C H A N Y E O L
[Breaking News: Chandara Couple in WGM Dating in Real Life?
Yesterday, We Got Married stars Park Chanyeol of EXO and Sandara Park of 2NE1 are seen embracing each other in the front street of Bighit Entertainment. This made an uproar of the shippers and netizens in SNS, and a lot has been asking if the two are really an item. Their respective agencies, SM and YG has not yet released any statement regarding the issue.]
"Ano na naman itong ginawa mo Chanyeol?" ani Suho hyung na nakasapo sa ulo niya matapos panoorin ang balita sa TV tungkol sa amin ni Dara noona.
"Suho hyung naman eh, hindi ko naman sinasadya. Umiiyak siya nun kaya..hindi ko napigilang lumapit sa kanya at..yakapin siya.. gusto ko lang naman siyang icomfort.. Hindi ko naman napansin na maraming nakakita samin at di ko alam na ganito pala ang mangyayari. ano nang gagawin ko ngayon?" ungot ko habang pagulong-gulong sa couch naming ditto sa EXO dorm.
Ang bilis naman kasing kumalat nun! Bakit ba? Hindi ko man lang napansin na may nakavideo na pala samin. Ano ka ba Chanyeol, malamang kalye iyon kaya marami talagang makakakita sa inyo, maraming dumadaan. Aish. Nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na ang sarili ko eh. Nakakaiyak.
"Ya, Yoda, tigil-tigilan mo iyang kakabulahaw mo ng iyak, hindi pa patay si Dara noona, masyado kang excited," pang-aasar ni Bacon sakin kahit alam naman niya kung gaano ako kangarag sa mga nangyayari ngayon. Ano na ang mukhang ihaharap ko ngayon kay Dara noona? Kahiya.
"Baby smurf naman eeeehhhh, tulungan mo naman ako... Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa kung anong tingin sakin ngayon ni Dara noona..baka isipin niya na sinadya ko lahat kasi gusto ko talagang gumawa ng issue para magpapansin sa kanya.."
"Eh bakit, hindi ba totoo?" tanong ng inosente naming unicorn na si Lay hyung.
"Waaaaa~ paano na to?"
"Kung andito si Kris hyung ngayon, isa lang ang sasabihin nun." Ay panda! Nakakagulat naman kasi itong si Tao, bigla na lang nagsalita, eh akala ko wapake siya sa pinagdadaanan ko eh. Sabagay, Blackjack din iyan eh.
"Ano Tao? Anong sasabihin sana ni Kris hyung kung andito siya?" interesado kong tanong sa kanya. Baka naman makatulong diba? Si Kris hyung lang kasi ang alam kong malaki ang confidence sa sarili niya. Saka sa kanya ko madalas ishare noon ang feels ko para kay Dara noona, sa Mama at sa Gaon.
"Be a man." Nagtawanan naman bigla ang mga kasamahan namin dahil sa sinabi ni Tao.
"Chix ka pala tenga eh, bakit di kami nainform? May kamember pala kaming-aray!" Di natapos ang sasabihin ni Chen hyung dahil hinawakan siya ni Xiumin hyung ng mahigpit sa wrist. Xiuchen na ba this?
"Pero tama naman iyong sinabi ni Tao ge, diba?" tanong ni Lay hyung na parang nahuli na naman sa sibilisasyon dahil hindi niya nagets yung joke.
"I agree, malay mo tumalab," maikling sabi ni D.O hyung.
"As if naman may choice pa iyang si Yoda?" Baek.
Tama nga sila. Wala naman akong choice eh. Pag tinakasan ko ang issue, lalo lang lalaki iyon. Lalong magkakainteres ang mga fans na hulihin ako.
Dingdong! Dingdong!
"Ako na magbubukath!" masiglang sabi ni Sehun at nagmamadaling pumunta sa pinto. Hala? May inaasahan ba siyang bisita?
Medyo matagal din bago siya bumalik at napansin na iyon ng ilan. Siguro parents niya ang nasa labas kaya medyo matatagalan pa iyon.
"Sino ba iyan Sehun at ang tagal mong bumalik?" pagrereklamo ni Tao.
"Maglalaro pa tayo ng playsta-" pag-ngawa naman ni Bacon na natigil nang siya na mismo ang sumunod kay Sehun. "Direk hyung!? Manager hyung?! Chanyeol lagot ka! Nandito sina manager hyung at Direk hyung ng We Got Married!"
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanficNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
