Chapter 7

584 34 8
                                        

[A/N]: Dedicated to my two favorite authors of EXO ROYAL OTP FFs---> xiuminista and ChanHunsBae
Ipromote ko na rin sila. Haha. My dear readers (kung meron man haha), basahin niyo po ang works nila guys. You won't regret, pramissss.. Ang ganda kasi, unique, maraming twists and turns, consistent ang plot at excellent ang format kaya hindi kayo mahihilo basahin. I'm sure magugustuhan niyo. Iyon lang. Sibat na ko ah. Pyong!

S A N D A R A

"Wala namang kasalanan si oppa, unnie.." pag-oopen ni Minzy ng usapan.

Si Bomie naman ang lumapit at hinarap ako ng nakapameywang. "Oo nga, bakit ayaw mo siyang kausapin? Mamaya pumatol talaga iyon sa anti-fan mo."

"Anti-fan?" clueless na tanong ng maknae namin na naka-dapa sa kama.

"Someone who dislikes something, generally a creative work, fictional character, or in Dara's case, a person, but is still interested in it, devoting time to mocking or criticizing it," mahabang paliwanag ng bored na bored na si CL na nakasandal ang tagiliran sa headboard at nakadekwatro habang nakatuon sa phone niya.

"Ahhh.." napapatangong sabi ni Minzy.

"In short, walang magawa sa mundo," Bomie concluded. "Talagang nagsasayang siya ng oras para lang sirain ang ChanDara ha? Baka mamaya nyan madala si Chanyeol. Naku huwag naman sana." Nag-sign of the cross pa ito na parang ewan.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. "Tingin niyo gagawin niya iyon?"

"Oo, kaya ipagpatuloy mo pa iyang pagka-krung krung mo. Tingnan na lang natin kung sinong iiyak sa bandang huli." Ang sama nito sakin ni Bomie. Huehue. Kaibigan nga naman.

Tumayo ako at nagsuot ng disguise.

"Oh san ka pupunta, unnie?" tanong ni Minzy.

"You know where, and don't call me Oh, I'm Mrs. Park." I winked at her.

"Yah! Krungkrung ka talaga! Anong sasabihin namin pagdating ni manager?" ayon naman kay Bomie. Oo nga pala, darating iyon para pag-usapan namin ang nangyari sa concert. Ay naku.

"Problema ba iyon? Sabihin mo sa kanya ang totoo," nakasmirk na sabi ko at iniwan na muna sila sa suite namin para hanapin si Chanyeol sa suite nila. Siguradong nandun lang iyon. Malakas ang kutob ko. Hindi naman kasi kaming lahat lumalabas masyado pagkatapos ng nangyari kanina sa naunsyaming concert.

Hoy! Si Sandara Park iyon diba?

Siya nga!

Uwaaa! Lagot! May nakakilala sakin! Pano kung kasamahan sila nung babaeng nagwala kanina sa concert? Kinakabahan ako.

Wala siyang kasama!

Binilisan ko ang paglalakad dahil sa mga narinig ko at lalo akong kinabahan.

Asan si Chanyeol?

Chance na natin to!

Harangin natin!

Akala ko madali lang hanapin siya. Akala ko lang pala. Iyon ang huling naisip ko ng simulan nila kong saktan.

C H A N Y E O L

"Anong plano mo ngayon hyung?" nag-aalalang tanong ni Sehun.

"Bahala na, sigurado namang magagawan to ng paraan ng management," sagot ko.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon