Chapter 24

745 35 3
                                    

S A N D A R A

Tahimik lang kami habang papunta sa bahay. May bahay kami dito sa Philippines, for vacation purposes. Gabi na kaming dumating sa airport kaya madilim sa paligid. "Gusto kong makilala ang family mo" pala ha? Eh bakit parang kanina pa siya maiihi sa kaba dyan. He's fidgeting his fingers and tapping his lap a lot. Kinakagat niya pa ang lower lip niya oh. Ang cute niyang kabahan, sarap kurutin ang cheeks.

After a couple of minutes, nakarating na kami sa bahay.

Bumaba na ako ng kotse pero parang wala pa rin siya sa sarili sa loob ng kotse, kaya umamba ko sa pinto ng sasakyan at tumunghay sa kanya. "Sige, babye na. Thanks sa paghatid. Balik ka na sa Korea," biro ko at agad naman siyang napatingin sakin, seryoso pa rin.

Nagulat pa ko ng bigla siyang lumabas nang hindi man lang naisip na maitutulak ako dahil nga nakaamba ako sa pinto nung kotse. Kamuntik na kong madapa eh. Buti na lang, ninja ako. Pyong!

Teka, may mali. "Channie, alam mo ba kung san papunta ang bahay namin?"

Napalingon naman siya sakin at parang natauhan at umiling.

Natawa na lang ako at kinabig siya papunta sa kabilang direksyon. "Dito tayo." At hindi na rin naman siya umalma, pero dama ko ang lamig ng kamay niya.

Ilang bahay lang naman ang nilagpasan namin at nasa tapat na kami ng gate ng bahay ng pamilya namin. "D-Dara.." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Aigoo~ I really love this side of him, so cute and innocent.

"Channie, alam kong kinakabahan ka, don't worry, pareho lang tayo," pampalubag-loob ko sa kanya habangmagkahawak kami ng mga kamay.

"Tingin mo, magugustuhan kaya nila ko?" Hindi ko pa alam kung anong sasabihin nila, pero tingin ko naman, sana, maging maayos ang pagtanggap nila kay Chanyeol.

Nagulat na lang ako nung biglang may nagsalita na napapatawa pa na parang ewan. "Syempre kikilatisin ka muna namin no!"

Syet! "Durami??" Andito siya?! E diba may pasok siya sa university? I thought she's boarding in the city. Siya lang naman ang ikalawa saming tatlong magkakapatid. Bunso si Cheondung.

Lumabas siya ng gate at lumapit sakin para makipagsisterly hug. Omona~ ang laki niya na. Halos magkasintangkad na kami at figure ng katawan. "Namiss kita ate!" Impeyrness. Namiss ko rin ang babaeng ito. "Bakit pala gabi ka nang nakauwi? Alalang-alala na sayo si eomma at kanina pa walang imik si appa. Tss. Prepare your ears!" Bigla niya pang hinila ang tenga ko.

"Doorami naman e! Nanghila pa ng tenga! Iyong kanya na lang, mas malaki pa," turo ko sa tenga ng kabadong si Chanyeol. "Uy, kanina ka pa tameme, kapatid ko ito oh."

"Ah...sino ba sa inyo si Dara?"

Bigla namang napahagalpak si Durami. "De padrama drama pa kayo sa TV interview tapos namention na pareho kayo ng tinitirahan, pero hindi mo pa rin memorize ang mukha ni unnie."

Omo!!!! "Napanood niyo?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa narinig kong sinabi niya.

"Aba oo naman, anong tingin mo sakin, hindi updated? Eh dun ko nga nahalata na ang laki pala ng tenga niyang-"

"Durami," I gave her an eyeful. "Kuya mo iyan."

"Oh really? Eh mas matanda pa nga ang maknae nating si Cheondung sa kanya."

"Kahit na," sabi ko.

"Dara..okay lang naman," I heard Chanyeol say. Medyo kalmado na siya ngayon at nakangiti kahit tipid.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon