Epilogue
"Pumasok ka na bilisan mo na! Kanina ka pa ata hinihintay nun o!"-pag pupumilit sa akin ni Brayan. Nandito kasi kami sa restaurant sa baguio. Paano ba naman kasi? May nireto na naman sa akin 'tong mokong na 'to.
Isang beses kasi sa isang linggo, parati silang may nirereto o ipinapakilala sa aking babae. At kahit ayoko, kinakaladkad pa rin nila ako hanggat sa makapunta na ako sa irereto nila. Ewan ko ba? Makakatulong daw ito sa pag mo-move on ko. Paulit-ulit ko naman na sinasabi sa kanila na focus muna ako sa pag-aaral ko at ayaw ko muna ng lovelife. Pero,.mapilit talaga sila e.
5 weeks na akong ganito, bale, pang limang babae na ngayon ang makikilala ko. Lahat naman ng pinapakilala nila Brayan sa akin ay magaganda kaso, aaminin kong, wala pa rin sila kay Aira. Ewan ko ba? Kahit 2 months na ang nakalipas, hindi pa rin gumagaling ang sugat sa puso ko. Haaaaaay.
"Ayoko ngaa! Ang kulit niyo naman e!"-pagmamatigas ko dahil ayoko na ng mga ganito. Mag aaral na lang ako kesa makipag landian.
"Arte naman neto! Last na 'to wag kang mag alala."-singit ni Michael. Nandito pala ang mokong na 'to =__=
"Bakit ba kasi lagi niyo akong nirereto kung kani-kanino? Ha? Ganiyan na ba kababa ang tingin niyo sa akin ha?"
"Paulit ulit naman tayo e. Tinutulungan ka nga namin mag move on diba?"-napakamot pa si Dave habang sinasabi yun. Hindi ko siya napansin na nandito a! Full force talaga sila e! Parang sobrang ganda naman ng irereto nila sa akin at ganito nila ako pinipilit.
"Tito, last na 'to promise!"-at sinama pa nila si Nicole a! Alam talaga nila na hindi ako papayag kaya sinama nila si Nicole. Mga tae talaga. -__- . Haaay. Wala na? Pamangkin ko na ang nagsalita e.
Nagsimula na akong maglakad papasok at naririnig ko pa silang nagpapalakpakan. Mga loko talaga. Sumenyas na rin si Brayan at tinuro niya ang kinakaupuan ng ka date ko ngayon. Nung nakita ko na ang tinuturo niya, tuluyan na akong pumasok sa loob.
Nasa kaliwa yung lamesa niya at yung pwesto niya, nakatalikod sa akin. Naka red dress siya and I'm really sure na maganda siya kasi kahit malayo pa ako sa kaniya, ang ganda na ng likod niya.
Mga dalawang lamesa na lang ang pagitan namin nung nag vibrate yung cellphone ko. Huminto muna ako sa paglalakad at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Nakita kong may message si Michael.
'Pre, Aira pangalan niyan.'
Pagkabasa ko nun tumingin agad ako sa labas at nakita ko silang nag si-sign language ng "go go go!! Kaya mo yan!" Mga loko talaga. Salamin lang kasi yung unahang part ng restaurant kaya nakikita ko sila. At mabuti na lang talaga at hindi sila pinapagalitan ng guard dahil para silang tanga run.
At teka lang? Gusto nila akong makapag-move on pero yung pangalan ng ka date ko ngayon ay Aira? Lokohan ba 'to?
Hindi ko na lang inisip yun at naglakad na ako...
"Hi!"-buong ngiting sabi ko. Nakayuko lang siya dahil nag c-cellphone siya at nung nakita niya yung kamay ko, tinigil niya na ang pag te-text at itinago niya na ang cellphone niya sa bag niya. Sobrang kinakabahan ako, ewan ko ba? Unti-Unti niya ng iniangat ang ulo niya. Slow mo lang ang lahat at... at... at... hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. Nanigas bigla ang buo kong katawan at bigla akong kinilabutan. Tangina! Sobrang tangina talaga! Pagkakita ko sa mukha niya, parang gusto ko ng sumuka. Hindi naman sa nanlalait ako pero, Hipon pare! HIPON!!! At hindi lang siya hipon a. Baklang hipon! Tangina talaga!
Tumingin ako sa labas at nakita kong tumatawa ang mga mokong! Sasapakin ko sila mamaya. Tae sila! Ireto ba naman ako sa bakla? Shiit!!! Shit talaga! Mga Tae talaga!
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE PA RIN TAYO!
Любовные романыTulad sa mga Romance Story na nabasa nyo na, Ang Storyang ito ay tungkol lamang sa pag-ibig :)) It is all about love :)) yun lang po wala ng iba. Ito po ay rated PG Hmmmm... Pwede na rin pong G Basta nasa sa inyo na po kung ano ba dapat itong story...