[A/N]: Sandara Park and her lower leg bruise in multimedia.
S A N D A R A
Maglalunch na pero hindi pa rin dumarating si Chanyeol. Ano na kayang nangyari dun? Ayoko namang lalong painitin ang ulo niya at sundan ko siya, pero nag-aalala pa rin ako. Sobrang init ng ulo niya kanina. Nasigawan pa nga ako eh.
Nakahanda na ang pagkain ko at sinisimulan ko na ngang kainin pero parang wala akong nalalasahan. Mas masarap talagang kumain ng may kasama. Pambihira, ilang taon akong mag-isa sa apartment ko tapos ngayon ko lang ito naisip. Tama, si Chanyeol naman kasi ang kusang nagsumiksik sa tinitirhan ko noon kaya akala ko wala lang, pero ngayon, nakikita oo na kung gaano kalaki ang naging epekto niya sakin.
Kring! Kring!
Sino naman kaya itong tumatawag ngayon?
Umakyat ako ng hagdan para sagutin ang telepono. "Yoboseyo?"
"Miss Park, buksan niyo po ang TV niyo ngayon din!" ayon sa lalakeng nasa kabilang linya.
"Excuse me? Sino to?" Bigla-bigla ba naman kasing papabuksan sakin ang TV namin? Paano kung bagong style pala ito ng akyat-bahay gang? Aaliwin niya ko sa TV habang iyong iba niyang kasabwat eh ninanakaw na ang ibang gamit namin sa ibang parte nitong bahay. Saka paano niya nalamang may TV kami?
"Manager to ni Chanyeol, ng EXO."
Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. Chanyeol, asan ka na ba kasi? Anong ginagawa mo? "Manager hyung? Bakit? Anong nangyari?"
"Mahirap ipaliwanag ang dahilan ng pagtawag ko, basta panoorin mo na lang sa TV. Sige na, nagkakagulo na rito."
"Teka-" toot toot Hindi pa nga ako tapos kausapin siya ay binabaan niya na ako ng linya. Tss.
Naglakad ako patungo sa island table sa kitchen at kinuha ang bowl ko na may lamang ramen at dinala ko iyon sa living room, saka ko binuhay ang TV.
"Unang beses ito na kusang nagpainterview ang isang EXO member, anong masasabi mo dun, Mr. Park?" tanong ng host.
"Marami po talagang exceptional circumstances na pwedeng mangyari pagdating sa love," sagot ni Channie. Ahhh. Nasa interview pala siya ngayon, pero parang wala naman siyang nasabi sa schedule niya ngayon tungkol dito.
"Sabagay, at dahil gagawin mo ito para sa kanya, nandito ba siya ngayon?"
"W-Wala po, ssiguradong hindi niya magugustuhan ito." Sino ba iyong tinutukoy niya? At bakit parang ang seryoso niya?
"Pero nasa TV tayo, makikita niya pa rin naman ito. Hindi ka ba natatakot na baka ibash kayo ng fans dahil dito?"
"Hindi naman po siguro importante pa kung ano ang sasabihin ng iba tungkol samin basta alam naming magkasama namin itong susuungin diba?" Hindi na mahakaga ang sasabihin ng iba? Magkasama? Parang nasabi niya na sakin iyon ah.
"Pero ikaw lang ang may balak na gawin ito, ibig sabihin magpapatuloy pa rin siya sa industriyang ito?" Ipinakita ang reaksyon ng mga audience at parang bangag din sila sa mga naririnig nila ngayon. May umiiyak, at may masama ang tingin na parang papatay.
"Depende po sa kung anong gusto niya, hindi ko naman po siya pipiliting gayahin ang desisyon ko." Sino ba kasi "siya?" At ano bang desisyon ang pinagsasasabi niya?
Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pinagsasasabi niya. Pinakatingnan ko ang screen, at presto! Isang subtitle ang nagflash: Chanyeol decides to retire from showbiz!

BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...