CHAPTER FORTY SIX :))

234 2 1
                                    

Chapter 46

"Hoy! Gising na tukmol!"

...

"Kulugo! Gumising ka na!"

...

"Kapag di ka pa gumising tae ka, sampal abot mo!"

...

"Isa! Pag bilang ko talaga ng tatlo ah!"

...

"Dalawa!!"

...

"Tatlo!!"

...

"Hindi ka talaga gigising ah!!"

...

"Araaayyyy!!!!"-bigla na lang akong napabangon sa kinahihigaan ko nung naramdaman ko ang unti-unting sakit sa pisngi ko. Shit! Ang lakas nun ah! Malilintikan talaga sa akin kung sino man yun! Bwisit! Ang sakit talaga!

"What the fuck!!! A-A--A..Aaron??!!"-nagulat na lang ako nung nakita ko si Aaron. Anong ginagawa niya rito? At bakit niya ako sinampal? Tinignan ko kung anong oras na at... PUTAKTE! 11:30 PM pa lang! Taenang Aaron to! Manggigising ng gabi. Panira ng tulog!

"Araaaaay!!"-sigaw niya nung bumawi ako ng sampal. Nainis na kasi ako eh. Panira talaga eh.

"Bakit mo ako sinampal? Are you gay?!"-dagdag pa niya habang hinihimas-himas ang pisngi niyang nasampal ko.

"Ulol! Gay mo mukha mo! Sino ba ang unang nanampal? Tsaka anong ginagawa mo rito ng ganito kagabi? Diba naghiwalay na tayo sa airport? Bakit ka nandito? Wag mong sabihing... stalker ka??!! Naku pare! May girlfriend na ako! At masayang-masaya kami sa isa't isa. Tsaka umamin ka nga? Bakla ka Aaron?"-mahabang litanya ko na napabuntong hininga na lang ako sa dulo. Haaaay. Hindi pa rin ako makapaniwala na bakla ang kaibigan ko. Pero kahit ano pa siya, tatanggapin ko siya ng buong buo. Kaso nga lang, hinding hindi na ako makakapayag na sumabay siya sa akin sa pagligo. Baka magkapatayan na pag ganon.

"Tss. Hoy tukmol! Naririnig mo ba yang pinag sasasabi mo? Bakla mo mukha mo!"-tumayo na siya sa kama ko at sabay labas ng kwarto ko. Hala? Guilty?

"Yung totoo nga Aaron! Bakla ka ba pare?!"-bigla akong tumayo sa higaan ko at sinundan ko siya. Kailangan kong malaman kung bakla nga ba talaga to.

"Ulol! Mamatay na bakla. Tsaka ano ba yang pinagsasasabi mo kulugo ka?! Bakla agad porke ba nanampal? Hindi ba pwedeng ginising lang kita dahil baka mamatay ka sa sarap ng tulog mo?!"-sarcastic na sabi niya.

"Ehhh. Bakit ka nandito? Stalker ka ba?"-pang-aasar ko pa.

"Tang ina pare! Ano bang nakain mo! Para kang inutil! Hindi ba pwedeng nakita ko lang si tito sa department store tapos tinanong ko kung asan ka kasi magkaibigan tayo diba? Taena ka Vince! Bumobobo ka na ata! Bakla talaga? Tsaka ako pa talaga ang pinaghinalaan mo na bakla ah? Ako talaga? Akong nakakagamit ng 3 condom sa isang araw?!"-umakma siya na susuntukin niya ako pero hindi niya tinuloy yun. Oo nga pala? Ganon na ba ako kabobo at hindi ko na kayang makita kung sino ang lalaki sa bakla? At tama nga si Aaron na bakit siya pa ang paghihinalaan ko? eh napakarami nga pala nitong babae sa buhay niya. Haaay. Anyare na sakin? Epekto ba 'tong kalungkutan ko kay Aira?

"Ahh! Kala ko bakla ka talaga eh!"-kala ko talaga may bakla na sa tropa eh. Hahaha

"Tang ina mo! Mamatay na bakla sa'tin no!"-teka? Nakakailang mura na tong tukmol na to ah?

"Sige pre! Una na ako. "-bigla niyang sabi sabay lakad palabas ng bahay namin. Loko? Aalis ba siya? Parang timang ang putek. Mang bubulabog tapos uuwi agad.

"Hoy! San ka pupunta?"-sigaw ko na ikinahinto ng paglalakad niya.

"Uuwi muna ako! Malapit lang bahay ko rito. Pupunta na lang uli ako rito mamaya. Ge! Bye!"-at tuluyan ng umalis ang tukmol. Loko talaga! Hindi na ako inaantok. Bwisit yan!

