Chapter 11

477 26 22
                                    

[A/N]: One chapter and an epilogue and we're done na sana kaso naisip ko na marami pa palang kailangang mangyari kaya naisip ko na iextend, pero hindi ito magtitwenty chaps pramis. Sabi ko naman sa inyo eh, maikli lang itong Book 2. Haha. Magpapapoll uli ako at sana naman may sumagot na this time. Huehue. Laging inaamag eh. Di kasi peymus si owtor. Haha.

Ano ng gusto niyong gawin ko pag natapos ito?

A. Book 3 (Yung may anak naman daw sila. Di pa kayo nagsasawa? Haha.)
B. Side story ng ibang characters (Di niyo ba napapansin na homohokage din yung iba?)
C. I'm Your Killer naman. (Napag-iwanan na iyon eh. Haha.)
D. 2NEXO ROOMMATE
E. Love story namin ni Sehun este ni Sehun lang pala. (Pfft. Hahaha.)

This chapter is dedicated to Yodanism. <3

A N T I F A N

"Kit, pinabibigay ng isang lalakeng nakablack face mask at hoodie kanina. Sayo daw iyan." Napatingin ako dun sa box na iniabot sakin ni Aileen. "Eto pa pala oh." Isang makapal na envelope na may nakalagay na numbers ang sunod na ibinigay niya at tumango na lang ako.

"20001-50000? Ano naman kaya ito?" Nagtatakang binuksan ko ang box at presto creams!

"Ang daming tickets! Sinong bumili ng ganyan karaming tickets para sayo?" usyuso ni Aileen na hindi pala umalis sa tabi ko.

"Ah, hindi ko rin alam eh." Pero sa loob ko parang alam ko na kung sino.

Isinara ko uli iyon at binuksan ang envelope at may sulat dun.

This is my form of help. I bought the tickets from 20001-50000. Sorry, there are 20000 purchases which were made earlier than mine so I was not able to buy it all.

-KTH

Sira talaga iyon. Nag-abala pa talaga siya. Pinaayusan niya na nga ako sa salon para magmukhang tao naman daw ako tapos ginawa niya pa ito. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Kakakilala pa lang namin tapos ang dami niya ng nagawa para sakin. Eh ako?

"And the winner is..." Nandito kami ngayon sa raffle draw event kung saan malalaman naming kung dino sa aming dalawa ang nanalo. Kapag nanalo ako, titiyakin kong wala nang kawala sa akin si bias.

"None other than..." Leche flan na taga-announce to ng main prize winner, ang daming knows. Puro pasuspense.

"Number 30114!" Punyemas na yan. Sino ba iyon?

114 lang ang sakin huhu. Talo na ba? 30000 ang gap ng nanalong ticket sa ticket ko.

"Kit, diba sayo iyon?" ungot ni Aileen.

"Ha? 114 lang sakin eh."

"Hindi dyan sa binili mo, dun sa binigay sayo."

Namilog bigla ang mata ko. "Oo nga!"

"Anyone who got the ticket and is present here?"

I hurriedly raised my hand and walked forward with the box on hand. Tinutulungan pa ko ni Aileen sa pagdadala nun. This is it! Thanks Taehyung oppa! This is a blessing. Ang swerte ko naman ngayong 2016.

FLASHBACK ON

Hindi agad makaimik si V oppa na parang may malalin na iniisip pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat-lahat, pati na ang usapan namin ng buto't balat na babae ng bias ko. "Magsalita ka naman oppa! Kanina pa ko nagmomonologue dito eh."

Tumingin siya sakin at napailing. "You keep doing complicated things huh?"

"Ako pa ba oppa? Tigasin to. Ah ang ibig kong sabihin, nagkataon lang na napa-oo ako sa babaeng iyon. Ayoko naman kasing isipin niya na mahina ako. Hindi ako magpapatalo sa kanya no!"

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon