CHAPTER TWENTY EIGHT :))

598 13 1
                                    

Chapter 28.

(Aira's P.O.V)

"Yan! Napakaganda mo na bakla! Bagay na bagay sa iyo ang ayos mo ngayon. Ang ganda mo talaga bakla!"-sabi ni princess habang pumapalakpak. Naririto ako ngayon sa bahay/parlor ni Princess. Pumunta ako dito dahil gusto kong pagandahin at ayusan niya ako ngayon. Alam ko kasing siya lang ang expert sa ganito eh, tsaka libre lang sa kaniya no! Makakatipid ako ngayon. Hahaha. Oo nga pala, si Bartolome Hermy Salazar Mendoza jr. A.K.A.  Princess ay ang matalik kong kaibigan noong ako ay bata pa. Siya na lang ang natitira kong kaibigan ngayon. Siya ay matipuno at gwapong bakla! =____=. Bwisit nga ito eh. Kung naging lalaki lang sana! Hay! Buhay nga naman.

"Bakla wait!! Patingin nga ng bibig mo??"-sabay hawak sa bibig ko habang may ipinapahid na kung ano ba iyon?

"Princess! Ano ba ito? Bakit ang pangit ng lasa nito?"-halos masukasuka kong sabi.

"Bobita! Lipstick lang iyan! Mas maganda kasi ang labing pula sa mga babae no!"-nakapamewang na sabi niya.

"Lip...lipstick?? Ano iyon? Tsaka bakit ko kailangan mag ganito?"-inosenteng tanong ko. Malay ko ba kasi kung ano ang lipstick eh! Hindi pa naman kasi ako nag gaganito eh. Hindi ko ito nakilala sa buong buhay ko.

"Seriously bakla? Hindi mo talaga alam ito?"-nakataas na kilay na sabi niya.

"Are you stupid princess? Tatanong ko ba ito sa iyo kung alam ko naman ang bagay na ito?"

"Bobita ka talagang bakla ka! Ikaw lang ata ang nag iisang babaeng nakilala ko na hindi alam ang lipstick eh. Ewan ko ba Aira sa iyo! Nag hiwalay lang kayo ni Johann hindi mo na alam ang lipstick?"-sabi niya! Natulala lang ako sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang banggitin ang taong hindi naman dapat binabanggit? Arggggh! Naaasar ako. Dapat pala hindi na lang ako pumunta dito eh.

"Princess, kung hindi mo din naman sasabihin sa akin kung ano ba ang bagay na ito, please, just shut your mouth! Hindi kung sino sino pa ang pinagsasasabi mo!!"-sigaw ko sa kaniya. Naiinis ako! Bakit kailangan niya pang banggitin sa akin ang pangalan na pinandidirian ko?!

"Bitter."-sarcastic na sabi niya. "Anyway, baka awayin mo pa ako eh. For your information Aira, ang lipstick ay inilalagay sa labi ng mga babae, isama mo na din ang mga bakla upang sila ay magkaroon ng magandang labi para naman mapansin sila ng taong iniirog nila!"-paliwanag niya. Anong bitter? Sampalin kita eh! Hindi ako bitter no. Ayaw ko lang na binabanggit sa akin ang mga taong gusto ko ng kalimutan.

"Para mapansin ng iniirog?? Teka? Wala naman akong iniirog ah! Bakit mo ako nilagyan nito?"-naguguluhang tanong ko.

"Pakipot ka pa bakla eh! Anong tawag mo kay Vincent? Diba iniirog mo iyon?"-natatawang sabi niya

"What? Iniirog ka diyan! Walang gusto sa akin iyon no! Kaibigan lang turing sa akin nun!"

"So, siya kaibigan lang tingin sa iyo, eh ikaw?? Anong tingin mo sa kanya? Ka-ibigan?"-natatawang sabi niya.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon