Chapter 8

563 22 11
                                    

[A/N]: Gusto niyo ng ChanDara BS? Wala dito, wag excited. Haha. Natanong ko lang. Okay lang kung ayaw niyo. Pabor sakin yun, mababawasan ang susulatin ko. Haha. Point of view ng antagonist ang chapter na ito. Nasa inyo na lang kung babasahin niyo, pero advisable basahin para maintindihan niyo ang mga susunod na mangyayari. Kung ayaw niyo, edi wow.

A N T I F A N

"Lumayas ka ditong babae ka! Ang pangit mo! Di kayo bagay ni Yeol! Bumalik ka na sa Korea! Minsan na lang sila pumunta dito, sinundan mo pa! Malandi ka talaga! Di ka welcome dito sa Pilipinas! Kaya wag ka nang babalik dito! Iwanan mo na rin si Yeol! Hindi talaga kayo bagay! Tandaan mo yan!"

Mali ata ang ginawa ko. As in mali. MALING MALI. Napasobra ata sa lakas ang bunganga ko. Tumigil ang music. Natahimik ang lahat. Nakatingin sa akin ang buong EXO na may question mark ang mata. Syempre tagalog yun. Hindi nila naintindihan. Etong si Dara lang ang nakaintindi at halatang gulat na gulat sa sinabi ko. Nakatingin sakin ang lahat. Ano ba tong nagawa ko? Patay ako nito.

"TAKBO NA!" sigaw ng isang misteryosong lalake na naka-hideous jacket, cap at black shades. Mukhang holdaper ampeg juice ko Lord.

Sinugod ako ng mga fans pero nahila agad ako nung lalake at tumakbo kami palabas ng Arena. Feeling ko superhero ko siya sa mga oras na iyon. Sobrang bilis ng takbo namin. Hawak niya ang kamay ko at nakita kong sumusunod pa rin sa amin yung mga nanggagalaiti na fans. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko eh?

Huminto kami nung wala nang fans ang sumusunod sa amin. Nakalabas na kami ng mall at umupo kami sa bench dun sa park.

Naghahabol pa kami ng hininga nang magsalita siya. "Why did you do it? Stupid." Tanga naman talaga ako eh. Tanga na kung tanga pero mahal- teka ibang story pala iyon.

"I-I know, t-thanks." Nakayuko lang ako sa sobrang kahihiyan.

"Look at me if you're talking to me," sabi niya na walang pagbabago sa inis sa tono ng pananalita niya.

Iniharap ko ang mukha ko sa kanya at nag-iba ang itsura niya nang makita niya akong umiiyak. Oo, naiyak na ko. Nakaka-guilty iyong ginawa ko. Dapat pinigil ko tong feels ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako galit na galit sa Chandara. Selos ba iyon? Normal lang bang magselos ako? Hay. Sasaeng fan nga pala ako kaya para sakin, normal na lang iyon. Hayy. "S-Sorry.. Alam ko. Hindi ko dapat ginawa yun kaso..." Di ko alam kung bakit pero bigla akong nahilo, unti-unting nanlabo ang paningin ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

"What? Hey.."

Nakita ko pa na sinalo ako ng lalake at nagtanggal siya ng cap at isinuot iyon sakin pati na ang shades niya. Bakas ang pag-aalala sa gwapong mukha niya na ngayon ko lang nasilayan. Pamilyar sakin ang mukha niya. May sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon maintindihan.

Wala na akong alam. Naging black na ang lahat.

"Okay lang siya. Nagkaroon lang ng maliit na sugat sa ulo niya at nawalan siya ng malay dahil sa lakas ng impact," narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Ganun po ba? Sige po, salamat," sagot ng isa pang lalaki.

Siguro doctor iyong unang lalaki. Hindi ko pa rin idinidilat ang mata ko pero ramdam ko na ang pagsakit ng ulo ko. Dahil siguro sa sugat na sinabi nung lalaki. Ako siguro iyong tinutukoy niyang may sugat sa ulo. Pero bakit ganun, pati tiyan ko masakit din? Teka, paano ba ako nagkasugat sa noo ko? Ang alam ko lang nanood ako ng EXO Concert tapos..

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Kaliwang mata lang muna para tignan kung sino ang kasama ko sa kwarto kung saan ako nakahiga ngayon. Walang tao sa kaliwa ko. Idinilat ko naman ang kanang mata ko. Imbis na kanang mata lang, naimulat ko ang malaking dalawang mata ko. Malaki talaga, parang si D.O.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon