumalik sa kanya? Hindi pa ba sapat ‘yung pagmamakaawa ko at lahat ng katangahang ginawa ko para bumalik siya sa akin? Paano kung hindi dumating si Minho sa buhay ko? Ganoon na lang pala kami? Habangbuhay na akong tutunganga at magmamahal sa kanya sa malayo habang nalulunod siya sa dating scandals niya.
“O noona, anong problema mo? Ba’t mo dinudurog ‘yang can?” Tanong ng isang boses. Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si TOP.
Nginitian ko na lang siya. “Wala, okay lang ako.”
He stuffed his hands inside his pockets and sat next to me. Matagal na namayani ang katahimikan bago siya nagsalita. “What’s wrong noona?”
Napabuntong-hininga na lang ako. I heard him chuckle. Gulat na naibaling ko ang tingin ko sa kanya. “Bakit ka tumatawa?”
“It’s Jiyong, right?” Nakangiti pa ring sabi niya.
Napakunot na lang ang noo ko. “Pa… paano mo nalaman?”
“Noona, si Jiyong lang naman ang may kakayahang lukutin ng ganyan ang mukha mo at pag-isipin ka ng kung ano-ano.”
I sighed before countering him. “You’re wrong, Tabi. Hindi na lang si Jiyong…”
…maging si Minho.
Iniiwasan ako ni Minho. Kapag tinetext ko siya, hindi siya sumasagot. Kapag tinatawagan ko siya, hindi rin siya sumasagot. Huli kaming nagkita noon pang gabing iyon sa Banpo Bridge, at naguguluhan na ako sa kanya. Akala ko ba gusto niya ako? Kung gusto niya ako, bakit ganito siya? He’s not even talking to me! Kung ganitong alam na pala niya na may nakaraan nga kami ni Jiyong, why isn’t he making any move to get me? Gusto ko na tuloy hilahin ang oras at araw para dumating na ang araw na may scheduled photo shoot kami para sa Cass Beer.
“Jeongmal?!” Gulat na sabi ni TOP. “Pati rin ba… si Minho?”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at alam kong naintindihan niya na ako. He leaned back and sighed. “Jiyong got himself a rival, huh?” He murmured and chuckled teasingly.
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanfictionNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!