[A/N]: Mabel Yuan/Yuan Shanshan and Park Chanyeol in multimedia.
C H A N Y E O L
"Parang tense na tense ka sa set kanina ah?" Tiningnan ko ang nagsalita-si Yuan Shanshan aka Mabel Shanshan. Tapos, nagfocus ulit ako sa pagdadrive. Pinapahatid siya sakin ni direk, saka pumayag na rin ako, para na rin magkakilala kami ng maayos at maging komportable ako sa kanya kahit papaano. "Oops, did I hit the spot? Kinakabahan ka ba dahil second movie mo pa lang ito? Bago ka pa lang sa acting diba?" magiliw na pagtatanong niya.
"Hindi naman sa kinakabahan ako sa pag-arte noona, hindi ko lang talaga alam kung paano ko iaarte iyong role ko as a popular man who fell in love with an anti-fan," kalmadong sagot ko.
"Ah, kaya naman pala. Wala ka pang na-meet na hindi ka gusto? Is that what you are telling me?" cheerful pa ring tanong niya na parang hindi mauubusan ng tanong. Ang cute ng kakulitan niya, pero di ko type. Mas gusto at nasasabayan ko kasi ang trip ni Dara.
"Hindi sa ganun, noona. Unang-una, hindi ko naman pinapangalandakan na sikat ako. Pangalawa, hindi ko maimagine na magkagusto sa walang interes sakin." This role is really giving me a headache. Paano ko nga ba naman kasi maiimagine ang sarili ko na mainlove sa isang anti-fan? Ang hirap naman nun. Medyo nasanay akong tawaging pogi at sigawan ng I love you ng kahit sinong makakita sakin.
"Naku, pahumble ka pa sa una. Iyong ikalawa naman, nasasabi mo lang iyan, kasi gusto ka na ng taong gusto mo."
"Gusto na?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Eh diba dakilang fanboy ka lang dati ng girlfriend mo? Sinubaybayan ko iyong buong casting niyo sa We Got Married, pati behind the scenes at news tungkol sa inyo," may pagkumpas na pagkukwento niya. Hala, shipper din ba namin ito?
"Ang dami mong alam noona, pero nag-aalala talaga ko sa role ko, baka hindi ko magawa ng maayos.."
"Ano ba iyan? Ang nega mo naman. Kausapin mo kaya ang girlfriend mo, baka may maitulong siya. After all, fan ka niya noon. Eh siya? Fan mo ba siya?" Ito ang gusto ko kay Yuan noona eh, simple lang kung magsalita pero rock. May point siya. Baka nga matulungan ako ni Dara sa pag-figure out kung paano maisasagawa ng maayos ang role ko sa So I Married an Anti-Fan.
Nasa bahay kaya si Dara? Gaya ng sinabi ni Yuan noona, gusto ko siyang kausapin tungkol dito. Hindi ko na kasi alam kung paano iarte ito. Naguguluhan talaga ko. Siguro naman matutulungan niya ko, kasi nga wala siyang bias sa EXO diba?
"Sino ba ang bias mo sa KPOP?" tanong ko kay Dara kabang naka-pout. Syempre todo pacute ako para ako ang sabihin niya.
"Si Donghae!"
"Aish! Sabi ko na nga ba!"
"Ya! Bakit ba? Eh sa matagal ko ng idol iyon saka close friends kami. Gusto mo tawagan ko pa eh?"
"Huwag!!!" She gave me a puzzled look dahil sa naging reaksyon ko. "Ah, ang ibig kong sabihin, huwag ngayon kasi nag-uusap pa tayo.."
"Che! Ayaw mo pang amining nagseselos ka eh."
"Alam mo pala eh, kaya huwag ka ng magbabanggit ng pangalan ng ibang lalake kapag magkasama tayo, arasso? Pero seryoso, sino ang bias mo sa EXO?"
"Kakasabi mo lang na bawal magbanggit ng-"
"Aish, exception to, nagtanong ako. Ano sagot mo?"
"Oo. Sinagot na kita diba? Hahahaha. Oops, joke lang ulit. Bakit ba kasi ang seryoso mo ngayon? Okay, fine, sasabihin ko na kung sinong bias ko sa group niyo. Si..." Tumingala siya sa ceiling na parang nag-iisip ng malalim. Ang dali lang namang sabihing ako diba? Bakit pinag-isipan niya pa?
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
