S A N D A R A
It's been a long tiring day. Naubos na naman ang oras ko buong araw sa photoshoots, commercials, guestings at variety show. Dito na siguro ko tatanda, pero masaya naman ako sa ginagawa ko.
Katatapos lang ng taping namin sa Sugarman at masaya akong sinalubong ng kamember ko sa backstage ng venue. "Bomie?"
"Para ka namang nakakita ng alien, wala dito si V uy." Ano namang kinalaman nun dito?
"Lukaret. Dumadalas yata ang pagpayag ni YG appa na lumabas ka." Inaamin ko na, dismayado ako dahil hindi si Channie ang sumalubong sakin dito. Akala ko nga susunduin niya ko ngayon, but he never texted so I guess there's nothing to expect. Nakalimutan niya na ba?
"Ayaw mo?" She pouted. Aigoo~ kyeopta!! Hindi talaga halata na si Bom unnie ang pinakamatanda sa amin sa 2NE1.
"Hindi naman sa ganun Bomie, kaso.." Natigilan ako nang may makita kong bouquet sa mesa sa gilid niya. "Teka, totoo ba tong nakikita ko? You have flowers Bomie! Tell me, who's the lucky guy? Nawala ka lang saglit, ganyan na ha..Ayiii."
"Silly Dara-yah, may nagpapabigay nito sayo." She got a rose from the table and gave it to me.
"Jinja?" Hindi ko napigilang amuyin iyon after she gave it to me Buti pa iyong nagbigay nito, sweet. Samantalang iyong boyfriend ko, hindi man lang ako maalala sa anniversary namin. "But I have a boyfriend.." mahinang pakakasabi ko.
"Hindi kumbinsido iyong sentido mo, halos maging isa na lang ang kilay mo." Pinagtawanan niya pa ko.
"Aish! Kanino ba kasi to galing?" asar na sabi ko.
"Basahin mo kaya iyong card," she smirked playfully which make me irk to shake him like there's no tomorrow but I stopped when I saw the card's message.
Happy 1 year apart noona! Ibig sabihin isang taon na rin kayo ni Chanyeol, tama?
-GD
Loko. Naisip pa niyang gawin to. Kaiyak.
"Dara, bakit ka umiiyak?" tanong ni Bomie na naging dahilan para salatin ko ang namamasa kong pisngi.
"Bomie naman kasi... bakit niyo ba ko pinagtitripan ha? Alam mong nung isang araw pa ko nag-eexpect ng kung ano mula kay Chanyeol, pero wala eh, tapos ito pa ginawa niyo." Tuloy-tuloy ako sa pag-iyak sa sobrang inis sa kanila at sa sarili ko. Bakit nga ba kasi ako umaasa? Lasang tanga.
Sinamahan ako ni Bomie pauwi. Tahimik lang kami sa daan dahil mukhang busy siya sa cellphone niya habang ako naman, bisy sa pagdadrive. Parang wala nga akong kasama eh. Nakakalungkot lang lalo.
Pagdating namin sa bahay, wala dun si Chanyeol. Tumungo ako sa kitchen para manlamig este magpalamig. Kumuha ko ng cold water sa refrigerator saka bumalik sa sala. Wala kasi akong ganang kumain.
Teka, asan na si Bom? Pambihira naman oh. Nagpasama nga ako para hindi ako magdrama rito at ayokong mafeel ang pagiging alone tapos mawawala naman siya. Siguro tinawagan iyon ni YG appa. Pasaway kasi, laging lumalabas. Ilang beses na rin siyang nakunan ng video ng fans na sumasakay at lumalabas ng kotse niya.
Medyo napapapikit na ko sa sobrang pagod habang nakakawit sa backside ng couch ang dalawa kong braso ng bigla akong makarinig ng malakas na sigaw. "Darong-ah!! Akyat ka dito sa rooftop! Ppali!" Teka, si Bomie iyon ah? Paano niya nalaman ang paakyat dun? Don't tell me na nandun sila ni Chanyeol at nag...tataksil siya sakin? No!!!
"Yah! Sandali! Bakit ka nandyan?" Nagmamadali ako sa pag-akyat sa hagdan.
"Nagbabarbecue kami noona!" Si Kyungie ba iyon? Grabe, close na talaga sila. Sila na ang masaya! Hmft.
![](https://img.wattpad.com/cover/52524985-288-k477830.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanficNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...