[A/N]: Park Chanyeol of EXO in multimedia.
C H A N Y E O L
Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit at lalabas sana ako para tingnan kung dumating na ang pinakahihintay ko. Bubuksan ko na sana iyong pinto pero may nauna sakin kaya binati ko na lang siya. "Dara noona, welcome home!"
"Chanyeol!!!!??? Anong ginagawa mo rito?"
I sweetly smiled at her upon hearing what she wants to know. Kahit sa ganitong paraan lang, sana maging concerned siya sa akin. "Sinabi ko naman sayo na ayokong magtapos ang lahat sa atin ng ganun na lang diba? I won't allow us to be strangers again after our casting in We Got Married."
Napangiwi naman siya sa isinagot ko. "Ang itinatanong ko, bakit nandito ka? Paano ka nakapasok?" naniningkit ang matang tanong niya. May pagka-tigre talaga to eh no?
"Nung sinabi ko sa owner na dito na rin ako titira kasama ka, binigyan niya agad ako ng susi. Naisip ko na magiging mahirap para sating magkita ulit pagkatapos nung palabas natin kaya andito ko ngayon. Tutal solo mo naman tong unit, don't worry, I'll pay half of the rent," I assured her. Malawak naman kasi ang inooccupy niyang unit at sapat naman ang space para samin. Parang sobra pa nga.
"Whatever, I'm sleeping," walang ganang sabi niya at naglakad na patungo sa kanyang silid. Ekis ka na naman Chanyeol. Mukhang si couch ang kabonding ko ngayong gabi. T_T Bakit ko ba kasi inunang galitin siya kesa itanong kung saan iyong guest room?
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Halos hindi rin nga ako nakatulog sa sobrang excitement at feels ko. Hindi pa rin talaga ko makapaniwala na sa iisang unit na kami nakatira ni Dara noona. Medyo nagiging mainitin ang ulo niyan ngayon pero ayos lang sakin iyon. Alam ko namang biglaan ang pang-iintrude ko sa personal life niya. Pero sabi nga ni Tao, kung nasa EXO pa si duizhang hyung, malamang he wil tell me to be a man. Kaya ko to.
Nakapagluto na ako at nakapaghanda ng mga gagamitin mamaya sa trabaho, pero kabababa lang ni Dara noona. Sakto naman na may naisip akong moment namin habang naglalagay ako ng shaving cream sa harap ng salamin. "Dara noona, inihanda ko na iyong tubig sa bath tub pero.. pwede bang mamaya ka na maligo?" Natigil naman siya sa pag-uunat mid-air habang napapaangat ang kilay kaya sinabi ko na kung ano ang kailangan ko. "Pwede mo ba kong tulungang magshave?
He snorted. Nevertheless, her answer made me more hopeful. "Basta huwag lang sa kilikili."
Natawa naman ako sa tinuran niya. "Syempre hindi. Dito lang sa balbas at bigote, ang pangit kasing tingnan na may mga tumutubo na," mabilis kong pagpapaliwanag. Is there even a chance na pagbigyan niya ko?
Nagulat pa ko nang tuluyan siyang lumapit at kinuha ang pangshave mula sa kamay ko. "Sige na nga, akin na yang shave."
Ayuuuuun!!! Pumayag siya!! Ang galing ko talaga. "Ayusin mo Dara noona para hindi ka matusok pag magkikiss tayo.. aww!!!" Ikaw ba naman magalusan sa ilalim ng panga, sa taas na bahagi ng leeg. Tsh. Hapdi.
"S-sorry! Ang galaw mo kasi!" Ako pa talaga ang magalaw eh siya kaya ang bigla na lang dumulas iyong kamay.
"Hindi ah! Siguro sinadya mo kasi pikon ka?" I teased her.
"Aish, ewan!" pagdadabog niya. Akala ko nagback out na siya pero may kinuha lang pala siya sa kwarto niya habang tinapos ko ang pagshishave. "O ayan, gamitin mo pantakip dyan," nguso niya sa leeg ko nang ibato ang isang multi-colored band-aid. Okay...concerned naman pala siya. Yiii.
Ang bagal kong magmove-on sa moment naming iyon kahit pareho na kaming nakaligo at nakabihis. Huwag kayong ano, hindi kami nagsabay. Aish.
Inaayos ko na lang ang necktie ko at mukhang fail pa kaya tumulong na siya. "Ang lame mo talaga. Sinong nag-aayos nito sayo pag may shoot kayo?"
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
Fiksi PenggemarNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
