Chapter 10

1K 49 7
                                    

S A N D A R A

Tahimik, masyadong tahimik. Walang sinuman ang naglakas-loob na basagin ito. Isang tahimik na GD, natatarantang mga ka-member at namumulang mga mata ko, kaharap ng naghihilot ng ulo-si YG appa.

"What do you think you're doing, Jiyong?" tanong ng seryosong si Papa YG habang nakatingin dito ng diretso. Alam kong kinakabahan ang ibang members ng Bigbang para sa grupo nila.

"Uh, if you don't know, following my dreams," walang ganang tugon nito. "Why are you like that? Bakit napakaselfish mo?"

"Jiyong!" biglang pakli ni Seunghyun. "Nakakabastos ka na, respeto naman."

"De, totoo naman. Bakit iyong sa inyo ni Bom noona? Napigil din diba?"

"Shut up," sabi ni TOP.

"Because this man, sitting in front of us is selfish, sarili niya lang ang iniisipi niya." Nagkukuyom ng mga kamao si Jiyong.

"Hyung, tama na 'yan," Seungri insisted.

"Tapos ka na ba?" Katamtamang tinig pero may bahid ng pagkalungkot, iyan ang namamayani kay Papa YG. "Kasi kung tapos ka na, ako naman...pwede ba?"

"Tch," pagkairita ni Jiyong.

"Oo, pinagbawalan ko kayo, but not because I'm selfish..pero dahil mahal ko ang mga artist na meron ako," pagpapatuloy ni Papa YG. "Kung sakaling maging sour ang relationship ng sinumang dalawang artist sa pamilya natin, hindi ba't magkakaroon ng awkwardness tuwing magtitipon tayo, at marami pang issue ang pwedeng lumabas? Malaki ang risk para sa isang grupo kahit isang myembro lang ang magdala sa pagbagsak nito." Tama naman siya eh. "Ayokong mangyari sa inyo iyon. Gusto ko lahat tayo, pamilya ang turingan, hindi iyong tayo-tayo rin lang ang magsisiraan pagdating ng panahon dahil lang sa sad past na meron tayo. Kaya nga hinahayan ko kayong magkaroon ng relasyon sa iba." Sigh. "Pero hindi ang kapwa niyo kasamahan dito. Ayun lang ang hiling ko..napakahirap ba nun Jiyong?"

"Sajangnim, tama na po," pagpapanic ni Daesung sa maaaring kahantungan ng usapang ito.

Pero nakatingin pa rin si YG appa sa kausap. "Jiyong, sino satin? Sino ang selfish? Iyong taong isa lang ang iniisip o iyong taong iniisip ang kapakanan ng lahat? Iyong..taong handing isakripisyo ang career ng karamihan para sa isa lang.. Hindi ako iyon, Jiyong.. Ikaw.. Ikaw ang makasarili."

"Sajangnim, I'm sorry po. Please GD, tumigil ka na. We're cool, you and Kiko look good together," sabi ko habang nagpupunas ng luha.

Hinagod naman ni Taeyang ang likod ko para kumalma.

"This.. I will ask, Dara.." ani YG appa. "Sana sagutin mo, para matapos na."

"W-What is it?" tanong ko na naguguluhan.

"Mahal mo ba si Jiyong? Hand aka bang igive-up ang career niyo?" That question stabbed me. I can't let go of our dreams.

"D-Dara..please," pagsusumamo ni Jiyong.

"Let her think of it. Huwag mo siyang pilitin dahil naaawa siya sayo." Napamura na lang si GD, ang mga kamember niya naman ay nalulungkot para saming dalawa.

2ne1 and Bigbang as a senior in Kpop will become a mess pag nawala ang isa, especially sa part ng Bigbang. GD is the leader.

"Dara.. I'm waiting.." ani YG appa.

I'm crying a river, 'di makatingin kung saan man. Naguguluhan. May chance pa ba? Marami ng issue. CL having a solo debut, then Bom scandalized for using unauthorized drugs in Korea, kahit allowed naman ng doctor niya sa US. Tapos dagdag pa ko? Iyan ang iniisip ko ngayon. Ayokong maging pabigat.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon