Chapter 14

583 28 6
                                        

C H A N Y E O L

"Kasalanan mo to! You tricked me by pretending to be my wife earlier!" Tinawag ko pa nga ang pangalan ni Dara kanina. Hindi naman siguro siya bingi para hindi iyon marinig,

"I-I...I'm sorry...so sorry..." paulit-ulit na utas ni Kit habang karga ko ang walang malay na si Dara papunta sa garahe ng sasakyan ko para maipunta ko ito sa ospital.

Tiningnan ko siya ng masama matapos kong maisakay si Dara sa backseat at maisara ang pintuan ng malakas. "Kapag may nangyaring masama sa kanya, kalilimutan ko na isa ka sa pinakamamahal kong fans! May hangganan ang pakikialam niyo sa buhay namin!" Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at nagmamadaing nagdrive. Iniwan ko ang mangiyak-iyak na si Kit doon.

Dinala ko si Dara sa ospital na kapartner ng SMENT at nagtinginan nga sakin ang ibang nandun pero lakompake. Nasa alanganin ngayon ang buhay ng babaeng mahal ko kaya wala munang bati-bati sa sobrang pagmamadali ko na isugod kay Doc ang asawa ko.

Flashback On

"Yeol may naghahanap sayo sa labas." Tumango naman ako sa sinabi ni manager hyung at lumabas ng headquarters ng EXO.

Si Dara na kaya to? Ganun ba kaimportante ang sasabihin niya sakin para-?

"Mr. Park!" Napatingin ako sa taong tumawag sakin. Isang matandang babae na inaalalayan ng isang teenager na lalake.

Bigla akong binalot ng takot. Paano nakapasok ang mga ito rito? Naalala ko nung huling makita namin ang sasaeng ni Suho hyung na si Rion. Tatawag na sana ko ng security nang biglang magslita si manager hyung na nasa tabi ko na pala. "Pinapasok sila ni sajangnim. Kahapon pa sila nagmamakaawang mabigyan n oras para makausap ka. Hindi sila umalis sa labas nitong building kahit umulan pa."

"G-Ginawa niyo po iyon?" Nahiya ako bigla sa sarili ko sa pag-iisip agad ng masama sa kanila. Tumango naman sila. Hinawakan ko ang kamay ng matandang babae kasabay ng pagbow."Mianhe ajhumma, kinailangan niyo pang gawin iyon para lang makaharap ako."

Ngumiti ang ale ng mataimtim. "Naiintindihan naman namin ang pagiging busy mo hijo, kaya lang..parang ito na lang ang tanging paraan para maitama ang mga pagkakamali namin..."

"Hindi ko po maintindihan, ano po ba ang pakay niyo?"

"Galing pa kami sa malayong lugar, at talagang hinanap ka namin dahil sa nakita namin sa TV na kasama mo ang anak ko."

"Anak niyo po? Si Dara?"

"Hindi! Hindi ang asawa mo! Kahit gustuhin kong magkaroon ng ganun kagandang anak ay imposible. Mabait siya at halata namang nanggaling sa mabuting pamilya, samantalang hindi ko napalaki ng maayos si Kit."

"Kit? Anak niyo po si Kit?"

At dun ko nalaman ang lahat tungkol kay Kit. Hindi gaya ng sinabi niya sa Commision on Human Rights noon na itinakwil siya ng sariling mga magulang, ay siya palang kusang naglayas. Napasama siya sa grupo ng mga sasaeng na katulad niya ay may sari-sarili ring problematic life background.

Ang dahilan ng paglalayas niya? Ang pag-aabroad ng tatay niya na halos hindi niya na nakakausap kahit sa telepono man lang at ang pagkaulong ng nanay niya sa pagpapasugal sa lugar nila. Ubos-ubos biyaya ang perang galing sa tatay niya sa ibang bansa.

Nanlalake pa ang nanay niya at nagkabunga ng dalawang anak kaya nadagdagan pa ang gastusin nila. Napilitang tumigil sa pag-aaral si Kit para maghanap ng pwedeng mapagkakitaan para matustusan at maalagaan ang mga nakababata niyang kapatid na puro lalake.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon