Chapter 18

821 36 4
                                    

[A/N]: Park Yoora, Park Chanyeol and their mom in multimedia.


C H A N Y E O L

"Noona gusto kang makita nina mommy at daddy.."

Akala ko magagalit si Dara noona sakin at hindi niya na ko papansinin pagkatapos ng paglalabas ko ng sama ng loob ko sa kanya pero heto kami ngayon at nag-uusap na tungkol sa pakikipagmeet sa parents ko.

"Sigurado ka ba na..okay lang na isama mo ko roon?" Kita niyo na? Parang siya pa nga ang excited makipagkita sa kanila.

"Oo naman, open-minded ang pamilya oo at maiintindihan nila tayo. Magiging maayos ang lahat." Excited din naman akong magkita-kita kami ng pamilya ko, pero iba ito kumpara sa normal na pakikipagmeet sa kanila. Balak ko na kasing ipakilala sa kanila si Dara noona.

"Ano bang dapat isuot ko dun? Saan nga iyon?" tanong ulit ni Dara noona.

"Sa Hawaii daw kami magkikita-kita, Dara noona, mukhang namiss talaga ko ni dad." Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-rami ng lugar at pwede rin namang sa bahay na lang kami magreunite ay sa Hawaii pa.

"Ah, Chanyeol.. Dara na lang." Lumundag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Ang buong akala ko ay poreber na akong dongsaeng niya at noona ko siya. "Iyong kapatid mo ba, kamukha mo?"

"Oo naman, babaeng version ko nga raw eh, pero maliit din siya kagaya-aww!" Batukan ba naman ako bigla? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Masama na bang maging honest? Haha.

"Kung kamukha mo siya, edi maganda siya kung ganun."

"Dara noona este Dara, para mo na ring sinabi na gwapo ako.."

"Wala kong sinabing ganun!"

Makalipas ang ilang linggo ay natapos na rin ang shooting at premiere ng Jang Soo Shop at dumating na nga ang araw na pinaghahandaan namin. Our flight to the designated place has been fine and we even met some fans in the airport. Nagtatanong sila kung ano raw ang plans namin sa byahe.

"Simple lang, we will enjoy ourselves in our trip. Nakakapagod din kung puro na lang trabaho ang iisipin namin. We need a diversion from time to time," I gave them a straightforward statement.

"Mr. Park, your agency has released a statement that you will not be able to join the SM Halloween Party because you will be meeting your parents. Is that true?"

"Ne, it has been too long so I think this is the right time."

"Is this a way of confirming that you are really dating and are planning for a marriage soon? Or simply just to make up for the misunderstandings?" tanong ng isa sa pinaka-eager sa bunch of reporters sa harap namin.

"We have always been fine, we don't have any misunderstandings in the first place."

"Pano po iyong tungkol kay Joy ng Red Velvet? At Kwon Jiyong ng Bigbang?" Tsh. Ang bilis talagang kumalat ng balita.

"They're our good friends, and they are doing fine too. We need to go," sabi ko at hinila ko na si Dara noona este Dara lang pala.

Hindi ko na sila hinayaang magtanong pa ng kung anu-ano kay Dara noona at baka magbago pa ang isip siya sa pagsama sakin sa pakikipagkita sa pamilya ko.

Pagdating namin sa villa ni dad sa beachhouse ay nagulat pa kami sa sobrang dami ng tao sa paligid at parang sobrang abala sila sa kung ano. Anong meron?

Napangiti kami nang makita ang papalapit na sina mom and dad. "Mom! Dad! I missed you!" I embraced my dad and kissed my mom's cheeks.

"We missed you too, anak, sino ba iyang magandang kasama mo? Ipakilala mo naman kami," nakangiti pa ring sabi ni mom pero napansin ko na medyo masama ang aura ni dad.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon