04.
“Annyeong, Dara unni! Choneun Minji Gong! But please call me Minzy!” Grabe ‘tong si Minzy, ang hyper-hyper masyado! XD
“Annyeong, Minzy. Choneun Dara Park.” Sagot ko naman.
“Unni, Choneun Chaerin Lee! But I’m called CL.” Sabi naman nung isa pang babae. Grabe, ang aastig nila dito sa 2NE1. Eto ‘yung group ni Bommie, na ngayon ay group ko na rin. ^____^
“Annyeong, CL!” Sagot ko habang nakangiti. Sa totoo lang, ang saya-saya ko nga rito sa YG Family. Parang pamilya talaga kami. At ang dami ko na ring nakilala! ^^ ‘Yung mga sunbae [senior] din namin, ang babait! Sabi nila, parang relatives na raw talaga kami rito sa YG, kaya masanay na ako.
“Grabe ka Darong, ‘di pa rin ako makapaniwala! Ang saya-saya!” Sabi ni Bom.
Natawa ako. Grabe, kung nakita niyo lang kanina si Bom, halos maglupasay na sa tuwa dahil tinanggap ako ni Papa YG! Ako rin nga, sobrang masaya eh. Ang dami kong bagong nakilala rito.
“Unni, ayaw niyo pa bang kumain? Na baegopa~” [Gutom na ‘ko.] Reklamo sa amin ni Minzy.
“Neo bap meokeosseo, Darong?” [Gusto mo bang kumain?] Tanong ni Bom sa akin. “Baka pagod ka pa.”
Ngumiti ako sa kanya. “Okay lang ako. Atsaka mukhang gutom na talaga si Minzy. Mwo jom meokyo.” [Kumain na tayo.] Sagot ko.
“Ara. Gaja!” Si CL naman na sumigaw at nauna nang lumabas ng dorm room naming apat. Sumunod kami nina Bom at Minzy sa kanya. Habang naglalakad sa hallway ay bigla na lang sumigaw si Bommie.
“Ip dakchu!” [Shut up!]
Napatingin kaming tatlo nina CL sa kanya atsaka sinundan ng tingin kung sino ang tinarayan niya. May limang lalaking papalapit sa amin– OMO! Sila ‘yung weirdos na nagsakay sa akin sa tour bus nung nag-audition si Bommie!~
Ibig sabihin andyan si crush?! O__________O
KYAAAAAAAAAAAAAAAH!!!~
Tumawa ‘yung lalaking matangkad na super gwapo. As in! Makalaglag-panga talaga! Nakakaloka. “Galit na naman si amazona.” Sabi niya kay Bom na may kasamang nang-aasar na ngiti.
Si Bom naman, nakasimangot lang at hindi na sumagot. “Oh, Bom noona, sino siya?” Tanong ng isang lalaking singkit kay Bom.
Hindi sumagot si Bom. Mukhang naiinis pa rin siya. “TOP hyung kasi eh! Inaasar na naman si Bom noona!” React nung isa pang lalaki. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Annyeonghasaeyo. Je irom-on Seungri-imnida.” Bati niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Annyeong. Je irom-on Dara Park-imnida.”
“Seungri oppa, si Dara unni ang last member ng 2NE1!” Excited na pagbabalita ni Minzy.
Nanlaki ang singkit niyang mata. “Jinja?! Hwanyonghamnida, Dara noona!” [Talaga?! Welcome!] Masayang bati niya sa akin.
Grabe, dalawa pala ang singkit sa grupong ‘to? Nagpakilala ‘yung dalawang singkit sa akin. Sina Daesung at Taeyang daw sila. Tapos ‘yung isa super pogi, TOP daw pangalan sabi ni Seungri kanina. Nasaan si crush?!
“GD hyung, magpakilala ka na kay Dara noona!” Sabi ni Daesung dun sa lalaki sa likod nila. Omo, ito na ba si crush?! *palpitate palpitate
“Je irom-on GD-imnida.” Tanging sabi niya sa’kin. Ni hindi niya nga ako tinitignan eh! Grrrrr. “Yah, matagal pa ba ‘yan? Na mwojom meoko sippeo.” [Gusto ko ng kumain.]
“Jeongmal? Sabay-sabay na tayo, oppa! Kakain din kami eh.” Masayang sabi ni CL. Mukhang close sila rito sa kumag na ‘to.
Tumango lang si GD tapos hindi na sumagot at nauna ng naglakad sa amin. Putek. Kelan ko sinabing crush ko ‘yun?! TSS! Yabang! ‘Kala mo kung sinong gwapo!
I mean, ‘di naman ako ipokrita. Gwapo nga! Kaya lang suplado masyado! Amp.
[A/N: ‘Yung pag-introduce kanina nila CL at Minzy sa sarili nila, informal ‘yun. Kaya iba ‘yung sa BIGBANG kasi ‘yun ‘yung formal way. ^^]
Photo Credit: twitter.com/EseevictoRi
![](https://img.wattpad.com/cover/5831947-288-k932711.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanfictionNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!