Haaay. Isang linggo na pala mula nung sinabi ko kay Aira na mawawalan muna kami ng communication sa isa't isa. At isang linggo na rin akong nalulungkot. Kamusta na kaya siya? Sana hindi siya malungkot. Pero onting tiis na lang. Onting tiis na lang talaga! Uuwi na ako sa Pilipinas. Third week ko na rito. Malapit na talaga. Pinaghuhusayan ko rin pala yung training ko rito dahil gusto ko talagang ako ang mapili sa try out ng sa ganon maging proud sa akin si papa at lalong lalo na si Aira pag-uwi ko. Bumalik na ulit ako sa kama ko. Haaay. Loko talaga si Aaron kahit kailan eh. Manggigising ng 11:30 PM. Baliw talaga.

11:53 PM na rito. I'm sure tanghali or hapon na sa pilipinas. Nadagdagan na naman ang araw. Ibig sabihin malapit na talaga akong umuwi. Malapit ko ng makita muli ang magandang mukha ng girlfriend ko. Malapit na talaga.

..BzzzzzZzzt...bzzzzzzt.

One message receive.

Kinuha ko yung cellphone ko dahil nakita kong may nagtext.

~*From:Cherry.

Hey Vince! Still awake?

Nilapag ko na lang ulit ang cellphone ko sa gilid ko. Haaaay. Isang linggo na rin pala mula nung nakilala ko si Cherry at isang linggo na rin pala akong minamalas. Ewan ko ba? Simula nung nakilala ko ang babaeng 'to. Minalas na ako. Literal! Minsan nauuntog ako sa pinto ng cr ko, minsan nadudulas na lang ako bigla. Ewan ko ba! Basta minalas talaga ako. At isa pa pala, simula nung pool party, lalo siyang mas naging baliw. Hindi ko maintindihan sa babaeng ito. Lagi ko namang sinasabi na may girlfriend na ako! Pero kakaiba siya eh. Sabi niya gagawin niya raw ang lahat maakit lang ako at mapaghiwalay kami ni Aira. Ako naman, syempre pilit na ipinaliwanag na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya. Pero kahit anong paliwanag ko, hindi siya nakikinig. Baliw talaga.

Tumayo muna ako sa kama ko para kumuha ng tubig pero biglang tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko naman agad iyon.

~*Today is Princess's Birthday.

Ay! 12:00 AM na pala. Nakalimutan kong birthday pala ni Princess ngayon. Kaya agad-agad akong nag text sa kaniya ng birthday greetings at sinabi ko na rin na hanggat maaari ay wag niya ng sabihin kay Aira na nag text ako kasi baka mag selos pa. Sinabi ko rin na yung gift pag uwi ko na lang. Wala pang 5 minutes, nag reply siya. Salamat daw at hindi ko siya nakalimutan. At makakaasa raw ako na hindi niya sasabihin kay Aira na nag text ako.

Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para tanungin kung kamusta na si Aira? Sabi naman niya ayos lang daw. Kaso di niya raw maiwasang malungkot dahil nga sa nami-miss niya ako. Haaay. Lalo tuloy na bumigat yung nararamdaman ko eh. Pero ganun naman pag nagmamahal diba? Hindi naman parating masaya, kasi kakambal ng saya ang lungkot. Hindi na nagtagal yung usapan namin dahil may aasikasuhin pa raw siya eh. Nagbilin na rin ako na kahit medyo busy siya, wag niya sanang pabayaang malungkot si Aira.

"Hey! Can we talk?"-natigil ang pag mumuni-muni ko nung narinig kong may nagsalita. Pag tingin ko, si papa lang pala.

"Sure!"-tipid na sabi ko. Naglakad na siya papunta sa akin at tsaka umupo sa kama ko.

"Vince.. mamaya, last game muna. Pag nanalo ka, matutupad mo na ang pangarap mo. Pero pag natalo ka, okay lang yun. Proud pa rin ako sayo. Goodluck my son"-tapos bigla niya akong niyakap. Pero sobrang saglitan lang. Tumayo na agad siya at naglakad na papaalis sa kwarto ko.

"Thanks pa!"-sabi ko na ikinahinto ng paglalakad niya. Nginitian niya lang ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na si papa ang nagsabi nun. Nakakataba lang talaga ng puso. Ang saya lang talaga. Alam ko kasing wala sa vocabulary words ni papa ang salitang "talo" eh. Pero kanina sabi niya kahit matalo raw ako, proud pa rin siya sa akin. Unexpected na saya talaga. Tapos nakaraan diba? Nag away kami tungkol rito. Sabi pa niya kapag natalo ako may parusa raw ako. Pero ngayon? Ang saya lang talaga. Iniiwasan ko pa naman na ma open ang topic na 'to eh. Na p-pressure kasi ako. Pero dahil sa sinabi ni papa kanina? Hindi na ako na p-pressure. Determinado... ayan ako ngayon. Gagawin ko ang lahat para lang manalo sa game ko mamaya.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon