[A/N]: Epilogue na lang. Sino pa nagbabasa nito? Sabihin niyo na lahat ng kahilingan niyo. Pag naipost ko na kasi ang Epilogue ay bubuuin ko na ang isip ko sa kung anong isusunod ko rito sa book 2.
Hindi ako dapat mag-aupdate ngayon dahil pabalik-balik pa rin ang lagnat ko pero hayaan na. Ang kulit kasi ni GelilLOuNoble haha. Peace yow! Sabi mo nga nabitin ka sa Chapter 14, so eto na yung kasunod. Enjoy!A N T I F A N
Nakausap ko na si nanay kahapon..sa phone. At nagulat talaga ko kung paano niya nalaman ang number ko. Gusto ko mang ibaba iyon ay hindi ko maitatanggi na namiss ko siya. Kahit talaga gaano kasama ang ginawa ng isang tao, kapag magulang mo, hindi mo pa rin matitiis.
Flashback On
"Sorry anak, alam kong marami kong ginawa na ikinahirap ng buhay at kalooban mo. Please, bumalik ka na sa bahay. Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo."
Bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Iyo na iyong pinakahihintay ko, na maalala ako ng nanay ko at maisip niya kung ano ang mga pagkakamali niya at gustuhin niyang ayusin ang lahat ng gulo na ginawa niya.
"S-Sige po nay, l-lahat naman po tayo nagkakamali. S-Susubukan ko pong patawarin ka."
"Salamat, anak! Maraming salamat!" Narinig ko pa ang paghikbi niya sa galak sa kabilang linya habang sinasabi iyon.
"S-Saan niyo po pala nakuha ang number ko?"
"Sa gwapong binata na kasama mo sa bahay, nakita ko kasi sa TV iyong tungkol sa inyo. Kayo na ba?"
Napailing ako kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. "Sa panaginip ko na lang po mangyayari iyon."
"Aba bakit naman? Maganda naman ang anak ko ah."
Natawa ako ng mapait. "May asawa na siya nay. Halatang hindi kayo updated sa KPOP ah."
"Ay ganun ba anak? Pasensya ka na.." Long pause.
Narinig kong may pumaradang sasakyan sa labas kaya napatayo agad ako sa kama ko. "Itetext na lang po kita, dumating na kasi siya. Magpapaalam lang ko."
Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil sa paggawa ng effort ng nanay ko para makita uli ako. Lungkot dahil iiwan ko na si bias.
Hindi ko na naisip pang buksan ang ilaw at tinakbo ang distansya namin ni bias. Niyakap ko ang nakatayo niyang pigura sa pinto at hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Nag-aalangang napaganti siya ng yakap. "Dara, umiiyak ka ba?" Malas nga naman oh, inakala niya pang ako ang asawa niya. Wala talaga kong binatbat dun. Lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Pareho pa kaming nagulat ng biglang bumukas ang ilaw at nilingon ko kung saan nakatingin si bias na parang nakakita ng multo. Si Sandara!
Flashback Off
Ang mga sumunod na nangyari? Nag-away lang naman ang mag-asawa dahil sakin..na naman. Pero iyon ang unang pagkakataon na pinagsisihan ko na ako ang dahilan.
Hindi ko inakala na dahil sakin ay maaaksidente ang kababayan ko. Oo nga at sikat siya at siya ang pinili ng bias ko kaya kinaiinggitan ko siya ng husto, pero pareho pa rin kami ng pinanggalingan at mali pa rin ako. Dahil sumisira ako ng magandang samahan ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...