Chapter 4

644 35 6
                                        

S A N D A R A

"Saan galing ang mga iyan, Dara? May nagpadala na naman sayo?" tanong ng manager ko nang makita niya ko na may dala-dalang isang kahon na puno ng malilit na handmade na kabaong. Tas may red card pa mula sa kapanahunan ng F4 na may nakasulat na "You're Dead."

Wala kong ibang nagawa kundi ang tumango. Maya kasi may nakainstall pa palang spycam at kapag narinig nila kong naglabas ng hinanaing ko ay totohanin pa nila iyong nakasulat. Mabuti nang manahimik na lang. Sanay na rin naman kasi ako.

"Naku, hindi ka na talaga tinigilan ng mga iyan mula nung ipublicize niyo ang relationship niyo ni Chanyeol, no?" tanong ulit ng manager naming 2ne1 na parang interesado talagang marinig ang side ko kaya naisipan kong pagbigyan na siya.

"Ne, wala naman po akong magagawa kung ayaw talaga nila sakin para sa idolo nila," mahina kong sagot. Nakakahiya mang aminin pero kung gaano karami ang supporters namin ni Channie ay ganun din karami ang bashers ko, kesyo hindi raw kami bagay, kesyo ang tanda ko na raw para kay Channie, at ang weird ko pa.

"Naku, kaya ka siguro minahal ng bongga ng asawa mo, kasi ang bait-bait mo." Mabait raw ako, pero bakit iba ang tingin ng iba sakin?

Wala na naman akong pakialam kung ano pa ang sabihin nila tungkol sa akin,o pero nakakasakit din kasi. Bakit ba? Perpekto ba si Chanyeol? Diyos ba siya? Hari ba siya at alipin ako? Langit ba siya at lupa ako? Kahit langit at lupa nga nagtatagpo pag umuulan, kami pa kaya?

Wala namang perpektong tao diba? Lalo sa nagmamahal. Kahit gago iyan, kung mahal mo ipipilit mo pa ring may forever. Pero ano konek? Ang sakin lang, wala naman akong taong inapi o inargabyado, pero bakit maraming galit sakin?

Biglang nagbeep ang phone ko kaya tiningnan ko iyon after magtapon ng mga basura.

Wifey, I'm free tonight. Let's have dinner outside.

Text iyon ni Chanyeol. Bangag talaga. Pareho lang kami, hindi pa rin makapaniwala na nag-I do na kami sa harap ng Diyos.

Napangiti ako at nagreply.

Same here, hubby. I'll wait for you at home?

Tapos ang bilis ng reply niya.

No, susunduin kita.

Lakas talagang magpakilig ng isang 'to.

Pagdaan ko sa lobby ng YG building, nakasalubong ko ang Winner. Namiss raw nila ko at kung anu-ano pa, kesyo bihira na raw nila kong makabonding. Iba na raw talaga pag may asawa na. Tapos biglang napunta iyong usapan namin tungkol dun sa basura.

"Bilib na talaga ko sa hater mong iyan, noona. Napakacreative! Maisip niya ba namang gawan ka ng mini-atauls. Grabe!" ani Seunghoon.

"Ang tiyaga din niyang gumawa ng ganun karami para lang ibigay sayo ha? Kumuha kaya tayong lima tapos sabay-sabay tayong magpost sa Instagram para mathreaten din siya," sabi ni Seunghoon.

Sinang-ayunan naman ito ni Taehyun. "Ne, kahit babae pa siya, hindi kami magdadalawang isip na itama ang mali niya, noona."

Naalarma naman ako sa suggestion nila. "Huwag na, baka isipin pa niya na pati kayo, nilalandi ko."

"Matagal na rin iyong ginagawa ng sasaeng na iyon, noona! Buti nakakapagtimpi ka? Alam ba to ni Mr. Park?" seryosong tanong ni Jinwoo na kanina pa hindi nagsasalita.

"Hindi ko na lang sinasabi ang mga iyon sa kanya. Bata pa siya kaya minsan, hindi pa niya maiwasang magpadalos-dalos. Baka mag-overreact iyon, makarating na naman ito sa media tapos magpainterview na naman siya," mahabang paliwanag ko.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon