Chapter 6

554 32 11
                                    

[A/N]: At dahil bagyo ako, magulo isip ko ngayon. I have to say this is the worst plot ever! Pero try ko pa rin ayusin haha.


S A N D A R A

Finally! The moment has come! This is...

EXO's CONCERT IN THE PHILIPPINES!!!!!

Well, supposed to be. Ang hindi alam ng mga fans ay may bonggang sorpresa kami sa kanila. Oo, kami. Kasama ang 2NE1. Base sa SNS survey ay mas maraming Blackjacks dito kumpara sa ibang bansa kaya sana matuwa sila mamaya sa inihanda namin.

"Ayos ka lang ba dito wifey?"

Tumango ako kay Yeol. Nasa backstage kami at malapit na siyang lumabas para magperform. "A little nervous, pero keri."

"Keri?"

"Kaya," pagbibigay ko sa kanya ng meaning nun. Mulhang kailangan ko na siyang turuan ng Filipino colloquial words sa susunod. "Umm, hubby, baka maiwan ka nila dito sa backstage."

"Ano naman? Kasama naman kita," pagmamatigas ng ulo nito. "Wifey, mahal kita." And he kissed my hand dahil hindi raw pwede sa mukha dahil masisira ang make-up ko.

"Kung wala lang masisirang make-up, kukurutin na kita. Ang kulit mo." Naka-make-up din kasi siya.

"Mahal mo naman."

"Oo na. At nga pala, pag binati mo ang fans, sabihin mo mahal ko kayong lahat."

"Akala ko mahal kita?" he asked with arched brows. Minsan talaga ang lakas nitong magpakilig, kahit unconscious.

Pero kailangan kong itama ang madalas niyang mali when talking in Filipino onscreen. "Singular iyong kita, all of you ang ibig sabihin ng kayong lahat."

Tumango lang naman siya and I take it as he understand. "Parang all of me lang pala," ngingiti-ngiti pang sabi niya.

"Pumunta ka na dun. Magwawala ang fans mo, sige ka," sabi ko sa kanya at mabuti naman ay sinunod niya.

"Buti naman at lumabas na iyon. Hindi pwedeng ang Happy Virus ang huling lumabas sa stage no," ayon kay Bom na katatapos lang ayusan ng make-up at hairstyle at nasa tabi ko na pala para tingnan ang make-up ko. "Buti hindi ka kiniss sa mukha. Que damage sana." Humagikhik pa siya. Pinandilatan ko na lang siya ng mata. Buti na lang at tuyo na ang false eyelashes ko.

"Nae, pero buti talaga tumakbo na pafrontstage si Chanyeol oppa para kasabay niya lang iyong iba. Halatado kung hindi." May point si Minzy. Baka isipin pa ng crowd na may tinatago ang EXO dito sa backstage. Wala dapat maging clue sa surprise namin. #CAPITALSURPRISE

"Hello Philippines!" Showing his infamous cheekbones, sinimulan na ni Chen ang pagbati sa mga fans na nanonood.

"Nakakatuwa ang troll na iyan. Labas lagi ang kayamanan," biro ni Bom na humahagikhik na naman. Hyper?

"Nae, mabuti na lang at live nating napapanood dito sa backstage ang performance nila, unnie," nakangiti namang sabi ni Minzy na inaayusan pa ng buhok gaya ko.

"Sana iupload ito sa V app mamaya para mapanood ko ang replay ng perf natin," ayon naman kay Bom.

Wala namang salita mula kay CL dahil nilalagyan pa lang siya ng make-up.

"Mahal ko kayong lahat!" alingawngaw ng isang malalim na boses lalake at malakas na sigawan ng fans ang sumunod.

"Woah! Nagtagalog siya, unnie~" Minzy giggled like a fangirl.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon