Special Chapter: Naughty Girls

4.2K 121 11
                                    

Special Chapter:

 

“Unnie, andyan ka na pala.” Bati ni CL pagkalabas niya ng banyo nang makita niya si Dara na kaharap ni Minzy sa dining table.

“Neh.” Sagot naman ni Dara.

“Unnie, mauna ka ng maligo.” Biglang sinabi ni Minzy. “Mabilis lang naman ako eh.”

 

Ngumiti si Dara sa dalawa bago tumayo. “Salamat!”

 

“That looks familiar…” Sabi ni Minzy kay CL.

Nangunot ang noo ni CL. “The hoodie, right?”

 

“Yeah!” Minzy snapped her fingers. “Don’t you feel like we’ve seen that before?”

 

CL nodded, looking thoughtful. “Now that I think about it…”

 

Nagkatinginan ang dalawa bago ngumisi. “G-Dragon oppa.”

 

--

Papasok na sana si CL sa van nang maalala niya na naiwan niya ang cellphone niya sa kwarto.

“CL? Pumasok ka na! Ang lamig kaya!” Sabi ni Bom.

“Ah, wait. Naiwan ko ‘yung phone ko. Pakihintay na lang ako sandali!” Sigaw ni CL atsaka umakyat muli sa dorm nila.

Dumiretso siya sa kwarto niya nang mahagip ng mata niya ang isang gray na hoodie na nasa sofa. Lumapit siya doon at in-examine ang hoodie. Malakas talaga ang pakiramdam nila ni Minzy na kay G-Dragon ang hoodie na iyon, pero hindi lang talaga nila masigurado.

Bibitiwan na sana ni CL ang hoodie nang mahagip ng mata niya ang maliit na burda sa babang kanan nang damit.

J.Y. Kwon

 

Napangisi na lang si CL at pinicturan ang burda para ipakita sa maknae bago binitbit ang hoodie.

Pagbaba niya ay mabilis siyang pumasok sa van at inihagis kay Dara ang hoodie. “O, ba’t mo ‘to dinala?” Tanong ni Dara habang isinusuot ang hoodie.

Ngumisi lang si CL. “Madali ka kayang lamigin, unnie. Tsaka bagay naman sayo eh.” Sagot niy atsaka iniabot kay Minzy ang ebidensyang nakita niya bago sabay na humagikgik ang dalawa.

Nang natahimik na ang lahat ay bigla na lang nakatanggap ng text si CL.

From: Bom unnie

Yah, anong tinatawanan ninyo ni Minkki?

Nagkatinginan sina CL at Minzy bago finorward ni CL sa cellphone ni Bom ang nakita niyang ebidensya.

To: Bom unnie

Unnie, nakita ko ‘tong burda na ‘to sa suot na hoodie ni Dara unnie. Kekeke ~

Nanlaki naman ang mga mata ni Bom atsaka napatingin sa hoodie ni Dara. Mabilis na nag-type ng message ang unnie ng 2NE1.

To: CL-roo; Minkki

NYONGDAL HWAITING!!!~~ (≧∇≦)

Nagkatinginan ang tatlo bago nagtawanan.

--

Si Minzy na ang shinu-shoot kaya naman nagpapahinga sina Bom at CL. “O, nasaan si Dara?” Tanong ni Bom.

Nagkibit-balikat lang si CL. “Ewan, unnie.”

 

Magtatanong pa sana si Bom nang may sumigaw sa isa sa mga staffs, “ANDITO SI G-DRAGON!!!”

 

Nagkatinginan sina Bom at CL bago lumabas upang salubungin si G-Dragon. Nang makita nila ito ay may dala itong mga pagkain. Pawis pa nga ito at mukhang nagmamadali. “Hi, GD oppa.” Bati ni CL.

Ngumiti lang si GD. “Where are the others?” Tanong niya.

Nagkatinginan na lang muli ang dalawa bago pasimpleng humagikgik. Sinabayan nila si GD sa paglalakad papasok sa lugar kung saan nagaganap ang shoot at nakita ni GD na si Minzy ang kasalukuyang kinukuhanan.

“Nasaan na ‘yung iba?” Ulit ni GD sa tanong niya.

“Sino bang iba, GD?” Nakalolokong tanong ni Bom.

Hindi sumagot si GD, sa halip ay inikot lang niya ang paningin niya. Aish, this halmeoni. Akala ko ba nagugutom siya?! Pabo! Nasaan na kaya ‘yun?! Lagot ako nito kay Teddy hyung!

 

Inilapag na ni GD ang pagkain. Hindi rin kasi siya maaaring magtagal dahil tinakasan lang niya si Teddy. Mayroon kasi silang pinag-uusapan tungkol sa unang solo album niya pero dahil nag-text si Dara na nagugutom na raw siya ay walang pagdadalawang-isip na umalis si GD para bumili ng pagkain.

Maya-maya lang ay umalis na si GD na nanghihinayang at naiinis dahil hindi man lang niya nakita si Dara. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating sa dressing room ang pupungas-pungas na si Dara. “Aiyaaaa, kumakain kayo!”

 

Nagkatinginan na lang ang tatlong 2NE1 members bago nag-cheer ng mahina. “Nyongdal hwaiting!”

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon