S A N D A R A
Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto. "P-Pasok po kayo, madam, sir" Iyon na lang ang nasabi ko nang makarecover ako at napansin ko na kasama naman pala niya ang kanyang asawa.
Indimidating ang aura niya, gaya nung wedding ni Yura unnie. Nadala siguro ng height. May pinagmanahan si kapre. Kung hindi niya nga kasama ang asawa niya ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Why don't you call us Tito and Tita than just a vague-"
"Tawagin mo na lang kaming eomma at appa. I'll appreciate it," nakangiting pagputol ng babae sa sinasabi ng lalake. "C'mon, say it, huwag ka ng mahiya."
"S-Sige po, eomma," I looked at her as I welcomed them to the couch in the living room, before turning to look at her husband, "appa."
"Enough of introductions. Nandito kami dahil sa anak namin," sabi ni Mr. Park pagkaupo nilang mag-asawa sa couch sa tapat ko.
"Honey, you're scaring the hell out of her. Our baby won't like that. Gandahan mo naman ang pagpapaliwanag," sita ni Mrs. Park. Kelan pa naging baby si kapre? Giant iyon.
"Ah, kuha po muna ko ng maiinom niyo," paggawa ko sana ng excuse kahit lame, basta lang makaiwas sa tensyon.
"No, hindi rin kami magtatagal." His disapproval pinned me to my seat and I know this is serious.
Ano ba talagang ipinunta nila rito? Kinukutuban ako na tungkol ito sa recent misunderstanding namin ni Chanyeol pero baka nag-aassume lang ako. Wala akong amnesia para makalimutan kung paano niya ako tinawag na mukhang nanay.
"Hon.." Pinandilatan ni Mrs. Park si Mr. Park bago tumingin sakin with her warm smile. "Don't mind him, he's just shy to admit that he likes you. He realized it at our daughter's wedding. You still acted with respect even if he tried to send the two of you away."
"O-Okay po, t-thanks," nahihiya kong sabi at mahigpit na nakahawak ang mga kamay sa laylayan ng dress ko na napili ko sana para sa paglabas ko para magliwaliw dahil matagal ko na iyong hindi nagagawa.
"Don't mention it, and don't be so tensed. We won't eat you. We're just here to help you clear things with our son," she said with concern. "Truth is, this is the first time we've been hearing a lot from him."
Napatingin ako nang direkta sa mga mata ni Mrs. Park dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "Oh, I'm sure you don't know." She stood, and went near me, then sat beside me to pick the loose strands of my hair and tuck it behind my ear. "He's never been desperate for a girl, to call us first thing in the morning while sobbing and explaining everything to us."
"Ginawa niya po iyon?!" Hindi ko napigilang mapataas ang boses dahil sa impormasyong iyon. Did he really do that? Nagtakip ako ng bibig dahil sa nakakahiyang reaksyon ko.
Tumango lang si Mrs. Park bago magpatuloy. " Our son is a happy kid. He smiles a lot onscreen but not all of it are genuine. He usually keeps everything to himself. Even when two of their members in EXO are leaving, he just looked tired but he never showed us anything more. He never cried. He never talked to us. Baka alam mo rin na may isang member na namang aalis sa grupo nila. SM is just in denial." I began shaking, hard, and my tears started falling, hard, but she continued speaking. "Ilan lang ang mga iyon sa pinagdadaanan niya ngayon na nasabi niya samin kaninang umaga." Chanyeol never told me about his burdens. He's always the nice guy, the one who's always there for me. Napaka-insensitive ko, hindi ko man lang napansin na sobrang bigat na pala ng dinadala niya. Selfish din, dahil hindi ko man lang kinonsider ang nararamdaman niya bago ako magalit, dahil lang sa walang katuturang issue na iyon. "You are something, you know that? Dahil sayo, nag-open siya samin. Dahil sayo, he's finally allowing his real feelings to come out."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
