[A/N]: Sandara Park and Park Sanghyun (Park siblings) in multimedia.
C H A N Y E O L
[Day 4: WGM House]
Pagpasok ni Sanghyun, hinatak agad siya ni Dara noona para umupo sa living room. She even forgot about me. Waa~ I'm not jealous. I'm fine.
"Ya, why are you here? Namiss mo ko? Kekeke~ Wala kayong practice? Or anything... Ya? Ba't antahimik mo?" Nasa gitna naming siya sa sofa. He's not speaking and I feel electricity coming from him. Na! Thunder, eh?
"Why didn't you tell me about this?" He's cold like an ice block and Dara noona looked shock. "Sana tinext mo 'ko or call me about this. Mukha akong tanga nung nabalitaan ko 'to," sagot niya pa.
Noona and I looked at each other. Mukhang di niya alam kung pano mag-eexplain.
"Ya, Sanghyun aegi..binura ko kasi number mo." Nanlaki naman ang mga mata ko. B-Binura? Pero kapatid niya iyon.
"Eh?" nagkasabay pa ang taking tanong naming ng kapatid niya.
"You're not replying!! And.. answering my call! Then binura ko... Eh..di ko memorized number mo, that's why." Ah! Naalala ko na. She even deleted the number of her co-artist before pag di sya nirereplyan. Kekeke~ Aegyo.
"Tsk? Noona naman," pagrereklamo pa rin ni Sanghyun. "At sino ba 'to? Bakit nakatabi pa sakin?" sabay tingin sakin.
Uh. Paano ba magrereact sa mga ganitong sitwasyon? "I'm her..husban-"
"Yeah whatever! Noona, namiss na kita, hays," pagyakap niya pa at pinanlisikan ako ng mata. "Nobody can be my noona's husband! Forever! Kahit mamatay pa ako."
Katakot naman. Siguro, kaya wala pang boyfriend si Dara noona. Ang higpit ng kapatid niya.
"Aww!" Piningot ni Dara noona si Sanghyun sa tenga at napangiwi ito. "Tama na, please. Noona naman!!!!!"
Nang mahinto, napahawak ito sa tainga.
"Don't be such a dogpoop, Sangyuna~ Masyado kang harsh sa kuya mo." What?
"Ya, hyung? Eh mas matanda pa ko dyan!" sigaw niya sakin. "Okay na sakin dati si hyung Ji-aray! Oo, di ko na sasabihin."
"Umuwi ka na, Thunder," cold na sabi ni Dara noona. Natakot din ako kasi mukha siyang malungkot.
Niyakap siya ni Sanghyun nang mahigpit. They're both sincere. "Okay, I'm sorry..uuwi na ko pero it doesn't mean, na payag na ko sa lalaking 'to, at sorry kung muntik ko ng mabanggit si.. Okay di na," pagsuko niya at tumayo na sila. Hinalikan niya sa noo si Dara noona. "Gusto kong sumaya ka na."
"Salamat."
Tuloy-tuloy na lumabas si Sanghyun at di nagpaalam sakin. Mukhang ayaw nga sakin.
Dingdong! Dingdong!
"May bisita uli?" takang tanong ni Dara noona. Nakita kong nagpahid siya ng luha. Bakit kaya?
"Akon a ang magbubukas." Tumakbo ako ng pinto at pagbukas ko, naestatwa ako. "Bigbang.." pabulong kong sabi.
"Hi! Papasok ah? Ako si Seungri. Hehe, tumabi ka at baka mahawa ka ng kagwapuhan ko," ani Seungri sunbaenim na sinunod ko naman at lumagpas siya sakin nang nakangiti. Nakakatuwa naman, may Jongdae rin pala sa kanila.
Tinapik naman ako sa balikat nina Daesun at Top sunbaenim bago pumasok.
"Pasensya na, may saltik talaga iyon, Taeyang nga pala," nakangiting sabi ni Taeyang sunbae bago tumuloy.
Naiwan kami ni GD sunbaenim, nakatitig siya sakin bago nagpakilala. "Jiyong..ikaw?"
"C-Chanyeol... sunbaenim.." Nauutal ako? WTF. Huhu. "Welcome po sa bahay namin."
"Namin, eh? Tsk," sabi niya pa bago ako lampasan.
Madami akong nakakalap dati na nadidikit ang pangalan niya kay Dara noona at nakakainggit iyon.
Mukha talagang maangas si GD sunbaenim pero ang astig ng pagkaangas niya.
Sinara ko ang pinto bago lumakad papasok ng sala kung saan nakaupo silang lahat. Magkatabi sina Dara noona at GD sunbaenim. Kaharap nila sina Seungri, TOP at Daesung sunbaenim na nakangiti sa kanila. Para saan?
Si Taeyang sunbaenim naman, baka nasa kitchen. May dala kasi silang food na napansin ko kanina.
Nang lumapit ako, tumayo si Dara noona na parang gulat. Kumapit siya sa braso ko nang mahigpit. "Uhh...guys, my husband, kilala niyo na no-"
"Hindi pa," ani GD sunbaenim na masama ang tingin, yata? O normal? Mahirap magcompare.
Natawa si Seungri sunbae na parang nakakaloko. Parang humigpit naman ang kamay ni Dara noona sa braso ko.
"Umm.. Park Chanyeol of EXO.." Dara noona introduced me.
"So? Anything else? Iyan lang ba ang alam mo noona sa asawa mo?" Napadiin yata ang noona at asawa? O feel ko lang?
"He likes..umm.." Kinakabahan ba si noona? Tanggap ko naman na hindi pa kami masyadong magkakilala, pero the way she talks now, iba eh. Kabado?
"Uh.. I think malalaman din naman niya iyon. Apat na araw pa lang naman kaming mag-asawa. Malamang nangangapa pa ang jagiya ko," pagpapaliwanag ko.
Mas lalong tumalim ang tingin ni GD sunbae sakin.
"Nakakatawa kayo! Kumain na nga kayo para gumwapo naman kayo," pagbasag ni Seungri sunbae sa katahimikan. Dumating na pala si Taeyang sunbae para sabihin okay na ang lahat sa dining area.
"Shut up, panda!" ani TOP sunbaenim na hindi umaapprove sa gwapo kunong si Seungri sunbae.
"Look at hyung, mukhang stiff! Halina kayo at umupo na rito, noona.." tawag ni Daesung sunbaenim na tumutulong na sa pag-aayos ng mga kubyertos sa mesa. Tinawag niya kong hyung? Derp alert!
Nagsilipat naman kami sa dining area at nagsiupo para kumain. Tahimik ang hapagkainan. GD sunbaenim never looked at his food or even took a glance for it. He looked pissed and defeated. Ewan kung bakit.
"Tahimik naman! Awoo! Awoo! Aray!" Binatukan ni Taeyang sunbaenim si Seungri sunbae. Pft, wag kang tatawa Chanyeol, magmumukha kang derp.
"Kumusta na..Darong?" ani GD sunbaenim.
"Address me with 'noona', Jiyong!" Napataas ang boses ni Dara noona, na nagging dahilan para matigilan ako-kami.
"Why? Diba nga, yobo pa tawagan natin dati? Anon a??!" sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I even heard a 'What?' sa gilid. I know the staff are also shocked.
"GD, please," pagsuko ni Dara noona. Napaka-defenseless niyang tingnan, kung tutuusin.
"Uwi na tayo, Jiyong," paghatak ni TOP sunbaenim rito. "Malala na ang ginawa mo, akala ko makakapagpigil ka."
"Tsk, let go of me. I'm not done yet here," sagot naman nito.
"Please, paki-cut nito," sabi ni Daesung sunbaenim na nakikipag-usap na sa staff. Napatango na lang ang mga 'to.
"Jiyong, please. Seunghyun, please naman, huwag naman dito," pakiusap ni noona.
Too much information, ugh. So Daragon is real? Before.
"Tsk! Fuck! Let go of me... fuck this member!!" pagsuko niya at nakalabas na sila habang hila-hila siya ng mga kasama.
Nakapatay na ang mga lente at tanging iyak lang ni Dara noona ang namamayani sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
