20.

4.3K 113 3
                                    

20.

 

Tahimik lang ako sa buong biyahe habang hawak ko ang hoodie na suot ko. Hindi ko pa rin alam kung tama ba ang iniisip ko na si grandpa nga ang nagdala ng pagkain.

Kung hindi siya, sino pa ba? Una, siya lang naman ang sinabihan ko na nagugutom na ako. At isa pa, sa kanya rin itong hoodie na suot ko– pero paano naman nalaman nina Bommie na kay harabeoji nga ‘tong hoodie?! AISH! Naguguluhan na talaga ako!

 

Hindi pa rin ako nagsasalita hanggang sa nakarating kami sa tapat ng YG Building. Mas puspusan na ang practice namin ngayon dahil malapit na raw kaming mag-debut. Kaunting panahon na lang ang hihintayin namin at makikita na rin namin ang bunga ng mga pinaghirapan namin.

Nagpalit kami ng mas kumportableng damit. Isinuot ko ang t-shirt ko at black na sweatpants. Itinabi ko muna sa duffel bag ko ang hoodie ni grandpa dahil ayaw kong mapawisan ko pa iyon.

Nang nasa practice room na kaming apat ay tumunog na ang kantang ‘Fire’ na siyang debut song namin. Halata talaga na mas mataas ang energy namin nitong mga huling practice nang ibalita sa amin ang nalalapit na debut.

Todo-bigay ang performance namin nang biglang pumasok sa kalagitnaan ng performance si Yang Sajangnim. Kahit na sinong nanonood ay mapapansin na medyo naging tensed ang movements namin. Don’t get us wrong, sobrang respetado namin si Sajangnim dahil tunay na kapamilya ang turing niya sa amin, at iyon ang dahilan kung bakit apektado talaga kami sa mga comments at feedbacks niya.

Nang matapos ang kanta ay hinintay namin ang komento niya. “Girls, ‘wag ninyong i-strain ang sarili ninyo. When you perform out there, always go all out. That way, you’ll be satisfied with yourselves the way your audiences are.” Seryosong payo niya sa amin.

Tumango-tango kaming apat. Pinag-perform niya pa kami uli ng isang beses para ma-check kung mayroon pa bang ibang moves na dapat ayusin para ma-perfect ang routine. Thankfully, wala na naman. Pinaalalahanan niya lang kami ulit na ‘wag naming pigilan ang moves namin.

Lalabas na sana siya nang bigla siyang nagsalita. “Ah, Sandara?” Tawag niya. “Let’s talk.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya. Nagkatinginan kaming apat bago ako lumabas at sumunod kay Sajangnim.

Nakarating kami sa office niya. He motioned for me to sit down in front of his desk. Ngumiti siya sa akin. “Kumusta naman ang collab ninyo ni Jiyong?” Tanong niya.

“Okay lang po, Sajangnim.” Sagot ko. “Nagkita po kami kaninang umaga at itinuro na po niya sa akin ang melody at lyrics ng kanta.”

 

Tumango-tango siya. “So, everything’s going well?”

 

“Yes po.” Sagot ko.

“Kailan ulit kayo magkikita?”

 

Omo. Hindi naman nabanggit ni harabeoji... “Wala pa po siyang nabanggit.”

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon