[A/N]: Happy Birthday to our November couple!
Park Chanyeol and Sandara Park
Keep inspiring us!
Kwon Jiyong and Kiko Mizuhara in multimedia.
--------------------------------------------------------------------------------
C H A N Y E O L
Pagbalik namin sa Korea ay agad naming inayos ang lahat ng papers sa housing agency, at ngayon ay araw na para lumipat kami sa bagong bahay namin ni Dara. "Bakit di na lang tayo kumuha ng katulong sa paglilipat para mas madali?"
"Hindi pwede! Hindi mo ba naisip kung gano ka-awkward pag hinawakan ng ibang tao ang mahahalagang gamit mo?" OA niya ha, pero kyeopta pa rin.
"Wala namang masyadong importante sa mga gamit ko. Oops, ano tong kahon na to?" May nakita kasi akong isang kahon mula sa kwarto niya na mabigat at parang punong-puno ng laman. Halos pumutok na nga sa sobrang dami ng laman at may nahulog pa kaya ibinaba ko.
"Wag mong bubuk-" sabi niya pero huli na dahil nabuksan ko na para ibalik iyong nahulog na magazine na siya ang..cover?
"What a treasure box!" I gasped.
"Aish, wag mo ng tingnan. Albums, movies, magazines at iba pang parapaphernalias ko iyan in the Philippines eh." Medyo namumula siya pero wala siyang magawa dahil may dala rin siya.
Buhat here, buhat there, buhat everywhere. Matapos ang medyo matagal na pag-aalsa-balutan namin at pagsakay ng mga iyon sa sasakyan naming dalawa ay natapos din kaming i-unoccupy at linisin ang apartment. Oo, sasakyan naming dalawa. Magdadrive kami nang hiwalay papunta sa lilipatan naming bahay. Iyon lang kasi ang naisip naming paraan para isahan lang ang paglilipat namin. Ayaw niya nga kasing may ibang hahawak ng mga gamit namin. Sweet. Iniisip niya ba na baka may kumuha ng brief-este valuables namin? At hingan kami ng ransom? Lul.
S A N D A R A
Nandito na kami sa bagong titirahan namin-bahay namin. Kyaaaah~ Kakilig. Pyong!
Nagulat pa kami dahil pagdating namin sa tarangkahan ay may nag-aabang samin. Hindi sasaeng ah. Secret lang kaya itong bago naming bahay.
"GD hyung.." Chanyeol trailed habang nakatingin dun sa unwanted este unexpected guest namin. Bwena mano eh. Hindi pa nga kami nakakapag-ayos.
"Jiyong, anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad sa nakaabang samin.
"Dahil bagong lipat kayo, at medyo kalakihan itong bahay niyo, siguradong mahihirapan kayong maglinis at mag-ayos ng mga gamit, kaya tutulungan namin kayo."
"Kayo?"
Tumango siya at bumaling ng tingin sa isang babae malapit samin. Luh? Bakit hindi ko agad siya nakita dun? Sabagay, mukha siyang extra. Ako na bitter.
Lumapit ako kay Jiyong para bumulong. "Salamat sa willingness mong tumulong, pero bakit nandito iyan?"
"Mapilit sumama eh," ayon kay Jiyong.
Tiningnan ko iyong babae at nakita ko siyang ngumiti kaya nginitian ko na lang din siya ng alanganin. "Parang di naman siya tutulong." Saan na ba kasi kayo nakakita ng tutulong sa pag-aayos ng mga gamit na naka-6 inches heels, hanging blouse at mini-skirt na halos kita na iyong pintuan ng langit tuwing tutuwad?
"Selos ka lang ata eh," pang-aasar niya sakin.
"Urur! Nakamove-on na ko sayo no."
"Hindi sakin," he said and pointwd himself to something, specifically to the two persons starting to unload Chanyeol's car. Pati ba naman si Chanyeol kakalantariin niya? At talagang sa harap ko pa? "Lapitan mo na kaya sila, kunin mo iyong atensyon ng sayo."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
