CHAPTER FORTY SEVEN :))

202 2 0
                                    

Chapter 47

"Olrayt! Olrayt! Olrayt!! Kaya mo yan Vince! Yeah! Kayang kaya mo talaga yan! Kaw pa ba? Napaka gwapo mo kaya! Yeeeeaaahhh! Mananalo ka kasi napakagaling mo at napaka gwapo mo! Walang binatbat sayo ang makakalaban mo mamaya! Basta lagi mo lang iisipin na kapag nanalo ka na sa laban mo, tiyak! Makakausap mo na si Aira! Tama! Dahil tapos na ang game mo, tapos na rin ang pagtitiis mo! Makakausap mo na si Aira! Kaya gawin mo ang lahat para manalo ka ah? Okay ba yun?"-sabi ko sa harap ng salamin. Sa wakaaaaas! Ito na ang araw na pinaka hihintay ko! Ito na ang araw ng pagtatapos. Pagtatapos sa mahabang pagtitiis ko para hindi kausapin si Aira, at pagtatapos sa lahat ng hirap ko sa training ko. Kapag nanalo ako, maraming matutuwa. Pero pag talo naman, marami akong ma d-disappoint. Kailangan kong manalo at mananalo talaga ako! Oo! Mananalo ako ngayon.

"Parang timang na naman siya oh! Kinakausap ang sarili sa salamin."-medyo nagulat ako at napatingin bigla ako sa nagsalita at nakita ko na naman si Aaron. Kahit kailan talaga 'to eh! Panira talaga ng mood.

"Ano na namang ginagawa mo rito?!"-tapos bumalik ako ng tingin sa salamin at inayos ko na ang buhok ko.

"Ahhhh! May sasabihin lang ako Vince! Kailangan mo rin kasi tong malaman eh. Kanina ko lang din kasi nalaman ang katotohanang ito."-hindi ko alam kung seryoso ba talaga 'to eh. Oo! Seryoso yung tono ng pananalita niya at yung mukha niya pero, kilala ko si Aaron eh! Alam kong biro lang to! Baka baliw 'to? Tss.

"Siguraduhin mong seryoso at hindi biro yan ah! Masasapak talaga kita kapag biro lang yang sasabihin mo!"-banta ko! Masasapak ko kasi talaga siya kung nagkataong ganun eh.

"Baliw! Seryoso to pre! Kailangan mo kasing malaman ang katotohanan dahil kaibigan kita!"-sa tono ng pananalita niya, mukha ngang seryoso talaga siya.

"Ano ba yun?"-lumapit na ako sa kaniya para marinig ko ng maayos ang sasabihin niya.

"May ipagtatapat ako sayo Vince."-nagulat ako sa sinabi niyang yun. At kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko pero, isa lang ang bukod tanging nangibabaw sa lahat ng naiisip ko. May ipagtatapat siya sa akin? Shiiit! Akala ko ba hindi siya bakla?! Pero saglit lang. Baka iba yung ipagtatapat niya, wag kang mapanghusga Vince okay?

"Kanina kasi..."-napalunok na ako sa sinabi niyang yun. Ewan ko ba? Parang nandidiri ako! Pinagpapawisan na talaga ako. Wag niya lang sanang sabihin na may gusto siya sa akin dahil baka masukahan ko pa siya bigla. At ilunod ko pa siya sa inidoro namin.

"Ayos ka lang pre? Bakit ka pinagpapawisan?!"-p-p-pre?? Tinawag niya akong pre? Ibig sabihin, ewan! 50-50 ! Hindi ko talaga alam kung ano ba 'tong si Aaron eh. Nalilito lang ako.

"Ah--Ah--Eh! Wala. Mai---net! Oo! Ma--mainit lang kasi. Sige! P-pagpatuloy mo na yung sa--s--sasabihin mo!"- haaaay! Nasusuka na talaga ako!

"Sigurado ka ah? Okay! Kanina kasi, kinausap ako ng coach ko. Sabi niya last game ko na raw mamaya at sinabi niyang malakas daw ang makakalaban ko kaya mag iingat daw ako. Tinanong ko siya kung sino ba ang makakalaban ko sabi niya Vincent Ignacio raw! Nagulat talaga ako run tapos pinakita niya pa yung picture at...at... ikaw nga Vince! Ikaw ang makakalaban ko mamaya!"-mahabang paliwanag niya na napabuntong hininga na lang ako. Shit! Akala ko talaga bakla na si Aaron. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Bakit ko ba pinagbibintangang bakla si Aaron? Takteng buhay to. Baka nga ang bobo ko na talaga. Shitl lang! Taena yan!

~* Mga 2 minutes...

"AAAAANOOOOO???!!!"-napasigaw na lang ako bigla nung nag sink in na sa utak ko yung mga pinagsasasabi niya kanina. Totoo ba yun? Siya?? Si Aaron ang makakalaban ko? Tae! Si Aaron talaga? Hindi pa naman ako nakakapag concentrate kapag kaibigan ko ang kalaban ko. Pero ba--bakit siya nag try out dito? Shit talaga ohhh! Kala ko pa naman wala na akong problema, yun pala meron pa! Nakakainis naman talaga oh!

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon