Special Chapter: Hidden Truths

4.4K 82 19
                                    

Special Chapter: Hidden Truths

 

Naiirita si GD.

Naiirita siya dahil sobrang kumportable na ng mga members niya kay Dara. Maging si Youngbae na tuwina’y medyo mahiyain ay pangiti-ngiti na sa lahat ng sinasabi ni Dara. Pero ang mas ikinaiinis niya…

Bakit nga ba siya naiirita?

 

Hindi ba’t niliwanag niya na kina TOP at sa iba pang members ng ilang beses na hindi nga niya ito crush? Sabagay, hindi pa naman alam ng members niya na si Dara nga ang misteryosong “crush” ni GD na nakita niya noon sa tour bus.

Tuloy-tuloy lang ang pagsubo niya ng pagkain kahit na halos mabulunan na siya. Lahat ng inis niya ay doon niya ibinubuhos kahit na halata namang nagkakasayahan ang mga tao sa mesa nila. Sina TOP at Bom ay may sarili na namang mundo, kapareho lang nina Dara na hindi pa rin pinapansin si GD hanggang ngayon na nagpapadagdag pa sa inis ng huli.

“GD hyung, bakit ang tahimik mo yata?” Tanong bigla ni Seungri sa paborito niyang hyung. Kanina niya pa kasi napapansin na ang tahi-tahimik nito. Hindi naman kasi ‘yon normal kay GD dahil madalas naman ay makulit din ito lalo na kung wala naman silang trabaho.

“Wala,” malamig na sagot nito. Nadagdagan lang ang inis niya dahil mukhang walang kaalam-alam ang maknae ng BIGBANG na isa na siya sa mga pinag-iinitan ni GD dahil sa pagkalapit niya kay Dara.

“Nakakapanibago ka nga ngayon, oppa. ‘Di ka naman ganyan ah?” Dagdag pa ni Minji pero hindi na siya sumagot. Sabay na lang na nagkibit ng balikat ang dalawang maknae bago bumalik sa usapan nila dahil halata namang wala sa mood makipagkwentuhan si GD.

GD tried to block out all the noise around him, lalo na’t nakita niya na nagkakainitan na naman sina TOP at Bom. Gano’n naman palagi ang nangyayari, kahit na alam niyang nagpapapansin lang ang hyung niya kaya ito nang-aasar.

Ipagpapatuloy na lang sana niya ang pagkain nang makita niya na palapit na ng palapit ang mukha ni Daesung sa mukha ni Dara. He clenched his jaw as he imagined of all kinds of scenarios, each including him on the scene and pushing Daesung out. Inggit na inggit siya sa dongsaeng niya dahil kaya nitong makalapit kay Dara ng gano’n samantalang siya ay naiwang nagmumukmok sa sulok.

Sa inis ay hindi niya na napigilan ang sarili niya na ibagsak ang kutsara at chopsticks sa mesa. Nang napatingin ang lahat sa kanya ay pumeke siya ng ngiti. “Ba buleyo! Hindi pa kayo tapos?”

 

Nagkanya-kanyang iling ang lahat atsaka nagpatuloy sa pagkain. Napansin ni GD na nakasimangot si Dara habang nakatingin sa kanya, kaya naman itinaas niya ang isa niyang kilay dito kahit na sa loob niya ay natutuwa siya dahil napansin na siya nito at nawala ang atensyon sa mga members niya. Matapos iyon ay nag-concentrate na lang sa pagkain si Dara pero hindi pa rin mawala ang lihim na ngiti ni GD.

--

Nasa pinakalikod si GD habang sinusundan lang ang mga kamiyembro niya para ihatid ang 2NE1 sa dorm nila. Napansin din niya ang paminsan-minsang paglingon ni Dara sa kanya at kahit na gusto niyang ngumisi ay pinigilan niya ang sarili niya. Siguro okay na rin ‘tong strategy ko, naisip niya. Mas napapansin niya ako.

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon