C H A N Y E O L
Next time na lang. Canceled muna ang proposal ko.
Another day is ending
Without knowing what I've done
As someone else's someone
Fitting myself to another person, not me I live like this again
Forgetting what I'm good at
"Kanina pa tumutunog iyang cellphone mo, Park Chanyeol. Sige ka, baka mapaos iyan," biro ni Chen at tumunghay sakin mula sa likod ng couch para tingnan ang reaksyon ko.
I was once a girl who wanted to do many things
Now I'm just a small dot
Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone ko pero wala akong gananh kumilos para sagutin iyon. Nandito ko ngayon sa EXO dorm. Tulog na si Dara sa taas. Dito muna kami magpapagabi. Pumayag naman si Baekhyun na doon patulugin si Dara at doon na muna raw siya makikitulog sa kwarto nina Suho hyung at Sehun. Pustahan, gusto lang niyan makipagkulitan kay maknae.
"Wala ka bang balak sagutin iyan?" tanong naman ni Xiumin hyung na tumabi sakin. Aba napagkaisahan ako ng Xiuchen.
The tomorrow I dreamed of
Was not this tiring today
This isn't it The tomorrow I wished for and wished for
Was not the today I lost myself
I want to find myself now
Today
Umiling lang ako bilang sagot sa tanong ni Umin hyung.
"Oh heto baozi, pampawala ng badtrip," abot niya sakin ng baozi. "Alam kong nanghihinayang ka dahil napawalang saysay ang plano."
"Pero pwede niya namang ituloy iyon kanina diba?" tanong ni Chen.
"Chen, hindi makapal ang mukha ni Chanyeol gaya mo. Delicadeza na lang oh. Balita ko kahit sa Pilipinas uso ang salitang iyon. Kelan pa naging magandang magpropose sa babaeng mahal mo pakatapos na may nakita siyang babaeng naghahabol sayo at nabulyawan mo pa?" mahabang paliwanag ni Xiumin hyung.
"Tama ka, hyung. Iyon nga rin ang naisip ko kanina." Ngumiti ako ng matipid dahil sa pang-unawa niya.
"Oh, tumigil na iyong ring. Wala ka ba talagang balak tingnan kung sino iyong tumawag?" usisa ni Chen hyung.
"Baka si Soyou lang naman ito kaya.." Natigilan ako nang tuluyan kong makuha sa bulsa ko ang phone at nakita ang nakarehistrong numero sa screen. Nanlaki ang mga mata ko.
"Oh, ano? Si Soyou ba talaga?" tanong ni Xiumin hyung na inilingan ko.
Another day is ending
Muntik ko pang maihagis ang phone ko nang magring ulit ito. Nang makabawi ay sinagot ko na ang tawag at nag-excuse kanila hyung.
Pumunta ko sa labas at kinausap ang nasa kabilang linya. "Yoboseyo? Noona?"
"Parang hindi ka yata masaya na ako ang tumawag? Dahil ba may noona ka na dyan?" Tumawa pa ito ng nakakaloko matapos sabihin iyon.
"Naku hindi, noona! Dara na nga lang ang tawag ko sa kanya eh," pagrarason ko pero lalo lang siyang natawa. "Yah! Ano bang nakakatawa?"
"Wala naman. Tumawag nga pala ko para sabihing gusto ni dad na magtipon-tipon tayo sa bahay, kahit tayong apat lang ni mom sa bahay sa Christmas eve."
"Ah sige, masaya iyan! Sabihin mo kay dad na pupunta ako!"
"Ang bilis ah, pero kanina ang tagal bago mo sagutin ang tawag ko."
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)
FanfictionNagsimula ang lahat sa We Got Married. Nagkalapit. Nagkagalit. Nagkalapit ulit. Buong akala ng isang Sandara Park ay hindi na muling magkukrus ang landas nila ng isang Park Chanyeol matapos ang pagiging cast nila sa show na iyon. Hanggang isang araw...
