Chapter 27

646 34 7
                                    

[A/N]: Maniniwala ba kayo kung sabihin ko sa inyong 3 chapters na lang at magtatapos na ito?

---------------

M I N Z Y

"Yeah! Let's party hard everyone!" sigaw ni Dara unnie at itinaas ang Cass beer na hawak niya at naghiyawan naman ang mga tao sa bar.

Napa-facepalm na lang ako sa pinaggagawa niya. Lasing na talaga siya. Ewan ko kung anong nangyari dyan. Kanina nung pinagbuksan ko siya ng pinto sa bahay, ginawa niya ang himala. Huwag kayong ano, hindi ako lesbiana. Nag-aya lang naman siyang pumunta kami rito sa bar. Himala iyon. Kung hindi niyo alam, health conscious iyan si unnie.

"Dara unnie! Lasing ka na eh!" saway ko pero parang wala lang siyang narinig kaya kinawit ko na ang braso niya para ayain siyang umuwi. "Halika na, ihahatid na kita."

"Enebe, Minzshi!" Jumeje pa oh! "Ang aga pa!" Pumiglas siya mula sa pakakahawak ko at napabuntong-hininga na lang ako.

"Oo na, basta umupo ka dyan unnie!" sabi ko at umayos naman siya kaya lumingon na sana ako para kausapin ulit si CL unnie tungkol sa bago niyang ilalabas na album pero nagsalita na naman siya.

"Minszhi-yah!" sabi niya at tinapik pa ang braso ko.

"Oh ano na naman unnie?" tanong ko at nilingon siya pero parang hindi sapat kaya hinila pa niya ako para magkaharap kami. "Aish, asan na ba si CL unnie? Iniwan pa ko kasama nitong pasaway na noona." Pabulong lang ang pakakasabi ko nun pero narinig yata niya.

"Pati ba naman ikaw? *hik* Gagaguhin mo rin *hik* ako gaya ng *hik* ginawa ng shinayupak na iyon?" Napanganga naman ako. Si Chanyeol oppa ba ang tinutukoy niya? Nag-away ba sila? Pero pero parang imposible. Hindi siya magagawang saktan nun, patay na patay sa kanya eh. "Ay mali, gagagahin pala kasi babae ka." Anjuju. Kinorek pa sarili niya oh. "Mas maganda ba talaga siya sakin? O sadyang magaling siyang lumandi?" Jusko, pinagsasabi nito, buti na lang nasa bar kami exclusive for YG artists kundi lagot.

Tiningnan ko siya nang mabuti, parang mahirap nga ang pinagdadaanan niya. "Unnie, ano ba kasi talagang problema? Sabihin mo sakin, makikinig ako."

"Tinanong niya ko kung *hik* ano sa tingin ko ang nagustuhan niya sakin *hik* nagkasundo naman kami na hindi nakadepende sa kung *hik* ano mang parte ang love. Sweet pa nga namin eh." Napatahimik nalang ako at pinatapos ang sinasabi nya. Parang wala naman kasing problema dun eh. Ano kaya iyong kasunod na talagang naging dahilan ng pagkakaganito niya?  "Pero *hik* may tumawag lang sa telepono namin kaya nawala ako sa paningin niya *hik* tapos pagbalik ko, nakapatong na sa kanya iyong hitad na iyon *hik* na walng pantaas. Ang saya no? BWAHHAHAHAHAHAHHAHAHA!" Tumawa siya ng parang walang poreber. Napa-facepalm na lang tuloy ulit ako. Lasing na talaga siya.

Parang bipolar, bigla namang naiyak. "Ang shaket, Minzszhi. Ang shaket-shaket. Bilhan mo ko ng painkiller." At nagulat ako nang bigla niyang isubsob sa dibdib ko ang mukha niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapansing nakatulog na siya. Problema ko ngayon kung paano kami uuwi. Tsk. Dala ni unnie ang sasakyannya, dun kami sumakay kanina, kaso hindi ako marunong magdrive.

"Bakit kasi hindi nalang ako ang mahalin ni Dara noona?" tanong bigla ng isang ugok na laging nantitrip kay Dara unnie. "Kaya ko siyang dalhin sa la-aray naman!"

Binatukan kasi ni GD oppa. Cool talaga! Hihi. "Uy, TOP, makasalita ka dyan, akala mo hindi ko alam ang walang habas na pambababae mo, hindi ka nababagay sa kanya!"

Ngumisi naman nang makahulugan ang isa pang bigla na lang sumulpot na si Taeyang oppa. "Bakit kayo, bagay? Hmmm.."

"Bish please! Ako ang bagay kay Dara noona no!" singit din ni Seungri oppa.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon