Chapter 7

1.2K 55 17
                                        

[A/N]: Park Sanghyun of MBLAQ in multimedia.


T H U N D E R [Sanghyun]

Hindi 'to pwede, balita ko, may gusto iyong Chanyeol na iyon kay noona. Mamaya gumawa pa iyon ng move para mapalapit sa kanya. Ano kayang pwede kong gawin?

"Ba't ka nakatulala dyan?" pagtatanong ni Mir sakin habang kumakain siya ng hotdog sa stick na binili nila kanina. "Di ka pa ba kumakain? Madaming binili si noona," pagpapatuloy niya pa bago umupo sa katabing upuan ko.

"Mir, kilala mo ba iyong Chanyeol ng EXO?" Humawak pa ko sa magkabilang balikat niya at inalog-alog ito, dahilan para mabulunan siya.

"Teka naman Sanghyun! Malamang kilala ko iyon! Sikat din kaya sila at Malaki ang fanbase nila." Talaga ba? Siguro masyado lang akong busy kaya hindi na ko updated sa kapwa artist namin. "Sila din ang isa sa may pinakamaraming sasaeng fans." Nakakatakot naman iyon.

"Ganun?" Lumaki naman ang mata niya na parang naiinis. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Inalog mo ko pagkatapos iyon lang ang sasabihin mo!? Langya ka, nabulunan ako sayo, psh," pagrereklamo niya bago ako batuhin ng stick na hawak niya.

Umilag naman ako kaya sa sahig nahulog iyong stick. "Eh, nakita mo ba iyong bagong cast ng We Got Married?"

Umiling naman siya. "Bakit, ex mo?" Binatukan ko siya kaya nag-'aish' siya sakin. "Problema mo? Kanina ka pa ah."

"Si noona kasi iyong cast! At iyong Chanyeol iyong husband niya dun." Nabulunan naman siya sa sarili niyang laway. Kadiri. "Di ka din pala updated eh! Tsk."

"Eh diba mas bata pa sayo iyon!!!?" Tumango naman ako at napa-smirk siya. "Naaalala ko bigla iyong 'age doesn't matter' na sabi ni noona nung tanungin siya kung ano ideal type niya. At balita ko patay na patay kay noona iyon! At naku patay ka, Sanghyun. Baka magkasyota na ate mo, kakahigpit mo."

"Magtigil ka, pwede? Sino ba source mo dyan?"

Nagkibit-balikat naman siya at ngumiti na parang tanga. "Si Durami?" Nanlaki naman ang mata ko at napatayo. Durami? As in kapatid naming? Pano naman sila nagkakilala?

B A E K H Y U N

[EXO DORM]

Uwaa~ Nawawala ang pinakamamahal kong eyeliner? Sinong kumuha? Mapapatay ko talaga ng bongga!

"Hyung, anong problema?" pupungas-pungas na tanong ni Tao, mukhang kakagising lang niya at wala pa sa wisyo. Tiningnan ko ang mga mata niya at chineck kung may eyeliner ba 'to pero mukhang normal naman na maitim ang undereyes niya. Panda eyes talaga. Haha.

Tinaktak ko naman ang ulo ko para tantanan ang paghihinala. "Ba't ganyan kang makatingin hyung? Wala akong kinuha!" pagtatanggol niya pa sa sarili niya at inakap pa ang panda bear niya para protektahan ang sarili niya laban sa akin.

"Anong ingay ba iyan?" pagtatanong ni Suho hyung samin at umupo sa katabing couch para makapagdikwatro. "Nawawalan ka na naman ng gamit? Burara ka kasi."

"Wow! Ako pa talaga ang burara ah," sarcastic kong sagot sa kanya bago kalkalin ang laman ng bag ko. Wala talaga! Baka may nagtapon! O nanghiram ng walang paalam?

"Tama na iyan, magluluto muna ko," sigaw ni Kyungsoo mula sa kitchen, mukhang narinig niya iyong antungal ko mula rito sa living room.

Maya-maya, umupo na rin sina Sehun, Lay, Chanyeol, Kai at Xiumin hyung sa dining area. Matatapos na yata sa paghahanda si Kyungsoo. Pft.

Dingdong! Dingdong!

"Oh, sino magbubukas?" sigaw ni Xiumin hyung na may hawak ng chopsticks, Di muna mapapaalis iyan. Naku naman.

"Dalian niyo! Mamaya si Soyou iyan!" sabi naman ni Lay hyung na nakapikit pa. Ano? Andito na naman iyong paepal na iyon? Patay na patay kay Chanyeol!

Dingdong! Dingdong!

"Edi dapat talaga na hindi pagbuksan! Mamaya makikain pa dito iyon," ani Tao na nakasimangot. "Sakto matakaw pala?"

"Pano naman kung kabaligtaran? Marami palang dalang pagkain?" bawi naman ni Xiumin hyung.

"Kyungsoo's cooking pa rin," sabi naman ni Ka na tumiming sa paglalatag ng chicken ni Kyungsoo sa mesa.

"Ako na nga! Mga bwiset!" sigaw ni Suho hyung habang nagdadabog pa. Haha, leader eh, tama lang iyan.

Nagsimula na lang kaming kumain ay wala pa rin si Suho hyung. Anla? Anyare dun? Napulis ba?

"Suho hyung, ba't antagal mo?" biglang sigaw ni Sehun sa tabi ko, nakakabingi naman.

"Uh.. Chanyeol, may.. bisita tayo," narinig naming entrada ni Suho hyung pagbalik.

Naglingunan naman kami habang nakasubo pa ng sushi. Sa bibig at nakanganga ng wagas.

Napa- "N-Noona..." na lang kami at naglaglagan ang mga hawak naming pagkain sa kanya-kanyang plato namin. Nanlaki ang mga mata ko, ang ganda naman niya sa personal!

S A N D A R A

Pagpasok ko ng dorm ng EXO, nakatulala sila sakin. Wrong timing ba ang pagbisita ko?

Nagtayuan naman sila at parang robot na nakatingin ng diretso sakin. Na-conscious naman ako bigla. Naka-tshirt at pants lang kasi ako, with matching ribbon sa buhok ko.

"Ah, Chanyeol? Sasabayan sana kita mamaya sa taping. Okay lang ba? May dala rin akong food. Makikikain ako rito kekeke~" Namula naman ang mga tenga nila, may masama ba kong nasabi? "Sino nga pala iyong Kyungsoo? Diba magaling kamo siya magluto? Papaturo na rin ako." Nagtulakan naman sila at may lumitaw na cute and squishy guy sa harap ko. He has heart-shaped lips and big eyes. Nginitian ko lang siya nang konti. Namula naman siya.

"Ah sunbaenim, ako po si Kyungsoo, mahilig po talaga akong magluto," pag-eesplika niya at nangamot pa ng ulo.

"Yah! Noona will do! I'm Dara, nice to meet you!" buong puso kong pakilala. Niyakap ko pa siya para huwag siyang kabahan. Hindi naman pala nagkakalayo ang taas naming eh. Kekeke~

"Oh my!" tili ng may panda eyes sa gilid. Ngumiti din ako sa kanya at inabot ang kamay ko.

"Hi!" Tumakbo naman siya papalapit sakin at inakap ako.

"Noona, ang ganda mo! Pwede ba tayong maging close? Huang Zitao po ang pangalan ko! Tao na lang po." Pinat ko naman ang ulo niya habang nakangiti.

"Anong nangyayari rito?" sigaw ng kakarating pa lang na kulot na lalake. Lumaki ang mata niya at napanganga. May problema bas akin? "Dara??? My Dara??? Why are you here, mygash!" Lumapit siya sakin at umakap. Parang di ko yata siya kilala.

"Thorry noona, may thaltik talaga iyan tha utak." Ngumiti na lang ako sa kanila.

"Noona, tabi tayo! Dito ka ah?" pag-aaya ni Tao sakin. Humawak naman ako sa braso niya at parang nakatingin sila sakin.

"Feeling close naman?" Napangiti naman ako ng awkward dun sa nagsalita at bumitaw saglit kay Tao na nagulat naman sa nangyari. Ayaw ba niya sakin? "Naku, noona! Di ikaw iyong FC, si Tao ah! Hehe, Baekhyun pala," pakilala niya.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon