Chapter 12

524 26 46
                                        

[A/N]: POLL ULIT PERO PARA SA SUSUNOD NA CHAPTER LANG: Sino ang gusto niyong mapahamak?
A. Chanyeol
B. Dara

This chapter is dedicated to SpiderxJaja. <3

C H A N Y E O L

Umuwi kami ng EXO at 2NE1 sa Korea dahil hindi naging successful ang 2NEXO world tour concert. Saka na lang daw ulit kami magtry na gawin iyon sabi ng management at dismayado ng husto ang mga fans pero wala naman kaming magagawa. Hindi talaga ganoon kadaling magtagumpay para sa isang global collaboration project.

Nakapagdesisyon rin ang management na gawin munang foundation ang SBS 2NEXO Roommate para makapag-adjust ang fans sa 2NEXO collaboration.

Gaya ng napag-usapan, isinama namin si Ms. Kitty Rose Jimenez sa bahay namin sa Korea. Siguro kung nandito si Luhan hyung, itatanong niya kung bakit Kitty ang pangalan niya, kung ipinaglihi ba siya kay Hello Kitty o mahilig manood nun ang nanay niya nung pinagbubuntis ito at kung mahilig din ito sa Hello Kitty merch. Haha.

"Baba ka na po wifey~" Binuksan ko ang pinto ng sasakyan para sa kanya.

"Yah! Wag kang gumamit ng po dyan!" Hinampas niya ko sa braso. Ang lakas nun ah.

"Mianhe. Anong gusto mong lutuin ko ngayon?"

"Gusto ko ng-"

"Joeun junyukimnida! Ako ang magluluto ng dinner ngayon! What do you want to eat, yeobo?" Naku, ayan na naman siya. Nagkatinginan na lang kami ni Dara at nahalata kong naiinis na agad siya. Alam ko na naman kung ano ang mangyayari.

S A N D A R A

"Joeun junyukimnida! Ako ang magluluto ng dinner ngayon! What do you want to eat, yeobo?" ANG INGAY NG LUMABAS MULA SA BAHAY NAMIN! FEELINGERA NA NGA SIYA SA PAGGAMIT NG KOREAN GREETING FOR GOOD EVENING TAPOS ASSUMING PA SIYA NA YEOBO NIYA SI CHANYEOL! SPELL K-A-P-A-L!!! CAPS LOCK PARA INTENSE.

Nakikitira na nga lang siya dito, hindi niya pa maiwasang inisin ako sa loob lang ng isang araw. Kakarating pa lang nga namin at pagod na pagod talaga ko sa trabaho.

Pumasok na kami sa loob at siya pa talaga ang nagtatanggal ng coat ni Chanyeol habang hirap na hirap naman akong nagtatanggal ng boots at socks para maisuot ko na ang home slippers.

Halatang enjoy na enjoy ng bruha na alalayan ang asawa ko sa pagtanggal ng coat nito at slowmo pa bago tumanggi si Chanyeol na hawakan pa ang jacket niya at siya ng nagsabit nun sa sabitan nang makita ang reaksyon ko.

Hindi ko na talaga naiwasang sitahin ang babae. "Magkano?"

"Ha?" pagmamaang-maangan pa nito na parang santa.

"Magkano ang ibabayad ko sa pag-aasikaso mo sa asawa ko?" buong tanong ko.

"Kahit ibigay mo na lang siya sakin para hindi ka na gumastos." Ngumiti pa siya ng nakakaasar bago makipagsukatan ng tingin sakin.

"Yah! Don't fight!" Humarang na si Chanyeol sa pagitan namin. I'll just change my clothes. Dara, ikaw din."

"Nope, dito lang ako. I'll watch her cook. Baka may lason," pagmamatigas ko at kumuha ng chips mula sa ref para papakin. Ewan ko kung san ko nakuha ang pagiging sutil ngayon. Siguro dahil hindi ko talaga gusto ang tabas ng baba ng babaeng ito. #RIPbaba Excuse me muna dun sa dalawang veteran pagdating dyan ah.

"Okay." Umakyat kwarto na sa silid namin si Chanyeol para magpalit damit. Sumilip pa mula sa hagdan ang hitad na kaharap ko ngayon. Pambihira talaga.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon