21.
My alarm rang at 3:45 in the morning. I let out a guttural groan upon hearing it. Nakakainis talaga! Bakit ba ang malas-malas ko?! Kung hindi ko lang talaga naiisip na magiging malaking tulong ‘to para sa 2NE1, hah! Imposibleng tiisin ko lahat ng kalokohan ng lolo na ‘yun!!!
Pupungas-pungas pa akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo. ASDFGHJKL kahit na naka-warm water na ako, ang lamig-lamig pa rin! Habang binibilisan ko ang pagligo ko ay paulit-ulit ko ng namura si Kwon Jiyong sa utak ko.
Sa loob lang ng five minutes ay natapos akong maligo. Nagsuot na lang ako ng sweatshirt at pajamas. Hindi ko na nga na-dry ang buhok ko sa pagmamadali eh. Hello, kumusta naman kasi?! Ala-una pasado na nang makabalik kami sa dorm. Buong araw ay inubos namin sa pagpa-practice para sa mga kanta. Tapos pagigisingin ako ng grandpa na ‘to ng alas-kwatro?! Just kill me now. HAYYYYYYYY.
Buti na lang at nasa loob lang ng compound ng YGE ‘yung dorm namin, kundi baka imbes na pumunta ako sa music room ay dumiretso na lang ako sa Banpo Bridge para tumalon at magpakamatay na.
Maingat akong lumabas ng dorm para hindi maistorbo ang mga members ko. Pero sa palagay ko, kahit na magpaputok pa ako ng bazooka rito, hindi sila magigising sa sobrang pagod.
Naiiling na dumiretso na lang ako sa music room na pinuntahan namin kahapon. I feel a bit better today, since kahit paano ay nakaligo naman ako at nakapag-toothbrush bago ako pumunta.
Bubuksan ko na sana ang pintuan papasok sa music room pero naka-lock ito. Nagtatakang paulit-ulit ko pang sinubukang buksan pero ayaw talaga. Kinatok ko ng malakas ang pintuan. “YAH, KWON JIYONG!!!” Sigaw ko habang parang baliw na kumakatok, pero mukhang walang kahit na isang specimen sa loob.
AISHIIIIII!!! ‘WAG MONG SABIHING TULOG PA SIYA?! GRRRRR… GINAGALIT TALAGA AKO NG KWON GRANDPA NA ‘TO EH!!!
Nag-martsa ako papunta sa dorm ng BIGBANG. Pasensya na lang kina TOP, Taeyang, Daesung at Seungri, pero kaunting-kaunti na lang talaga ang maitutulak ko na sa rooftop ‘yang leader nila!
Malakas na kinatok ko ang pintuan. Mahigit sampung minuto rin akong kumakatok bago nagbukas ang pinto. Parang gulat na gulat si Taeyang na makita ako. “O, Dara noona?” Nagtatakang tanong niya. “Bakit ka andito?”
Sasagot na sana ako nang nakita kong lumabas si Daesung mula sa kwarto niya. Nakasuot siya ng Doraemon pajamas at may yakap-yakap pang Doraemon plushie. Muntik ko na ngang makalimutan ang galit ko dahil sa ka-cutean ni Daesung eh! “Hyung? Sinong tao?” Tanong niya.
Si Seungri naman ang nakabuntot sa kanya, nanlalaki ang mga mata. “HYUNG HYUNG, SAAN ANG SUNOG?! KUKUHA NA BA AKO NG TIMBA?!” OA na reaksyon niya kaya nabatukan siya ni Daesung.
“Maknae, kung may sunog, eh ‘di sana tumunog ‘yung fire alarm. Tsk. Nasaan utak mo, sa Pluto?” Naiinis namang sagot ni Daesung.
Nag-pout na lang si Seungri bago niya nahagip ang tingin ko. “Dara noona!!!” Masayang bati niya sa akin bago niya ako nilapitan sa may pinto. “Bakit ka andito?”
“Si gra– si Jiyong pala, andyan ba?” Tanong ko.
Napalapit na rin sa amin si Daesung at nagkatinginan silang tatlo bago nagsalita si Seungri. “Bakit mo hinahanap si Jiyong hyung, noona?” Tanong niya sa akin.
Binatukan na lang siya ni Taeyang atsaka hineadlock. Nginitian ako ni Taeyang (omfg that eyesmile tho) bago tinuro ang kwarto ni Jiyong. “Noona, andun ang kwarto ni Jiyong. Sige, pasok ka na.”
Ngumiti na lang din ako at nagpasalamat sa kanilang tatlo bago ako dahan-dahang naglakad palapit sa kwarto ni Kwon. Ramdam ko pa rin ang titig ng tatlo sa akin sa likuran ko. Nilingon ko sila at muling binigyan ng ngiti. Nang makita ako ni Taeyang ay para siyang pastol na inakay sina Daesung at Seungri papunta sa kani-kanilang kwarto.
Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala ng tao sa likuran ko. Pinihit ko ang doorknob sa pintuan ni Kwon at hindi iyon naka-lock. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.
Malinis ang kwarto niya, unlike the typical guy’s room na makalat at maraming laundry. Sa tingin ko ay puro papel lang talaga ang nakakalat sa kwarto niya. Nasa kama siya, pero nakasandal lang siya sa headboard at sa ganoong posisyon na siya nakatulog habang may hawak na lapis at mga papel. May mga papel pa nga na naiwan sa lapag dahil hindi nai-shoot sa trash can.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at pinulot ang mga papel na nasa lapag. May mga papel doon na may sulat pero maraming bura. Sa halip na idiretso sa trash can ay ini-straight ko ang mga iyon at inilagay sa ibabaw ng desk na nandoon sa kwarto niya. Baka mamaya ay may kailanganin pa pala siya rito.
Busy ako sa pagi-straight ng mga papel nang may isang sulat ang umagaw sa atensyon ko. Dali-dali kong inilapit ito sa mukha ko para mapatunayan na hindi ako nagkakamali.
Sandara Park
Butterfly
Sa paligid ng pangalan ko ay mayroong maraming question mark, hanggang sa napuno na ng mga question marks ang buong papel at ang nasa gitna ay ang pangalan ko.
Nagtatakang tinitigan ko lang ito atsaka ako napatingin kay Kwon na natutulog. Ano kayang ibig sabihin nito? Naisip ko. Kahit na kinakain pa rin ako ng pagtataka ay isinawalang-bahala ko na lang ito atsaka isiniksik sa likuran ang papel na may pangalan ko.
Lumapit ako sa kama ni Kwon para gisingin na siya. UGH! Pinagising-gising niya ako ng maaga tapos siya tulog?! Tss.
Ginalaw-galaw ko ang braso niya para gisingin siya. “Yah, Kwon, gising na.” Sabi ko, pero naalala ko na wala nga palang epekto sa kanya ang ganito. Naalala ko tuloy noong na-lock kami sa practice room…
…At niloko niya ako sa prank na iyon.
Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko. AISH. Siguro naiinis lang talaga ako! Grabe ba naman, pinag-sneak out niya ako tapos bubwisitin niya lang pala ako?! Tama! ‘Yun ang dahilan! Naiinis lang ako kay Grandpa!!!
Sumampa ako sa kama niya at lumuhod sa tabi niya. Akmang itutulak ko na siya gamit ang dalawang kamay nang maunahan niya ako. Hinila niya ang dalawang kamay ko payakap sa bewang niya atsaka ako ibinuro sa dibdib niya.
Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa sobrang pagkagulat.
“Kajima…” Mahinang bulong niya.
_______________________________________________________
UWAAAAAAAAAAAAH. KWON JIYONG'S KILLING ME *diessss* Comments please?! ^___^ Let me know who wants a dedic! :))
-X
BINABASA MO ANG
Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]
FanficNAPAKASUNGIT TALAGA NG GRANDPA NA 'YUN! Akala mo kung sinong gwapo. Okay, gwapo nga. Pero ang ugali! Nakakairita. Sobrang suplado! Tss. May araw ka rin sa'kin, Grandpa!