Chapter 22

822 35 7
                                        

[A/N]: Park Sandara, Park Sanghyun, Park Durami and their mom in multimedia.


S A N D A R A

"Channie ano ba? Ugh~ sandali, stop! Sandali sabi eh!" atungal ko pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa at hinawakan pa ko sa braso para hindi ako makatakas. Ginawa ko naman ang lahat para makapalag.

Nung nakaalpas na ko sa kanya, pilit niya pa rin akong hinihila pabalik kaya sinipa ko siya sa panga. "Aray! Ayaw mo ba?"

"Kanina ka pa kasi eh! Wala ka bang trabaho ngayon? Kasi ako meron, at kailangan ko pang mag-ayos. Ilang araw na ba nating ginagawa to?"

"Ten days pa lang naman-"

"Nilalang mo pa! Ten days na!" I creased my brow. "Bago ako umalis o kada pag uwi ko, kinokoloretehan mo na ang mukha ko." Consolation ko na lang na imported iyong mga make-up na gamit niya, di ko nga lang alam kung san galing. Binili niya ba lahat iyan? Effort ah. "Alam mo namang mild lang ang make up na nilalagay ko. Hindi ka pa naman marunong."

"Eh kaya nga nagpapractice, para maperfect." Lumapit siya sakin para hawakan ang kamay ko kaya pareho na kaming nakaupo sa dulo ng kama niya. Oo, kama niya. "Gusto ko ako na officially ang magmake-up sayo sa susunod. Sinabi mong mahal mo ko diba? Kaya hahayaan mo kong gawin to."

Tumayo ako at pinalis ang kamay niya sa kamay ko. "Hindi ko magets kung anong konek ng pagmamahal sa pagmimake-up. Nag-apply ka bang make-up artist ko? Ang alam ko kasi, nagpropose ka bilang boyfroend ko. Magaling naman ang make up artists sa agency namin kaya bakit mo pa kailangang pag-aralan ang pagmimake-up sakin? Wag mong sabihing..." Kaiyak. Mali na naman ba ko ng taong minahal?

"Aniyo, Dara noona! Hindi ako bakla. Gusto ko lang namang matutong magmake-up kasi ayokong hinahawakan ka ng kung sinu-sinong make-up artist sa set." Nagpalakad-lakad ako sa harap niya habang sinasabi niya iyon.

Tumigil ako sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Channie naman..akala ko ba marami ka ng natutunan sa industriyang to? Eh immature ka pa pala eh. Kitang-kita na naman ang pagitan ng edad natin sa inaasta mo."

"Eh bakit? Masama bang i-exclude ang iba sa paghawak sa kung anong meron ako?" He held my waist and gently carressed me there.

I giggled to the ticklish tingle. "Ya, Channie, may kiliti ako dyan," pinandilatan ko siya ng mga mata.

Agad naman siyang bumitaw pero parang nalugi ang reaksyon niya. "So...okay lang sayo na kung sino-sino ang humahawak-"

Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. "Aigoo, ang kulit mo rin. Naisip mo ba na dati na kong pagod sa trabaho tapos pagdating ko rito isestress mo pa ang pores ko? Maawa ka naman sakin."

"Edi gawin nating every other day," he tried to resolve.

"Hindi adjustment of schedule ang hinihingi ko, Channie. Ang sinasabi ko lang, hindi ako manika na pwede mong kuhanin at paglaruan kung kelan mo gugustuhin. Kaya ka nasasabihang obsessed fanboy sa ilang fansites kasi ganyan ang ugali mo. Pareho lang tayong artista kaya dapat naiintindihan mo ko."

"Fine, sorry. Ako lang pala tong baliw na baliw sayo." Pagkasabi nun ay tumayo na siya at humiga sa sarili niyang kama.

Naglakad na ko paalis pero mabibigat ang hakbang ko. Napasobra ako eh. Nagtatampo tuloy siya. "Sa isang araw day, off ko."





C H A N Y E O L

Hindi ako naiintindihan ni Dara. Hindi niya alam ang pakiramdam ng matagal na naghintay para makuha ang gusto. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya dahil nagkatotoo iyong matagal kong pinangarap na mapasaakin ang idol ko.

Mr. and Mrs. Park (ChanDara FF COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon