Chapter 34
"Ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayoko ngang makipag-usap sa iyo! Hindi mo ba maintindihan iyon??!!"-niinis ako na naaasar na nagagalit. Bakit ba ang kulit niya? Hindi niya ba maintindihan na wala na kami? Hindi niya ba naiintindihan iyon?
"Aira... please... kausapin mo ako!"
"Ano ka ba Johann? Hindi ka ba makaintindi? Ayokong makipag usap sayo, ayoko ng makita ang pagmumuka mo!"-tumaas ang boses ko nun. Tumutulo na naman yung nga luha ko. Alm kong tumutulo ito dahil nagagalit ako hindi dahil sa naaapektuhan pa ako. Naiinis ako. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa akin ngayon. Nababanas ako! Kakatapos ko lang kay Melody kanina eh tapos ngayon siya naman? Arrrrgggg!!!
"Aira... please..let me explain. Hayaan mong magpaliwanag ako.!"
"Paliwanag? Anong ipapaliwanag mo Johann?! Wala! Wala ka ng dapat ipaliwanag! Malinaw na sakin na niloko mo ako. Niloko niyo ako ni Bea!"-hindi ko alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha itong si Johann eh. Gusto niya pang magpaliwanag eh kitang kita na naman ng dalawa kong mata ang kababuyang ginawa nila ni Bea.
"Aira, hindi mo ako naiintindihan eh! Hindi mo ako main---"
"Ang kapal naman ng mukha mo! Ako pa ngayon ang hindi makaintindi? Johann! Ano ba? Ano bang meron ka at ang kapal naman ng mukha mo?"-tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Nakita kong hinahampas ni johan yung noo niya ng kamay niya. Naiinis ako, kumukulo pa rin ang dugo ko hanggang ngayon! Gusto ko siyang sigaw sigawan! Wala siyang kuwenta.
"Aira naman oh! Pakinggan mo naman ako! Please..."-tapos bigla siyang lumuhod. Hindi ko alam pero hindi ako naaawa. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin kahit na lumuhod na siya. Alam kong nagiging masama na ako pero, hindi ko talaga kayang kausapin ang taong niloko at pinag mukha akong tanga.
"Aira... makinig ka. Makinig ka babe. Walang nangyari sa amin ni Bea."-paliwanag niya. Nakita ko rin na may luha ng pumapatak sa kaniyang mga mata.
"Ano??!! Walang nangyari sa inyo??!! Johann naman oh! Kitang kita ng dalawa kong mata na naka hubad kayo! Tapos walang nangyari? Hindi ako tanga johann. Hindi ako tanga!"-napasandal ako sa isang pader dahil hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya.
"Totoo lahat ng mga sinabi ko babe!"
"DONT CALL ME BABE!!"
"Babe naman oh!"
"I SAID DONT CALL ME BABE!!"
"Maniwala ka sa akin. Wala talagang nangyari sa amin ni Bea. Oo nakita mo kaming nakahubad pero T-shirt ko lang ang nahubad ko. Inakit niya ako Aira, at Oo naakit ako! Pero, nung hahalikan niya na ako. Umiwas ako. Umiwas ako kasi naalala kita. Naalala ko ang girlfriend ko. Hindi natuloy yung nangyari sa amin. Maniwala ka Aira please..."-paliwanag niya.
"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sayo. Hindi ko rin alam kung yung mga I love you mo sa akin dati ay totoo. Hindi ko na alam johann kung anong totoo sa mga sinasabi mo. Ayoko na johann. Umalis ka na please!"-hindi ko na talaga kaya. Sumasakit na yung ulo ko. Medyo nahihilo na ako. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak itong mga luha ko.
"Aira... please patawarin mo na ako. Alam kong nagkamali ako. Sorry Aira Sorry."-tumayo na siya at hinawakan ang mga kamay ko. Agad ko namang tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Mawawala ba ang lahat ng sakit na naramdaman ko sa isang sorry mo lang? Sa tingin mo ba, magiging maayos ang lahat sa isang sorry lang ha?"-medyo humina na yung boses ko dahil sumasama na ang pakiramdam ko.
"Alam kong hindi kayang maibalik ng sorry ko kung anong meron tayo dati. Pero alam kong mababawasan ang sakit na naramdaman mo kung tatanggapin mo ang sorry ko. Aira, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Hindi ako sanay na hindi kita nakikita araw-araw. Mahal na mahal kita Aira, please. Patawarin mo na ako."-tuloy tuloy rin ang pagpatak ng luha niya mula sa kaniyang mata. Nakikita ko na gusto niya talagang mapatawad ko siya. Pero hindi ko alam kung ano pang sasabihin at gagawin ko. Naguhuluhan na ako.
"Johann. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko nang magpatawad. Hindi ko alam kung magiging maayos uli tayo."-kumalma na ako. Tumigil na rin sa pagpatak ang luha ko.
"Hindi mo naman kailangang patawarin ako ngayon Aita eh. May panahon. Alam kong kailangan mo munang paghilumin ang sugat ng puso mo na ako ang may kagagawan. Alam kong mahirap pero tutulungan kita. Tutulungan kitang mapatawad mo ako."
"Hindi ko pa ata kayang patawarin ka Johann."-mahina at nakayukong sabi ko.
"Kaya nga tutulungan kita eh. "-Tapos hinawakan niya yung dalawa kong kamay.
"Tutulungan kita. Tutulungan kitang mapatawad mo ako at kapag dumating ang araw na iyon. Magsisimula uli tayo."
"Hindi maaari Johann. Hindi ko kayang magsimula ulit tayo. Hindi ko na kayang masaktan muli."-tinignan ko siya sa kanyang mata. Namumula na ito kakaiyak. Hawak niya pa rin ang mga kamay ko. Alam kong nagsisisi na siya sa nagawa niya pero hindi ko pa talaga siya kayang patawarin ngayon.
"Aira, please. Mahal na mahal pa rin kita. Magbabago na ako please! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Basta bumalik ka na sa akin. Aira.. please. Alam kong nag kamali ako pero kaya ko namang ituwid at itama ang lahat ng iyon eh. Gagawin ko ang la---"
"Kung mahal mo talaga ko. Papakawalan at hahayaan mo na ako."-mahina pero may diin na sabi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Agad-agad niya akong niyakap at doon. Umiyak siya ng umiyak. Hinayaan ko lang siyang umiiyak. Alam kong masakit pero ayon talaga ang tadhana namin.
"Hindi lang ako ang babae sa mundo. Hindi lang sa akin iikot ang buhay mo. Mapapatawad kita sa ginawa mo pero hindi pa ngayon. Darating din ang araw na makaka pag moved on ka na sa akin"-nakayakap parin siya sa akin at umiiyak pa rin. Niyakap ko na rin siya. Alam kong nabawasan ang galit ko sa kaniya. At alam ko rin na ito na ang huling yakap ko sa kaniya.
"Hihintayin ko ang kapatawaran mo Aira. Mag hihintay ako."-alam kong nasaktan siya pero alam ko rin na may dahilan ang lahat ng nararamdaman natin. Mayroong purpose kung bakit nasasaktan ang lahat ng tao. At alam ko rin na ang laging kasunod ng sakit ay ang ligaya.
"A...a. Aira??!!"-nakita ko na lang si Vincent na nakatingin sa amin. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap ni Johann sa akin.
"Vi...vince mali ka ng inaakala mo..."-hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang siyang tumakbo palayo sa amin.

BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
RomanceTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...