C H A N Y E O L
Pagkagising ko, 2:10 am pa lang ng madaling araw. Ang ganda naman ng view ko. Nakatulog pala kami pareho suot pa ang wedding attire namin. Ang cute! Makapagselfie nga.
Teka bago ako maligo hindi naman siguro masamang halikan ko siya diba? Total naman kami na este... ehem kasal na kami. Asawa ko na ang nag-iisang vampire godess ng Korea! It’s a dream come true! Mamatay kayo sa inggit, other fanboys! Tatawa-tawa ako habang pumipili ng magandang angle para iupload ko sa Instagram.
Matapos ang ilang saglit na pagfafanboy ko sa asawa ko ay napatingin ulit ako sa gawi niya at nakita ko na ang sarap niyang matulog habang yakap-yakap iyong unan na pink, disney princesses ang design. Yae na kung nakakabakla, basta masaya siya dyan.
Grabe! Bakit ako kinikilig sa simpleng pagtaas-baba ng dibdib niya hudyat na humihinga pa siya?
Lumapit ako ng kaunti sa mukha niya. Ang bango. Hindi naman siya magigising kaagad diba? Mabilis lang naman 'to.
*Chup*
Waahh!! Hinalikan ko siya! Isa pa!!
*Chup*
Last na to...
*Chup*
Pramis last na talaga to...
*Chup*
Sa iba naman... Ah! Dito sa cheeks.
*Chup*
Sa nose...
*Chup*
Sa forehead...
*Chup*
Pramis last na last na to, sa lips...
*Chup*
Tsk, para akong tanga dito...
*Chup*
Maliligo na ko. Ay, mas mabuti palang magluto muna ako. Tanggalin ko na lang ang tux ko para walang sagabal. Haha.
*Chup*
S A N D A R A
Bakit ganun? Pagkagising ko, feeling ko minassacre itong mukha ko ng laway.
Kinapa-kapa ko iyong left side ko kaso hindi ko makapa iyong abs ni Chanyeol, kaya dumilat ako at nakita ko siyang nagsasaing ng kanin ng naka-apron lang. Take note, naka-apron LANG.
OoO "Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!"
Agad siyang lumapit sakin para alamin kung ano ang nangyari. "Bakit Dara? May masakit ba sayo? May ipis ba sa higaan? May hindi ka ba nagustuhan dito sa special chamber na ipinagawa ko?"
“H-Hindi n-naman iyon eh. B-Bakit wala kang damit?!” tanong ko habang tinatakpan iyong dalawa kong mata kaso nga, dahil malapit na siya sakin ay iyong lumuluwang dibdib, toned abs and muscled arms naman niya ang nakikita ko ngayon. Ano ba namang apron iyan? Parang pang-kids size. Pati iyong..nevermind, I won't look down!
“Ah, maliligo na sana ako kaso naisipan ko munang lutuan ka," he sweetly said to me while putting rice on the plate. Tiningnan niya ko at saka niya lang nahalata na nagtatakip ako ng mga mata kaya agad siyang napatingin sa sarili niya. Mukhang na-gets niya naman kung ano ang dahilan at namula rin siya at nagtatakbo papuntang banyo dala ang nahablot niyang damit sa tabi.
Napanganga na lang ako dahil sa nangyari. Aigoo~ Pareho lang kami ng naging reaksyon kanina. Ibig bang sabihin nun, pareho kaming-?
Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano, salamat sa pagbabalik ni Chanyeol sa harap ko at nakadamit na siya nung panloob niya sa suit na suot niya sa kasal namin kahapon. “Siguraduhin mo lang na simot mo lahat yan. Maliligo lang ako,” sabi niya sakin sabay halik sa noo ko. Loko iyan, iyon lang ang sasabihin niya? Sana naligo na siya ng tuluyan pagpasok niya kanina dun sa banyo.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
Fiksi PenggemarNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...