C H A N Y E O L
Si Dara na lang ang hinihintay namin dito sa office ni Mr. SM. Oo, tama kayo ng dinig, si Dara, ang asawa ko ang hinihintay namin. Ipinatawag siya ni sajangnim para sa isang importanteng bagay. Kami rin naman eh.
"Matagal pa ba siya? Gutom na ko.." ani Xiumin hyung.
"Same here, wala ba kayong corn dyan?" ayon naman kay Bom noona. At tama na naman kayo, nandito ang 2NE1 sa office ni sajangnim, kasama si Mr. YG.
"Konting tiis lang, mga tol," ani Suho hyung. Naku, nagpapaimpress lang iyan sa noonas. Closet fanboy iyan ng 2NE1 nuh.
"Tall talaga kami hyung, tiniith mo rin siguro ang Cherifer kaya ka ganyan? Peace!!"pag-a-eyesmile ni Sehun, the Th-default. Lagot siya mamaya, goodbye black card so goodbye bubble tea! Roommates kasi sila ni Suho hyung sa dorm at lagi siyang nililibre nito gamit ang card. Pero baka magbago na mamaya. Pasaway kasi.
"Umin hyung, ako na lang kainin mo~" sulsol ni Chen na parang tumira ng posporo.
"Byuntae!" Agad na sinapak ni Bacon si Chen.
"Ang hard mo sakin hyung~" Chen pouted but Bacon growled in frustration telling the former that pouting does not suit him.
"Nakakain ba ang camel?" tanong ni Lay hyung na biglang nakisali sa usapan. Hindi na siguro matigil ang curiousity sa pag-uusap ng iba.
"Naku, hindi mo nga alam kung camel ba talaga iyan o dinosaur sa disyerto," gatong ni Kai.
"Meron bang dinosaur sa disyerto?" tanong ulit ni Lay hyung. Ang inosente. Kyeopta.
"Wala hyung, pero negro tiyak meron dun." Sinamaan ito ng tingin ni Kai. "Nasunog sa-"
"Subukan mong ituloy at hindi ka kakain mamaya," ani Kyungsoo na naka-beastmode Satansoo kaya hindi na natuloy ni Chen ang kalokohan.
"Guys, nandito na raw si Dara unnie sa SM building," pagbibigay-alam ni Minzy na katatapos lang makipag-usap sa phone.
"Buti naman, magkikita na naman kami," sabi ng baddest female na kung pakikinggan mo ay parang di akma sa kanyang titulo.
"Yah, para namang di kayo nagkikita sa dorm," pang-aasar ni Bom noona.
"Waeyo? May angal ka ajumma?" ganti ni CL noona.
Sasagot pa sana si Bom noona nang biglang bumukas ang pinto. "Sorry, I'm late." Hingal pa siya.
"Annyeong, Dara noona!/ Dara!/ Darong!/ Dara unnie!" Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita kaming siyam na myembro ng EXO tanda ng pagkagulat, but her gaze softened when she saw her group.
Medyo alanganing nagbow siya. Hindi niya siguro inaasahang ganito karami ang naghintay sa kanya. "Annyeong! Sorry talaga at pinaghintay ko kayo. Kagagaling ko lang sa Penshoppe. They're pushing me to ask Yeol to pose for their products."
"Tutal nasabi mo na rin iyan, pag-uusapan muna namin iyan ni Mr. SM bago simulan ang meeting na ito," ayon kay Mr. YG.
"Bakit hindi natin sila payagan? Parang Bai Fern and Mario Maurer lang diba?" pagsasuggest ni SM sajangnim na parang nanalo sa Casino at nagiging dollars pa ang mata.
Napasapo naman ng ulo si Mr. YG. "Hindi porke mag-asawa na sila ay okay na magkadikit sa lahat ng projects. Baka mawala na ang thrill." May point si Mr. YG. Napaka-mature niya talagang CEO.
"Okay, nagsuggest lang naman ako," parang batang nareject sumama sa laro ng ibang-bata na sabi ni SM sajangnim.
"Dahil andito na rin sa wakas ang lahat, pag-usapan na natin ang main agenda. Kilala niyo na naman ang isa't-isa, tama?" tanong ni Mr. YG.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
