Special Chapter: Hidden Truths [2]

4.5K 81 13
                                    

Special Chapter: Hidden Truths [2]

 

“KWON!” Malakas na tawag ni TOP sa nakababatang miyembro. Hindi naman siya pinansin ng leader at sa halip ay patuloy na nag-concentrate sa kantang isinusulat niya para sa nalalapit nilang bagong album. Isa pa, hindi niya rin maintindihan kung bakit siya ginugulo ng hyung niya. Alam naman nito na wala talaga siya sa katinuan kapag nagsusulat siya ng kanta.

Sa halip na manahimik ay sumigaw muli si TOP. “KWON!” Paulit-ulit niya itong sinabi hanggang sa tuluyan ng mainis si GD.

GD slammed his pen on the table before looking at TOP, scowling. “What’s your problem, hyung? Busy ako rito–”

 

“Wala sina Bom, Chae, at Minkki.” Putol nito sa sasabihin niya. GD squinted his eyes when he saw the evil glint on TOP’s face. Sa nakikita niya ay walang magandang balak ang pinakamatandang miyembro ng BIGBANG. GD shrugged nonchalantly while TOP made a disapproving noise. “Slow mo, Jiyong! Leader ka pa naman ng BIGBANG! Ikahihiya ka ng VIPs–”

 

“Alam mo hyung, get straight to the point. Ano bang kailangan mo?” Naiiritang sagot niya. Medyo nawawala na rin siya sa focus dahil hindi niya matapos-tapos ang isinusulat niyang kanta dahil sa kaiisip kay Dara. Ugh Kwon, focus!

 

“–baka ‘di pa siya kumakain, sasamahan ko kung ayaw mo.” Sagot ni TOP. Nangunot na naman ang noo ni Jiyong dahil hindi niya narinig ang unang sinabi ni TOP. Nagkatinginan lang sila hanggang sa nagkibit ng balikat ang rapper. “Okay, ‘di naman kita pinipilit eh. Ako na lang ang sasama.” After saying that, he made a move to leave.

“Wait, ano bang sinasabi mo hyung?”

 

Nasapo na lang ni TOP ng palad ang noo niya. “Tsk. Ganyan ba talaga nangyayari ‘pag umiibig? Takte.” He shook his head repeatedly. “Sabi ko, nakita ko si Dara noona sa practice room mag-isa, baka ‘di pa siya kumakain. Kung ayaw mo siyang puntahan, ako na lang ang aaya sa ka–”

 

“AKO NA!” Pigil ni Jiyong sa anupamang sasabihin nito. He glanced at TOP’s face and saw that he was trying his hardest to contain his laugh. Namula naman agad si Jiyong atsaka nag-iwas ng tingin. “Ibig kong sabihin, ako na’ng bahala…” Hininaan niya ang boses niya.

Tumango-tango na lang si TOP atsaka mabilis na lumabas. Hindi pa nito naisasara ng maayos ang pintuan nang marinig ni GD ang umaalingawngaw na tawa nito sa dorm nila. Napapikit na lang siya sa inis atsaka tumakbo sa banyo para maligo.

--

Ilang beses munang huminga ng malalim si Jiyong bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na hawakan ang doorknob ng practice room. Hindi na siya nagtaka nang makita niya si TOP sa gilid niya, pinipigilan pa rin ang pagtawa habang inoobserbahan siya.

“Go away, hyung!” He hissed. “Baka mamaya makita pa tayo ni Dara rito–”

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon