29.

4.2K 109 3
                                    

29.

 

Naging mas busy na ang 2NE1. We always perform at different music shows, and though it’s really enjoyable, we can’t deny the fact that we’re seriously and utterly spent. Bago kami umuwi sa dorm ay kumakain na kami para pag-uwi namin ay maghihilamos na lang kami atsaka matutulog. Nagkaroon pa nga ng araw na lahat kami ay napadiretso na lang ng higa sa kanya-kanyang kama nang hindi na nakakapagbura ng make-up at nakakapagpalit ng damit.

Kaya naman nang binalita sa’min ni Jjangmae oppa, manager namin, na magkakaroon kami ng off, napatalon agad kami sa tuwa! “Use your day off wisely, arasso? Kailangan ninyong magpursigi lalo na’t rookies pa lang kayo.” Paalala niya sa amin.

Tumango kami atsaka tumayo na rin siya palabas ng dorm. “Okay, girls, enjoy!” Huling sabi niya bago nag-wave at lumabas na ng tuluyan.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay nagpalakpakan agad kami. “Grabe! Pakiramdam ko one year na tayo imbes na one month!” Bulalas ni Minji na nagpatawa sa’ming lahat.

“Hayyyy~” Humiga naman si Bom sa couch namin. “Makakapahinga rin!”

 

“Anong balak ninyo, unnie-deul?” Tanong ni Minji habang nakaupo siya sa sahig at may yakap na throw pillow.

“Uuwi ako sa bahay.” Sabi ni Chaerin. “Ilang beses na akong kinukulit ni umma na umuwi eh!”

 

“Ako rin!” Pagsang-ayon nina Bom at Minji.

“Ikaw unnie?” Baling ni Chaerin sa akin. Nagkibit ako ng balikat. “Dito lang siguro ako. Kung uuwi kasi ako sa amin, sobrang sayang sa pera, atsaka sandali lang ako roon kung gusto kong makaabot sa schedule natin sa susunod na araw.”

 

Tumango-tango sila. “Ah, nasa Busan nga pala ‘yung family mo noh, unnie?” Sabi ni Minji.

“Yup,” sagot ko naman.

“Darong, tawagan mo na lang si Sang Hyun para may makasama ka rito, arasso?” Bilin ni Bom sa akin.

Ngumiti na lang ako. “Ahhhh, matulog na tayo! Minsan na lang tayo makatagal ng walang schedule kaya samantalahin na natin!” Excited na sabi ni Minji at nauna nang pumunta sa kwarto niya.

Nagsunuran na rin kaming tatlo. Sleep came by quickly, mostly because we’re really too tired these days. Wala pang sampung minuto ay tulog na ang members.

--

Paggising ko kinabukasan ay agad akong napatingin sa cellphone ko. 10:23 AM na pala. Mayroong text message galing kay Bom.

From: Bommie

Darong-ah, kumain ka, okay?! Tawagan mo si Sang Hyun para may makasama ka, o si Jiyong ;)))))) Ingat ka! Babalik kami agad. ^^

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon