[A/N]: Kim Taehyung of BTS and Sandara Park in multimedia.
C H A N Y E O L
[SECRET MISSION: Visit your wife at her workplace and ask her out on a date after her duties. Act convincingly sweet but natural, like a busy couple who just have little time to spend together.]
May pasecret-secret mission pang nalalaman eh alam ko naman na ang gustong palabasin na epekto nito sa viewers eh namiss naming mag-asawa ang isa't-isa. Pero sabagay, hindi ko na nakausap nang maayos si Dara noona kahapon pagkatapos nung nangyaring kaguluhan sa set. Kumusta na kaya siya?
Pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon rito sa YG Building pero yae na, kailangan kong makarating sa headquarters ng 2ne1.
EXO member?
Siya iyong virtual husband ni Dara noona sa
WGM diba?
Anong sadya nyan dito?
Hindi ano, sino..
Si Dara noona?
Pwede na silang pumalit kay Madam Auring. Aish, kailangan ko ng makita si Dara noona dahil baka may magsabi sa kanya na andito ako. Hindi na magiging surprise ang pagpunta ko. Secret mission nga diba? Saka wala talaga siyang alam tungkol dito.
Kinakabahan ako. Paano kung hindi siya pumayag? Ay ang nega ko na.
Saktong ipipihit ko pa lang sana ang pinto ng room na may nakalagay na signage na 2ne1 Queens kaso naunahan ako ng isang babaeng papalabas na may hawak na mais. "Bom noona!"
"Oh Chanyeol! Bakit andito ka? Wala si Dara.. In fairness ha, galing niyo sa We Got Married, parang totoong mag-asawa kayo eh!"
"Huh?" Napanganga ako dahil hindi ko naman ineexpect na nanonood pala siya. Aish, nakakahiya. "Teka, wala si Dara noona?
Pano na iyong date?" mahinang bulong ko. Nakaka-disappoint. Nakasunod pa naman sakin ang ilang staff ng WGM.
"Date?!"
"Ah wala noona, nagkamali ka lang siguro ng dinig," sabi ko at sumenyas sa mga tao sa likod ko na wala dun si Dara noona.
Nagsilabasan naman sila agad.
"Paano iyan? Mapapagalitan tayo ni direk, papunta pa lang siya eh, tapos hindi rin pala matutuloy ang shooting dito. Nagpaalam naman kami ng maayos kay Mr. YG," sabi nung isang staff.
"Oo nga, nakalimutan sigurong iinform si Dara noona.." sabi ko naman.
"Hoy, so ano ako? Iiignore niyo na lang, ganon? Ano ba talagang problema? Ha?" singit ni Bom noona.
"Eh Bom noona, pano kasi...pano ko ba to ipapaliwanag?"
"Ya, wag ka ngang kabahan Chanyeol ah, ako lang to okay? Wala si Dara, kaya kumalma ka. Okay, start explaining."
"May secret mission kasi ako sa WGM." Ipinakita ko sa kanya iyong sulat na laman ng mission envelope.
Nanlaki ang mata at bibig niya at nakita ko na may mga laman pang corn na hindi pa nangunguya. Kadiri. "Lagot! Hindi ko naman kasi alam na may work pala ang taong iyon ngayon, sabi niya kanina, wala eh. Pero bakit ba kasi may pasecret-secret pa? Naibugaw ko tuloy ng wala sa oras iyong asawa mo!" Totoo kaya iyong rumor na nagdadrugs to? Ibinugaw raw oh. What?
"Ibinugaw??"
"Sorry talaga, nakaabala pa tuloy sa timeframe ng shooting niyo.." Hinila niya ko para medyo makalayo kami sa staff at saka siya nagsalita ulit. "Gusto ko kasing tulungan si Darong na magmove-on, pumayag din naman siya sa suggestion ko kaya iyon, inihatid ko siya para makipagmeet dun sa sinet up ko na date niya."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...