Chapter 14

1.1K 38 9
                                        

[A/N]: Chanyeol, baby Jackson and Sandara in multimedia.


S A N D A R A

"Well then, Mr. and Mrs. Park, let's start the shooting for your last episode." Medyo iba iyong impact sa akin nung Mr. and Mrs. Park, para kasing mag-asawa talaga kami, kahit hindi naman. Last na talaga ito, hindi pa rin ako makapaniwala na matatapos namin ito ng ganito, I mean, after all the drama and stuff. The staff, Chanyeol and I did a great job in making the viewers happy and it makes us satisfied. Malaki ang naging improvement ni Chanyeol dito sa show. Halos hindi ko na nga matukoy ang malaking age gap namin because he acts like he is of the same age as me.

[Script: Today's theme will be a married couple's first anniversary. There will be special guests tonight, but someone is going to come earlier than the others. You should first take care of him before the others come.]

"Di ko gets. Sino kaya iyon no? Sa tingin mo?" tanong ko kay Chanyeol na busy sa pagpapalambot ng karne sa kumukulong tubig.

"Hindi ko rin alam. Walang clue eh, maliban sa him. So lalake siya," sagot niya, "pero excited na ko sa pagdating niya. Sana madali lang pakisamahan, gaya nung iba.."

"Sorry kung hindi ka maka-relate nung dumalaw ang mga ka-agency ko, kasi naman, bakit walang taga-inyo na bumibisita?" sabi ko habang nagbabalat ng mga gulay at rekado. Parang pampyestahan yata itong inihahanda namin. Ang dami!

"Busy yata, pero don't worry wifey, mahal ka rin nila, mas mahal nga lang kita." He winked. Nice! Nagtagumpay na naman siyang pakiligin ako. "Tsaka masaya naman ako sa pagbisita ng mga taga-YG. I get to befriend them and I get to see your other sides in front of other people."

Natawa naman ako bigla sa sobrang cheesy niya. "Naku, bumibinggo ka na sa kasweetan, hubby. So lucky to have you."

"Uhu, uhuh!"

"Ya, okay ka lang?" tanong ko habang hinihimas ang likod niya dahil naubo siya habang tinitikman sana iyong karne kung ayos na ang timpla.

"T-Tubig.." Kumuha ako ng tubig sa ref at binigyan siya.

C H A N Y E O L

Minsan talaga parang nananadya ito si Dara noona eh, alam niya namang mahina ang resistance ko sa mga ganyang patwitams niya. Ikaw ba naman sabihan ng 'So lucky to have you' ng vampire goddess. Kakilig! Kinapa ko pa nga iyong puso ko kung nasa posisyon pa, lumundag kasi kanina. Okay, korni na.

"Okay ka na? May nasabi ba kong masama?"

"Ahh, kasi-"

Blaghsz! Bogszh!

"Hala, ano iyon?" gulat na tanong ni Dara noona at nagkatinginan kami at sabay na napatingin sa daan papunta sa pinto kung saan nanggaling iyong ingay. "Channie, baka may multo!" dagdag niya pa na agad na nakakapit sa braso ko.

"Walang multo Sandy, tingnan natin, baka iyon na iyong hinihintay nating bisita," natigilan pa ko nang ma-realize ko na nabanggit ko na ng parang wala lang ang palayaw niya na gusto kong itawag sa kanya.

"KJ naman, dapat nagpaka-hero ka na lang," bulong niya, pero parang hindi naman bulong dahil narinig ko pa rin.

"Haha. Don't pout wifey," sabi ko sa kanya at ginulo pa ang buhok niya pero hinawi naman niya ang kamay ko mula roon at nilagpasan ako papunta sa pinto. Medyo lumalakas na rin kasi iyong ingay sa labas. Aish, kung sino ka man, pabitin ka ng feels ko~.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon