13.

4.6K 121 2
                                    

13.

 

Nakatungo ang ulong naglakad ako papunta sa cafeteria. Hayyyyyyyyyy. Kinakabahan talaga ako! Bakit kaya ako pinapatawag ni Papa YG?! May offense ba ‘ko? May ginawa ba ‘kong masama? Nalaman niya ba na nag-sneak out ako nung nakaraan para kay harabeoji?!

AISH! Ginulo ko na ang buhok ko sa kakaisip. Hindi ko na talaga alam kung–

Nagulat na lang ako nang may nakabangga ako. “Mian– Daesung-ah!” Gulat na bati ko sa kanya.

“O, noona!” Masayang bati niya sa akin. “Hindi kita napagkikikita ah!”

 

Natawa ako sa kanya. “Medyo busy lang sa training. Nakakain ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

“Neh, noona. Ikaw?” Balik-tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. “Kakain pa lang sana.”

 

Nanlaki ang singkit niyang mga mata nang tumingin siya sa relo niya. “Grabe noona! Maga-alas tres na ah?! Bakit hindi ka pa kumakain?!”

 

I smiled sheepishly. “Medyo preoccupied lang.”

 

“May problema ba, noona?” Nag-aalalang tanong ni Daesung sa akin.

“Aniyo, aniyo.” Umiiling na sagot ko.

“Sabayan na kita, noona.” Sabi niya sa’kin. “Wala naman akong gagawin.”

 

I smiled gratefully. “Kamsahamnida, Daesung-ah.”

 

--

Kumakain na ako ng late lunch habang si Daesung naman ay umiinom ng apple-flavored water kung saan BIGBANG ang endorser.

Apple… apple… apple…

JIYONG!~ >__________<”

 

“Uhhh, Dae?”

 

“Neh, noona?” Tanong niya sa akin.

“Ma–mahilig ba si Jiyong sa apple?” Mahina ang boses na tanong ko.

“Apple? Si hyung?” Sandaling napaisip si Daesung. “Hmm, ‘di naman masyado. Bakit mo naman natanong noona?”

 

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Ah, hindi. Nagulat lang ako. Nung nakaraan kasi… ano, binigyan niya ‘kong apple.”

 

Nagulat ako nang biglang manlaki ang singkit na mga mata ni Daesung at sa sobrang gulat ay napatayo pa siya. “SI JIYONG HYUNG?!”

 

“Oy. Ano ‘yun, Dae?” Biglang singit ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko ay hindi nga ako nagkamali. Si harabeoji nga!

“HYUNG, TALAGA BA–”

 

“DAE!” Sigaw ko para pigilin siya. UGH! Baka mamaya isipin pa ng grandpa na ‘yun na pinagkakalat ko ‘yung FAKE confession niya sa akin noh!

“Waeyo, noona?” Inosenteng tanong ni Dae sa akin.

 

“Eopseoyo.” [Wala.] Nilingon ko si Grandpa Ji. “Bakit ka ba andito?”

 

“Oh, halmeoni. Hinahanap ka na ni Hyun Suk hyung.” Baling niya sa akin. “Nasabi niya na sayong may pag-uusapan kayo, right?”

 

Wala sa loob na napatango ako. Kumabog na naman ang dibdib ko. Bumalik ang kaba ko na nawala kaninang kausap ko si Daesung.

“Jeongmalyo, noona? Bakit daw?” Nagtatakang tanong ni Daesung.

“Mollaseo.” [Hindi ko alam.] Napansin ata ni Grandpa Ji ang pagka-down ng itsura ko kaya’t tinanong niya ako. “Yah, what’s wrong?”

 

“Wala.” Paiwas na sagot ko. Inurong ko na ang pagkain sa harap ko. Nawala na ang appetite kong kumain. “Nasa office ba siya?”

 

Akmang lalabas na ako ng cafeteria para pumunta sa office ng iharap ako ni Grandpa Ji sa kanya. “Wait! Seriously, halmeoni, what is it?”

 

“Kinakabahan lang ako.” Pag-amin ko. “Baka may offense pala ako or something–”

 

“Geokjeongma.” [Don’t worry.] Sabi sa akin ni Grandpa Ji. “You’ll be fine.” He then patted my head tenderly.

Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng cafeteria. Dalawa kami ni Daesung na naiwang nakanganga sa ginawa ni harabeoji.

Hey, Mr. Grumpy! [DaraGon/NyongDal]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon